24: Cindy Asuncion Tuazon

199 6 0
                                        

" My remedy"

Malakas kong isinara ang pinto ng taxi at matamlay na pumasok sa loob ng gate.

Napatingin ako sa aking relo at isang oras na lang pala ay matatapos na ang birthday ko. As usual lumipas na naman ang birthday ko na parang wala lang.

June 20 is just a usual date. Nothing special about it. Iilan nga lang ang nakaaalala.

Pagbukas ko ng pinto sa loob ng bahay ay pinagmasdan ko ang kabuuan ng loob ng mansyon. Napakalaki ng bahay na ito pero ang lungkot sa pakiramdam tumira rito.

Sumandal ako sa pintuan at huminga ng malalim. Ang kanina na mga luhang pinipigilan ay tila lumaya na sa wakas sa aking mga mata.

Umiyak ako ng umiyak at di inalintana na baka makita ako ni Darla ngayon na ganito ka lugmok ang kalagayan.

Niyakap ko ang sarili at kahit nagagalit ako sa nangyayari ay mas nangibabaw ang sobrang pagka-awa ko sa sarili.

Hindi dapat ako magpaapekto sa buhay kong ito pero anong magagawa ko kung puro na lang hindi maganda ang nangyayari rito.

" Cindy?"

Napaangat ako ng tingin at natigilan ako sa nakita.

Anong?

Lumapit siya sa akin. May dala siyang boquet of flowers. Nagtataka ang ekspresyon ng mukha niya.

Mabilis kong pinahid ang mga luha ko at umiwas ng tingin sa kanya. Napayuko na ako.

" Anong ginagawa mo dito?" Mahina iyong boses ko. Hindi ko alam tila nawalan yata ako ng lakas sa mga nangyari kanina.

" Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?"

Napatingin ulit ako sa kanya at nakita ko na puno ng pag-aalala ang mukha niya ngayon.

Shit. Heto na naman tayo. Bakit kailangang mag-alala siya sa akin?

" Anong ginagawa mo rito? At paano ka nakapasok?"

Nakita ko ang hawak niya na bulaklak. Para ba yan sa akin?

Nakita niyang nakatingin ako dun sa hawak niya.

" Para sa'yo. Happy 18th birthday."

Tinanggap ko iyong bulaklak at hindi ko alam kung deserve ko ba ito. Parang maiiyak na naman ako isipin na baka may kapalit na naman na kung anong masamang mangyayari kapag magiging masaya ako sa ganitong bagay.

" Okay ka lang ba, Cindy?"

" Anong ginagawa mo rito?" Mahina ko pa ring tanong sa kanya.

Pero tumitig lang siya sa akin. Nag-aalala talaga ang ekpresyon ng kanyang mukha.

Ilang sandali pa ay nagulat nalang ako nang bigla niya ako kabigin ng yakap.

Alam kong dapat lumayo ako sa kanya ngayon dahil nangangamba ang puso ko na baka mas lumalim pa ang nararamdaman ko sa kanya.

Pero ayoko na talagang lumayo sa kanya. Ayoko ng tikisin ang sarili ko.

Bahala na kung mabigo ako at masaktan sa piling niya basta alam kong andito siya sa tabi ko.

Napapikit na ako at gumanti na rin ng yakap sa kanya.

Hindi ko alam na ganito pala kagaan sa pakiramdam ang maramdaman ulit ang yakap niya.

Sa lahat ng masamang nangyari sa akin, nagpapasalamat akong andiyan siya lagi sa tabi ko. He's my remedy in all the insanity that is happening into my life.

LET ME LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon