9: Carlo Monteverde

145 5 0
                                    

" Partner"

" Ready! Fight!"

Nakatitig lang ako sa babaeng kaharap ngayon. Baguhan lang ako sa club na ito. Nasa Taekwondo class ako ngayon at heto nga may match kami ng babaeng gusto ko.

Pumusisyon na siya at mariin akong tinitigan.

Hindi ko alam pero parang hindi yata ako makagalaw sa pwesto ko. Nagulat nalang ako nang bigla siyang umatake sa akin.

Shit! Ang sakit ng sipa niya! Nawindang yata ang buong katawan ko sa ginawa niya. Ang sakit ng braso ko na natamaan.

Isa pang sipa ay nakaiwas naman ako. Kung pwede lang sana tumakbo ay ginawa ko na. Hindi ko alam na totohanan pala ang match na ito.

Isa pang kick ay nadidistract na ako lalo. Hindi ko lubos akalain na pwede pala maimmune sa sakit kung ang bumigay nun sa iyo ay siya. Hindi ko alam na sa bawat hampas niya ng sipa ay nagdudulot iyon ng kakaibang kilig dito sa puso ko.

Napatitig ako sa kanya. Kahit na napakaseryoso ng mukha niya ay hindi pa rin nabawasan ang ganda niya.

Sumali lang naman ako sa club na ito nang dahil sa kanya. Nalaman kong black belter na pala siya rito. Sa totoo lang wala talaga akong hilig sa sports na ito. Kaya lang linakasan ko ang loob na sumali para makita lang siya.

Kahit na gusto kong maging kaklase kami pero hindi na iyon nagawan ng paraan dahil late enrolee na ako. Full na ang section nila.

Isang malakas na kick ang binigay niya sa akin at sa pagkakataong yun ay natamaan na ako sa mukha. Parang naalog yata ang utak ko run. Wala pa naman kami protector headvest nito.

Sa hindi inaasahan ay bigla nalang nandilim ang paningin ko. Hanggang sa bigla nalang ako natumba. Grabe ang lakas talaga ng sipa niya.

Hindi ko alam kung paano ako nagising basta ang alam ko nasa clinic ako ngayon ng school. Nakita ko siyang concern na nakatingin sa akin.

" Pasensya ka na kanina ha. Hindi ko kasi akalain na masasaktan ka sa sipang iyon. Yun na kasi pinakamahina."

Parang gusto ko maubo sa sinabi niyang mahina. Grabe siya. Mahina lang iyon sa kanya?

" Okay lang ako."

" Sigurado ka ba?"

Hinawakan niya iyong pasa ko sa labi at nakita ko siyang mukhang nagsisi sa nagawa.

" Wag kang mag-alala. Okay lang talaga ako."

Napatango lang siya sa akin at tumayo na.

" Maiwan na kita ha. May klase pa kasi ako. Basta kapag may masakit pa rin sa iyo. Pa hospital ka na."

Gusto ko man mapangiwi sa sinabi niya pero ang makuha na sa wakas ang atensyon niya ay napakaheaven na sa akin.

Hindi lang siya magaling sa taekwondo, nalaman ko magaling din pala ito sa pagpipinta. Marami talaga kaming pagkakapareho sa isa't isa.

Ilang buwan akong ganoon. Tinitiis bawat sipa niya at palagi siyang ginuguhit mula sa malayo. Hindi ko alam kung bakit hindi pa ako pormal na nakipagkilala sa kanya. Napansin kong palagi niyang kasama ang dalawang bakla na iyon.

Alam kong kagaya ng pinsan ko ay matinik din ako sa mga babae. Pero darating din pala ang araw na matatameme lang ako sa isang babae. Mahihiya at hindi alam anong gagawin kapag ito ay nasa tabi.

Kapag nalaman ito ni Mike ay paniguradong pagtatawanan lang ako nun. Paanong ang pinsan niya ay heto natotorpe sa nag-iisang babaeng may allergy sa kanya.

LET ME LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon