46: Cindy Asuncion Tuazon

203 8 0
                                        

"Positive"

Nakadapa ako sa aming kama ngayon. Nakapikit ang mga mata. Namimilipit sa sobrang sakit.

Unang araw ngayon ng aking regla para sa buwan na ito. Kaya naman pala negative ang lumabas sa pregnancy test kasi dinatnan ako ngayon.

Hindi sa nagmamadali kami ni Carlo. We are not pressuring ourselves na magkaanak na. Pero sa isang taon namin na mag-asawa ay hindi ko pa rin mapigilan ang sarili na mangarap na magkaanak na.

Hindi sa hindi pa gusto ni Carlo. Pero minsan sinabi niya na kung ibibigay na sa amin ngayon ay masaya niyang tatanggapin.

Pero nakailang try na kami at sa tuwing magtetest ako ay ganun pa rin ang resulta. Puro negative.

Dumagdag pa yata sa sakit ng nararamdaman ko ngayon ang iniindang kirot dito sa aking puson.

"Sweetheart, gusto mo magpa-ospital na tayo ngayon?"

Napangiti ako sa sinabi niya. Nasa tabi ko kasi siya ngayon. Nakatukod ang kanang siko sa higaan habang ang kanang kamay ay nakahawak sa gilid ng kanyang ulo. He is worriedly staring at me.

"Ano ka ba. Dysmenorrhea lang 'to nu. Pain reliever lang katapat nito."

Sinasabi ko 'yun sa kanya habang pinagpapawisan na sa noo dahil sa sobrang sakit. Nakadapa ako sa unan ngayon.

" Eh, hirap na hirap ka na kung titingnan. Sigurado ka ba?"

Mahina akong tumango sa kanya at napapikit ulit.

Naramdaman ko na lang ang labi niya na lumapat sa aking noo. Niyayakap niya ako mula sa aking likuran.

"Kisspirin at yakapsule. Mas mainam na pain reliever sa dysmenorrhea mo."

Natawa ako sa sinabi niya. Tinulak ko siya ng bahagya.

" Tumigil ka nga! Ang corny mo!"

" Pero kinilig ka naman."

Sinubukan ko na lang itago ang ngiti sa aking labi dahil aminadong natutuwa ako sa corny niyang sinabi sa akin. Kahit gasgas na ang linyang 'yun pero kapag inlove ka ay tila balewala lang kung ilang beses mo ng narinig 'yun.

Ilang buwan ang lumipas pero hindi pa rin nagbago ang sitwasyon namin ni Carlo. Hanggang ngayon hindi pa rin kami nakakabuo.

"Do not pressure yourself, Cindy. Mag-enjoy muna kayo ni Carlo bilang mag-asawa. Sulitin niyo muna ngayon na wala pa kayong anak. Dahil kapag nagkaanak na kayo ay magiging iba na ang lahat sa inyong pagsasama."

Nasa hardin kami ngayon ng mansyon dito sa Negros. Kasama ko ang tita Myrna. Ang supposed to be byanan ko sana kung kami ang nagkatuluyan ni Mike. Nandito sila ng buong pamilya niya rito sa bahay at kasalukuyang nagbabakasyon. Magpapasko na kasi.

Mika is back as well as Mike is also back into this family. Hindi ko alam kung bakit biglang tinanggap ni tito Julio ang pamilya ni Mike.

Nagsimula ito noong bumalik si Mika sa poder ng mga Santillan na hindi nag-iisa. May dala kasi itong bata. Anak niya.

Hindi namin alam kung sino ang ama nito at kahit itanong namin sa kanya kung sino ay nanatiling tikom ang kanyang bibig.

Hindi namin alam kung saan ito nakita ni Mike. Basta simula nang bumalik si Mika ay palagi nalang over protective si Mike sa kanya.

Ngumiti lang ako kay tita ng kaunti at nagsimula nang magpaalam sa kanya. Pumasok ako sa loob ng mansyon.

Wala si Carlo dahil may inaasikaso sa Hachienda kasama ang tito Julio.

LET ME LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon