18: Cindy Asuncion Tuazon

97 5 0
                                    

" Ponytail"

Kasalukuyan kaming nasa malaking field dito sa school. Parehong vacant namin kaya nagdesisyon kaming tumambay muna rito.

Nandito kami ngayon sa isa sa mga bench dito at nakaupo habang tanaw ang mga naglalarong players ng soccer team ng school.

Kahit paano hindi naman masyadong mainit dito sa gawi namin kahit malayo sa paboritong pwesto ko noon doon malapit sa mga puno. Ang lakas naman ng hangin kaya okay lang.

Itinali ko iyong mahaba at tuwid ko na na buhok gamit ang panyo ko. Naiwan ko kasi iyong crunchy ko kaya ito nalang muna ang ipantatali ko.

Nagulat nalang ako nang maramdaman ang kamay niya sa batok ko.

Nagtatakang napalingon ako sa kanya.

" Bakit?"

Natigilan ako sa nakaawang niyang bibig habang seryosong pinagmamasdan ang mukha ko.

May problema ba? Bakit parang natitigilan yata siya?

" May problema ba, Carlo?" Untag ko sa kanya.

Tila nagitla pa ito sa pagtawag ko sa kanyang atensyon.

" Ha? Ah..wala. May naiwan pa kasi sa buhok mo. Hindi nasama sa pagtali mo."

At ipinakita niya sa akin ang ilang hibla ng mahabang buhok ko sa likod.

Oo nga pala. Ganito nalang palagi ang problema ko sa tuwing nagtatali ng buhok. Palagi nalang kasing may naiiwan. Sa kapal kasi ng buhok ko hindi ko magawang hawakan iyon lahat. Lalo pa at naiwan ko iyong pantali ko at panyo lang itong ginamit ko. Kaya ayokong itali ito eh. Ang hassle na masyado.

" Palagi ka nalang ganyan. Sinasadya mo bang may naiiwan diyan sa buhok mo sa likod sa tuwing nagtatali ka?"

" Hindi ah. Medyo mahirap lang sa akin gawin iyon."

" Ang haba at kapal kasi ng buhok mo. Ano ka ba. Si Cinderella ka ba talaga o si Rapunzel?"

Hindi ko mapigilang matawa sa sinabi niya.

" Ito naman! Syempre Cinderella pa rin naman ako."

" Talaga lang ha. Nako..hindi bagay sayo maging Cinderella. Para ka kasing isang damsel in distress na naghihintay na sagipin ng isang lalaking maliligaw sa mahabang kastilyo mo!"

Napangiwi naman ako sa sinabi niya. Sa lahat ng fairytale princess, si Rapunzel ang pinaka-hindi ko bet. Ewan ko..masyado kasi akong natatakot sa bruha niyang ina.

" Ows? At sa tingin mo ikaw iyong lalaki na sasagip sa akin?"

" Gusto mo ba iyon, Rapunzel? Sege nga ibaba mo nga yang buhok mo nang makaakyat na ako!"

Natawa naman ako lalo sa sinabi niya.

Ilang sandali pa ay hinila niya iyong panyo na nakatali dito sa aking buhok. Nagtataka akong napatingin sa kanya.

" Oh, bakit?"

" Ako na ang magtatali sa buhok mo! Naaalibadbaran kasi ako diyan sa mga naiwan mong buhok sa likod."

Nagulat nalang ako nang bigla niyang hawakan ang buhok ko. Hindi ko akalain na tinatalian nga niya ako ngayon!

Noong una ay medyo naasiwa pa ako sa haplos ng kanyang kamay dito sa aking buhok pero ilang sandali pa ay napahagikhik na ako.

" Oh, bakit ka natatawa?"

Sinasabi niya iyon habang patuloy na sinusuklay ng kanyang daliri ang mahaba kong buhok. Sa kapal ng buhok ko ay walang panama iyon sa dalawang malalaki niyang kamay. Ang higpit ng ginawa niyang paghawak sa buhok ko. Naramdaman ko ring siniguro niyang hindi maiiwan ang ilang hibla ng aking buhok dito sa aking batok.

" Hindi raw siya bakla pero ang galing mag-ponytail ng buhok ng babae!"

Sa gulat ko ay mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakatali sa aking buhok.

" Aray! Ano ba! Joke lang naman!"

Nagkatawanan pa kami lalo dahil sa nangyari. Ilang sandali pa ay sinimulan na niyang itali iyong panyo sa buhok ko. Nang matapos ay sinipat ko naman ang sarili sa salamin na dala ko parati.

In fairness ang galing niya sa ginawa ha. Perfect na perfect ang pagkaponytail ng buhok ko.

" Ang galing mo pala! Pwede ka ng mag-apply bilang personal hair stylist ko."

" Ayan mas bagay sa iyong walang naiiwan na buhok diyan sa batok mo. Para ka kasing tikbalang niyan kapag ganoon. Para kang may buntot sa batok."

" Ang OA nito! Kung hindi ko lang alam ay naiinggit ka lang dahil maganda iyong hair ko." At ginalaw-galaw ko pa talaga ang buhok ko na parang nasa isang commercial ng shampoo.

Nakita ko siyang napangisi sa ginawa ko.

" Asus. Nagyabang pa." Nagulat pa ako nang bigla niyang hilahin iyong ponytail ko.

" Aray! Ano ba! Namumuro ka na ha!" Hinila ko rin iyong maikli niyang buhok pero mukhang walang epekto lang iyon sa kanya.

Ilang sandali pa ay kinuha niya iyong sketchpad niya.

" Huwag kang gagalaw ha. Susubukan kong e-drawing 'yang mukha mo."

" Mukha? Bakit hindi mo pa ba memorize bawat detalye ng mukha ko at hindi mo ito kayang e-drawing nang hindi tumitingin sa akin?"

" Alam mo. Ang hirap kasi iguhit yang hilatsa ng pagmumukha mo. Kaya I need more time to stare at you."

Nagsimula na siyang gumuhit habang panaka-nakang nakatingin sa akin.

Napikon yata ako sa sinabi niya na ang hirap e-drawing ng mukha ko. Nakahalukipkip akong napatanaw sa mga naglalaro sa field. Nakasimangot ang mukha.

" Walang sisihan ha kapag hindi maganda ang resulta nito. Nakabusangot na naman 'yang mukha mo!"

Hindi ko talaga siya pinansin. Naiinis talaga ako.

" Bahala ka diyan! Kung hindi maganda eh di hindi!"

Narinig ko siyang humalakhak.

" Nagbibiro lang naman ako Cindy. Kahit naman anong emosyon ng mukha mo...maganda ka pa rin naman."

Natitigilan akong napalingon sa kanya. Laking gulat ko nang seryoso siyang nakatitig sa akin.

Napalunok ako at hindi alam kung bakit biglang umihip ang malakas na hangin dito sa puso ko. Bigla nalang kasi itong kumabog ng malakas. At sa di mawari ang bilis ng pagtibok nito. Tila natutunaw yata ako sa mga titig niya.

Ano bang nangyayari sa akin?

Shet. Nafafall na ba ako sa kanya?

LET ME LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon