6: Carlo Monteverde

174 6 0
                                    

"The girl in the party"

'Hachienda Santillan'

" Anak, sigurado ka bang dito mo na tatapusin ang pag-aaral mo sa senior high? Mukhang maganda naman yung International School Manila. Bakit naisipan mong lumipat uli?"

Si mama habang papasok iyong SUV namin sa bukana ng mansion ng mga Santillan dito sa San Alfonso. Taga Negros talaga kami dahil nandoon iyong hachienda ng Papa kaya lang nang mamatay ito ay binili ang hachienda namin ng kapatid ng mama na si tito Julio.

" Hayaan mo na ang bata Yasmin. Mukhang mainam na ito nang makasama niya naman ang mga pinsan niya."

Lumamig yung tingin na ibinigay ko mula sa labas ng mansion ng mga Santillan.

'Tsk. Ang sabihin mo gusto mo lang ako mapalayo sa inyo nang makapagsimula kayo ng mama ng sarili niyong pamilya sa States.'

Tatlong taon palang ang nakalilipas mula nang mamatay ang papa ay nakahanap agad ng mapapangasawa ang mama. He is an American that was based in Cebu before. At nang maging mag-asawa sila ng mama ay pinilit na nito kami na magmigrate sa America.

But I won't ever leave this country. Hinding- hindi ako sasama sa kanila at kalimutan nalang lahat ng pinaghirapan ng papa. Nangako sa akin ang tito Julio na kapag nagpakabait ako sa kanya at susundin lahat ng utos niya ay bibigyan niya ako ng karapatan sa Hachienda sa Negros.

Nang makababa na kami ng sasakyan ay hindi ko na pinakinggan pa ang ilan sa mga sinabi nilang dalawa sa akin. Mabilis ang ginawa kong pagpasok sa loob ng mansion. Nakita ko agad ang tita Myrna na abala sa pagmamando sa mga katulong. Umaliwalas agad ang mukha ko nang makita siya.

" Louisito!" Agad ko siyang niyakap ng mahigpit.

" Tita naman. Carlo ho, ang bantot naman ng Lousito."

Humalakhak kaming dalawa sa tinuran ko. Simula nang mamatay ang papa ay siya na ang umalalay sa mama sa pag-aalaga sa akin. Para ko na rin siyang tunay na ina.

" You should follow what he said Myrna. He kinda get pissed when called as someone else." Si mama at nang makalapit sa amin ay buong ngiti na nakigbeso sa tita.

Matapos maipasok ang ilan sa mga gamit ko ay pumunta na ako sa entertainment room ng bahay. Nandoon daw kasi sila Mika at Mike. Matagal na panahon rin nang hindi ko sila nakita kaya naman medyo excited ako sa paglipat dito sa bayang ito.

Mukhang magkakaroon ng party mamayang gabi. Welcome party yata para sa akin.

" Carlo! Kailan ka pa nakarating?" Si Mike na kahit naglalaro sa kanyang PSP ay binitawan iyon para salubungin ako ng yakap. Makikita mo talaga sa mukha niya ang sobrang saya.

" Kumusta ka na?! Dito ka na ba talaga mag-aaral?"

Nakangiti lang akong tumango sa kanya. Sa totoo lang para ko na talaga siyang tunay na kapatid. We were brothers before this world put us into different bloodlines.

" Haaynako. Andyan na naman ang pinsan kong panget!"

Nakita ko si Mika na nakasimangot na nakaupo sa malaking divan ng kwartong ito. Mukhang inis ito dahil biglang iniwan ni Mike. Nakita ko mula sa malaking screen ng TV nila ang salitang game over. Tsk. Kaya naman pala. Natalo kasi sila.

Simula noon pa ay hindi na kami nito magkasundo. Sa kanilang dalawa ni Mike ito lang yata ang pinaka spoiled. Hindi na nakapagtataka kasi mas mahal ng kanilang papa ito dahil siya ang tunay na anak. Napatingin ako sa pinsan kong si Mike na nakangiti pa rin sa akin.

LET ME LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon