" KARMA"
8 months after. . .
Pinahid ko ang lipstick sa aking labi at tinanggal ang mahabang wig. Huminga ako ng malalim at tiningnan ang repleksyon sa salamin dito sa aking banyo.
Kakagaling ko lang mula sa inorganisang graduation ball ni Jun. Tapos na ang graduation namin kanina at heto nga tapos na rin ang buhay kolehiyo ko.
Nakagraduate akong hindi alam ni mama. Tanging si ninang Fe lang ang nandoon na siyang ipinakilala kong pamilya rito sa San Alfonso.
Hindi ko alam kung worth it ba na binago ko ang sarili buong college days kung ang naging epekto nito ay ang malaking kasinungalingan tungkol sa pagkatao ko. Hindi ko alam kung tama ba na nagpanggap ako sa mga kaibigan at kinilala nila sa pagkataong alam kong hindi ako.
Kanina lang nalaman ni Jun ang dahilan kung bakit nitong nakaraang buwan ay iniiwasan kami ni Jasmine. Nagtapat na si Jasmine ng tunay niyang nararamdaman sa kaibigang bakla.
Nagawa niyang sabihin ang totoong nararamdaman dahil nalaman niyang ikinasal na si Jun kay Abbgygail. Fixed marriage iyong nangyari pero hindi na talaga mababawi ang sakit sa naging reaksyon ni Jasmine mula sa natuklasan.
Simula nang malaman namin ni Bubbles ang totoo sa nangyari kay Jun ay mariin ko silang sinabihan na huwag munang sabihin ang totoo kay Jasmine. Pero kahit anong gawin naming pagtatago sa katotohanan ay walang sekreto na hindi nabubunyag.
Ang mas nakapagtataka lang ay kung bakit tila mukhang malapit na sa isa't isa sina Mike at Jasmine. Hindi ko akalain na close na pala sila. Pero bakit hindi ko agad 'yun napansin nitong nakaraang buwan?
Akala ko ba ang kinababaliwan ni Mike ay si Abbygail na siyang asawa na ngayon ng baklang kaibigan kong si Jun.
Hindi ko alam na gumulo na pala ang mga sitwasyon sa aking paligid. Hindi ko napansin na napakarami na palang nangyayari na sadyang nakakagulat at nakapagtataka nalang.
Nitong nakaraang buwan masyado yata akong naapektuhan sa nangyari noong gabing nakita ko siya. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang mga sinabi niya sa akin.
Bakit Cindy? Bakit mo sinabi 'yun sa akin? Totoo ba talaga na mahal mo ako?
Sinubukan ko siyang kausapin at habulin pagkatapos nun pero sadyang mailap na ang tadhana para sa aming dalawa.
Nalaman kong sumali siya sa isang malaking beauty pageant dito sa Pilipinas at nasaksihan ko kung gaano siya naging matagumpay. Hindi ko lubos maisip na sasali siya sa isang prestigious beauty pageant dito sa bansa at mananalo pa.
Ngayon ay nasa ibang bansa na siya at naging abala sa gaganaping international beauty pageant. She's representing this country.
Pinaandar ko ang faucet sa lababo at naghilamos. Natanggal ang buong foundation ng make-up dito sa aking mukha at tuluyan ko nang nakita ang totoong sarili sa salamin. For 4 years that I wear this mask, wearing make ups in my face and wig in my hair just to hide the truth.
For 4 years I became someone I never thought would bring the best years of my life. Hindi ko alam kung paano ko ipaliliwanag sa mga kaibigan ang nagawang pagsisinungaling sa kanila. Masyado na talagang gumulo ang lahat at hindi ko alam anong gagawin ngayon.
Tagumpay naman ako, di ba? Walang nalaman si Mike at higit sa lahat nagawa kong manatili sa tabi ni Jasmine all these years.
Pero bakit tila mas gumulo yata rito sa nararamdaman ko simula nang sabihin sa akin 'yun ni Cindy? Bakit kailangan pa niyang sabihin na mahal niya ako?
BINABASA MO ANG
LET ME LOVE YOU
Romance( CHANGE OF HEARTS: SEASON 4) Cinderella Asuncion Tuazon who is so chic and gorgeous in every single way has it all as they say. Beauty, intelligence, money, fame and even the hottest fiancé in town. But in all the glamorous world she has, no one kn...
