34: Carlo Monteverde

215 8 0
                                        

" Change"



4 years' after

Walang kasiguraduhan sa mundong ito. Lahat nagbabago. Tama nga sila. Change is the only thing in this world that remains constant.

Marami na ang nangyari sa buhay ko nitong nakaraang taon. Hindi ko akalain na magbabago ako.

I spend my entire college life being gay. I become Charmaine in people's eyes. Even Mike does not know that I am just here, watching him over. Pretending to be someone that I never think I could portray very well.

Alam ko sa sarili na hindi talaga ako bakla. Pero ngayon ko lang naintindihan na hindi naman pala masama na maging isa sa kanila.

Not that I change my sexual orientation. I am still attracted to women. Hindi rin ako nagkagusto sa kapwa lalaki. Kahit gaano pa kalandi ang dalawang kaibigang bakla na sina Bubbles at Jun, eh naging klaro pa man din sa akin ang lahat sa sarili.

I am a man pretending to be someone. Iyon lang ako at kailan man hindi na magbabago.

Siguro ang magpanggap na bakla sa buhay na ito ay hindi ko inasahan na magugustuhan ko sa huli. Pretending to be gay with my new set of friends now is undeniably satisfying. I never regret doing this as long as I know andyan sila sa tabi ko.

Nasa huling taon na kaming apat sa kursong Fine Arts dito pa rin sa Love Hurts University. Kahit paano na maintain ko naman ang mga magagandang grades. Consistent akong Dean's Lister. Tito Julio is so impress and perhaps because of my sacrifices, I totally gain his full trust.

A sly smile curve at my lips knowing after this, I can get back the hacienda from him.

" Baklaaaaa! Mababangga tayo!!!"

Napamulagat ako mula sa malalim na pag-iisip nang makita ang kotse ko na halos mabangga na ang poste sa may gilid ng daan.

Mabilis kong niliko ang manibela pabalik sa gitna ng daan.

" Mygasssh Charmaine! Hanggang ngayon hindi ka pa rin mapagkakatiwalaan sa pagdadrive. Itigil mo nga ang sasakyan! Ako na! Baka sa langit pa ang punta natin nito!" Si Jun na halatang inis na inis.

Aburido kasi ito dahil ipinagkasundo ng kanyang lolo sa anak na babae ng kasosyo ng pamilya nila sa negosyo.

Itinigil ko na ang sasakyan at mabilis kaming nagpalit. Galing kasi kami ng karaoke bar sa mismong bar na pagmamay-ari nila Mike. Ngayon nga ay pabalik na kami ng school.

" Charms, ilang ulit ba namin sasabihin sa'yo na chillax lang kapag nagdadrive ka. Hanggang ngayon kinakabahan pa rin ako sa'yo."

Nahihiya akong napatingin kay Jasmine na noon ay wala na yatang papantay sa ganda nito. Mas lalo siyang gumanda ngayon. Kahit simple lang siya pero para sa akin ay siya ang pinakamaganda sa lahat.

Pero alam kong hanggang kaibigan lang ang kaya niyang ibigay sa akin. Sa halos apat na taon naming pagkakaibigan ay nalaman ko kung gaano siya ka head over heels sa bakla naming kaibigan na si Jun.

Wala na yatang ibang mamahalin ito kundi si Jun lang. Kahit na gusto kong humigit pa kami sa pagiging magkaibigan pero imposeble na talaga. Mahal niya ang baklang kaibigan at kahit magpanggap man ako ng ilang libong beses na bakla pero alam kong si Jun at Jun pa rin ang natatangi sa kanyang paningin.

Pero kahit paano kontento na ako sa sitwasyon namin ngayon. I am contented pretending to be gay just to remain at her side. Babantayan ko na lang siya at poprotekhan hanggang sa makakaya ko. Gagawin ko ang lahat hindi siya masaktan ng kung sino man.

LET ME LOVE YOUMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon