33: Cindy Asuncion Tuazon

218 8 0
                                        

" Dead Heart"

Ilang araw ng walang paramdam si Carlo sa akin at hindi ko siya halos mahagilap sa school. Tinatawagan ko siya pero hindi niya iyon sinasagot. Halos naka-isang libong text na ako sa kanya pero no reply talaga.

Pinupuntahan ko siya sa café restaurant pero wala talaga ni anino niya. Pabalik-balik ako sa classroom niya pero absent daw siya. Pupuntahan ko ba siya sa mansyon ng mga Santillan?

Shit him. Hindi naman ako ganito dati ah.

Bakit sinisira ko ang sarili sa kanya? Bakit nilolower ko ang sarili para sa kanya?

Hindi ako iyong tipo na kapag ayaw sa akin ng tao ay maghahabol ako sa kanila.

No. Not me talaga. Cinderella Asuncion Tuazon will not lower for that stupidity.

But I know deep inside that I am. I am stupid.

Ano bang nangyayari sa akin? Ganun na ba talaga ako ka hibang upang magpakadesperada para sa pag-ibig?

Cindy! Wake up! The guy doesn't love you!

Pero totoo talaga yung sabi nila. Wala talagang laban ang utak sa puso. Na kahit alam mo na ang dapat gawin at kung ano ang tama pero pinipili mo pa rin kung ano iyong masakit dahil tanga ka lang sa pag-ibig na ito.

Napakatanga. Shit.

Matamlay akong naupo sa isa sa mga benches dito sa malawak na field. Ilang hapon ko ng ginagawa ito. Hinihintay siya at umaasang makikita ko siya na nagdudrawing sa kanyang sketchpad.

Baliw na ako. Baliw na talaga ako.

Bakit hanggang ngayon hindi pa rin ako sumusuko sa nararamdaman kong ito sa kanya? Bakit ngayon ayaw pa rin tumigil ng puso ko na mahalin siya?

Gabi na at makulimlim ang langit. Tila gusto pang sumabay sa nararamdaman ko.

Shit. Sege na. Umiyak ka na rin. Umulan ka ng malakas. Wala na kasi akong luha naubos na sa kakaiyak.

Ilang sandali pa ang hinintay ko bago nagpasyang umuwi na sa malungkot na bahay na iyon.

Pero natigilan ako nang makita siyang lumabas mula sa isang room kasama sina Jasmine, Jun at Bubbles.

Bakit magkasama sila? Bakit parang close na sila sa isa't isa?

Nakita nila ako at kinawayan ako ni Jasmine.

" Hello Cindy!"

Hindi ako gumanti ng bati sa kanya at napatingin lang kay Carlo na noon ay malamig pa rin ang mga tinging ipinukol sa akin.

Shit. Bakit ka ba ganyan?!

" Haynako! Miss Senior High nga pero mukhang tralala naman. Hali na nga kayong tatlo!"

Nagpanting ang tenga ko sa sinabi ni Jun. Inis akong napatitig sa kanya.

" Mauna na kayo guys. Susunod nalang ako."

" Ikaw ang bahala charms."

" Charmaine ha. Bukas baka makalimutan mo ang qualifying exam."

Tumango si Carlo sa kanila. Natigilan naman ako. Charmaine?

Tila alam ko na ngayon ang ikinagagalit nito sa akin. Shit. Cindy. Hindi ka kasi nag-iingat.

" Carlo, I can explain."

Sumunod ako sa kanya nang makitang nagsimula na siyang maglakad palayo sa akin. Pero hindi niya ako pinansin.

LET ME LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon