"Bangungot"
Matapos kong uminom ng pain reliever ay nakatulog naman ako agad. Pero nagising na lang ako bigla nang maramdaman na parang may tumabi sa akin.
Napabalikwas ako ng bangon.
Napa-aray pa ako nang maramdaman ang iniindang sakit sa aking balakang.
Tinanggal ko ang sleep mask dito sa aking mata.
Pinikit ko muna ng matagal ang mata saka tuluyan itong ibuka. Nakita ko ang isang lalaking nakadapang natutulog sa tabi ko.
Mukhang napaka-himbing ng tulog niya.
Kinabahan naman ako kung sino ito. Napalunok ako habang tiningnan kung sino ang lalaking ito.
Napadilat ako sa mga mata nang bigla siyang makita.
Anong ginagawa niya rito?!
" Carlo?!"
Napaungol siya sa biglang pagsigaw ko.
Inis kong kinuha ang unan at malakas itong inihampas sa kanya!
Nagulat siya at mabilis na napabangon. Mukhang naalimpungatan pa siya nang makita ako.
" Anong ginagawa mo rito sa kwarto ko?!"
Napamulagat naman ang reaksyon niya.
" Kwarto mo?" Sumilay naman sa kanyang labi ang isang makulit na ngiti nang sabihin 'yun.
Napahigit ako sa paghinga at sinubukan na huwag maapektuhan sa ngiti niya.
" Oo! At saka, bakit ka andito, ha!?" Sinubukan kong takpan ng unan ang dibdib ko. Napaka-nipis lang kasi ng pantulog na suot ko ngayon.
Pero mas lalo lang yata siyang napangiti sa ginawa ko.
" Kahit ano pa ang gawin mong takip diyan, nakita ko na rin naman 'yan."
Natilihan ako sa sinabi niya. Shit. Nag-init bigla ang pisngi ko sa narinig sa kanya.
Inis ko siyang inirapan at bababa na sana ng kama. Sa kwarto ni Mike na lang siguro ako matutulog ngayon.
Paniguradong hindi na umuwi ang dalawang 'yun.
Pero natigilan naman ako sa nakita sa binti ko. Nakabalot na kasi ito ng plaster. Wala akong maalala na nilagyan ko ito ng plaster kanina ah.
Napatingin ako sa kanya.
" Ako may gawa niyan." Proud pa talaga siyang sabihin 'yun.
Eh ano ngayon? Tingin niya mapapatawad ko na siya sa nagawang pagtulak sa akin?
" Sorry na Cindy. Nagulat lang talaga ako kanina sa ginawa ko. Hindi ko sinasadyang napalakas 'yung pagtulak ko sayo."
Tsk. Sabihin mo 'yan sa nanay mo. Pero hinding hindi ako maniniwalang hindi mo 'yun sinadya. Tinapunan mo pa nga ako ng malamig na tingin matapos gawin 'yun.
Bumuntong hininga ako at pagod na tumayo nalang.
Pero napaupo ulit ako. Shit. Ang sakit talaga ng balakang ko.
Shit. Paano kung nabaliaan pala ako ng boto? Natakot naman yata ako bigla nang maisip 'yun. Anong gagawin ko ngayon?
" Cindy. . bakit?"
Sinubukan niya akong hawakan pero umiwas lang ako.
" Would you please get out in my room!"
" In your room? Kwarto mo na pala ngayon ang kwarto ko?"
Natigilan naman ako. Ha? Kwarto niya ito?
BINABASA MO ANG
LET ME LOVE YOU
Romance( CHANGE OF HEARTS: SEASON 4) Cinderella Asuncion Tuazon who is so chic and gorgeous in every single way has it all as they say. Beauty, intelligence, money, fame and even the hottest fiancé in town. But in all the glamorous world she has, no one kn...
