"Enough"
Walang duda. Siya nga ang ama ng dinadala ni Jasmine!
Walang hiya! Napakawalang hiya talaga!
Napapikit ako at hinigpitan ang pagkapit sa aking palda. Naka yellow floral dress kasi ako ngayon.
Kasalukuyang ginagamot ni manang Julie ang binti kong nasugatan.
" Aray! Dahan-dahan naman!"
" Ayy sorry po senyorita."
" Umalis ka na nga! Ako na ang gagawa!"
Mabilis naman siyang tumalima at iniwan na ako rito sa malawak na sala.
Napapa-inhale exhale ako at tila sasabog yata ang puso ko sa sobrang emosyon na nararamdaman.
Ilang sandali pa ay nakita ko si Mike na dumating na. Napaaga yata siya.
Biglang umaliwalas ang mukha ko at kahit nahihirapan sa pagtayo ay paika-ika ko siyang sinalubong.
" Mike! You're here!" Niyakap ko kaagad siya. Siya na lang ang meron ako ngayon.
Alam kong siya ang unang makakaintindi sa akin ngayon dahil imposebleng mas kampihan niya ang Jasmine na iyon kumpara sa akin na mapapangasawa niya.
" Anong nangyari sa'yo?" Nakita ko kaagad sa mukha niya ang pag-aalala nang mapatingin sa sugatan kong binti. Nakita rin niya ang sugat ko sa may siko. Shit pati rin pala rito ay nasugatan ako dahil ito ang ginamit kong pantukod kanina sa pagkakatilapon.
Kaya naman kampante akong magsumbong sa kanya. Baka ano pa kasi ang sabihin ng Jasmine na iyon lalo at nandito na ang ama ng anak niya na si Carlo.
Tila may bumara sa aking lalamunan nang marealize ang lahat. Hanggang ngayon nakakapanlumo pa rin talaga tanggapin ang lahat.
" Alam mo ba ang ginawa ng magaling mo na katulong sa akin? Ha? Grabe, I can't believe this." Maalala pa lang ang nangyari kanina ay para na naman akong sasabog sa sobrang galit. Lalo na sa ginawa ni Carlo.
" Sinong katulong?"
I rolled my eyes in a tired way.
" Hindi lang katulong. May dumating din na lalaki, and look what he have done to me? Binalibag niya ako Mike!"
Putang-ina 'yang pinsan mo Mike. Shit him.
Hindi ko inasahan na mapakunot ang noo niya. Parang nataranta pa siya sa kanyang reaksyon.
" Sinong katulong? Sagutin mo ako!"
Mas lalong hindi ko inasahan na magagalit siya agad. Saan ba siya nagagalit? Sa katulong ba? O sa akin?
Napalunok naman ako kasi mukhang nakakatakot ang galit niya. Pero ilang sandali pa ay namutawi na naman sa akin ang inis.
" Yang katulong mong buntis ay sinampal ako! Gumanti lang naman ako sa kanya ng kaunti—
Pero natigilan naman ako nang hawakan niya ako bigla sa mga braso. Pinandilatan pa niya ako. Nagulat talaga ako sa ginawa niya.
What the! Anong ibig sabihin nito?!
" Anong ginawa mo kay Jasmine? Ha? Nasaan siya ngayon?!"
Shit. Bakit galit siya sa akin?
Masakit na talaga ang pagkakahawak niya sa akin. Uminit lalo ang ulo ko sa ginawa niya.
"Mike, ano ba. .bitawan mo nga ako."
Pero hinigpitan lang niya lalo ang pagkakahawak sa akin.
BINABASA MO ANG
LET ME LOVE YOU
Romance( CHANGE OF HEARTS: SEASON 4) Cinderella Asuncion Tuazon who is so chic and gorgeous in every single way has it all as they say. Beauty, intelligence, money, fame and even the hottest fiancé in town. But in all the glamorous world she has, no one kn...
