"Truth"
" Darating ang mama mamya, sweetheart. Kahit sinabi ko na sa kanya na hindi na kailangan pero nagpumilit pa rin siya. Gusto kasi niyang makita ang apo kapag naipanganak na."
Ipinilig lang ni Cindy ang kanyang ulo at ngumiti ng konti. Nakasandal siya sa aming mahabang sofa dito sa sala ng mansyon. Nasa pitong buwan na ang kanyang tiyan at konting panahon na lang ang titiisin at makikita na rin namin sa wakas si baby Ravo.
Oo, lalaki ang magiging anak namin.
"Tumawag nga ang mama sa akin kagabi. By the way, darating din ang tita Myrna."
Napakunot naman ang noo ko.
Teka, anong gagawin ni tita Myrna rito sa Negros?
" Bakit daw?"
" Gusto tayong kumustahin at tingnan ang kalagayan ko."
Mas nagtaka naman ako kung bakit kailangan pa gawin ng tita 'yun.
" Siya lang ba ang pupunta? Ang tito Julio?"
Umiling lang ang asawa ko habang nakapikit. Ilang araw na kasing masakit ang kanyang ulo. Nilapitan ko siya at sinalat ang kanyang noo.
Nagtaka pa ako nang maramdaman na mainit siya.
"Huwag na lang kaya akong tumuloy ngayon patungong San Alfonso?"
Tumawag kasi ang tito dahil kailangan niya ng alalay sa kabilang hachienda. May aberya na naman yata.
" Ano ka ba, andyan naman si manang Julie. At saka darating naman mamaya ang mama at siguro nandito na rin bukas ang tita Myrna."
Kahit ayokong iwan muna siya na masama ang pakiramdam pero nagpumulit siya sa akin na tumuloy pa rin. Kaya kahit nag-aalala ay umalis pa rin ako.
Sinabihan ko siyang mag-ingat at babalik din ako agad.
" Are you crazy Mikaela!!? What are you thinking?!"
Natigilan ako sa pagpasok sa study room ng mansion ng mga Santillan dito sa San Alfonso.
Nakita ko si Mike at Mika na mukhang nagtatalo. Nagtaka pa ako kung bakit umiiyak si Mika.
" Mahal ko siya kuya. Please. Please let me go. Hayaan mo na akong bumalik sa isla."
Nakita ko si Mike na nahihirapang tumingin kay Mika. Kahit galit siya ay makikita mo pa rin ang matinding pag-aalala sa kanyang mukha.
" Ayoko na rito! Alam mo naman na hindi ko gustong pamahalaan ang mga negosyo natin! Ayokong ikulong ang sarili—
" Shut up Mika! Shut up! Hindi ka babalik kay Miguel! Kahit ano pa ang sabihin mo, hinding hindi ako papayag na bumalik ka sa kanya!"
Miguel? Sinong Miguel ang sinasabi ni Mike?
" Kuya, please."
Mariin lang na umiling si Mike.
" No! Kilala ko si Miguel! Katulad lang siya ng papa! Hindi mo ba naisip na baka danasin lang ni Me-an ang naranasan natin noon? Gusto mo bang matulad sa mama, ha?!"
Humagulhol lang si Mika at naghihinagpis na napayuko habang umiiyak.
Lalabas na sana si Mike nang mapansin ako. Umiwas siya ng tingin sa akin at nilagpasan lang ako.
Pero sinundan ko naman siya.
" Sino si Miguel, Mike? Siya ba ang ama ni Me-an?"
Hindi ako sinagot ni Mike at nagtuloy-tuloy lang siya sa pagbaba ng hagdan.
BINABASA MO ANG
LET ME LOVE YOU
Romance( CHANGE OF HEARTS: SEASON 4) Cinderella Asuncion Tuazon who is so chic and gorgeous in every single way has it all as they say. Beauty, intelligence, money, fame and even the hottest fiancé in town. But in all the glamorous world she has, no one kn...
