"Escape"
Hindi ko alam kung paano ko na survive ang dalawang araw sa retreat na ito. Gustong-gusto ko na talaga umuwi. Kahit na may mga banyo naman ang camp site na ito para sa aming personal hygiene pero hindi ko talaga kayang sikmurain mag Cr sa public place. Yun pa naman ang pinakahate ko sa lahat.
Magpaganun pa man kahit papano nagpapasalamat ako na sa dalawang araw na iyon ay puro group activity na. Wala muna yung pair activity. Kahit paano medyo nalibang na rin ako sa mga activities nila sa grupo.
Minsan pag naglelecture time ay bumabalik naman yung pagkabore ko. Merong time na kinukuha ang phones namin kahit wala naman signal kaya imposebleng magamit talaga namin yun. Simula nang takasan ko yung last activity namin ni Carlo ay hindi na talaga kami nagpansinan pagkatapos nun.
Medyo naging magaan sa pakiramdam ang lahat. Huling araw na namin sa site at balik ulit sa pairing activity. Like argghh. Nakakainis na naman ulit. Pero huling araw na naman kaya titiisin ko nalang muna.
" This activity will let you know more about your partner."
I rolled my eyes. Ano bah. Hindi pa ba sila tapos sa getting to know ek-ek na yan?! Alam ko naman na napakawalang kwenta nitong kapartner ko. Tsk.
" You will write in your journal notebook of what is your impression and assumption of your partner. Your self reflection is all about the learnings you gain from sharing personal information with your partner. All of you must try to look a place that will make you free to talk. But you should remember, hindi pwedeng lumayo. Bawat trail site ay may mga nakabantay na guide. Kapag lumabag sa rules, automatic yung 5 points grade na additional sa card ay mapapawalang bisa."
Halos maraming estudyante ang napaungol. Alam kong marami sa kanila ang gusto ng eexplore ang lugar. Kaya lang hindi nila nagagawa dahil sa mga restrictions ng mga guro. Tsk. Nagcamping pa kami sa magandang lugar na ito kung limitado lang pala ang mapupuntahan namin.
As usual isinuot naman sa amin iyong pusas. Grabe, I can't believe I'm enduring this 'kabaduyan' all this time.
Pumunta kami malayo sa ibang tao. Sa di kalayuan natatanaw namin iyong guide. Nagmamasid baka kasi may lumagpas sa area na dapat lang pangyarihan ng activity.
Nakaupo kaming dalawa sa may malaking bato rito habang tanaw ang sea of clouds sa baba. So far kahit tirik na tirik ang araw pero hindi naman masyadong mainit dahil sa malamig na hangin. Mabuti nalang pala marami akong dalang jacket at makakapal na coat.
" Oh sege na. Simulan mo na ang pagsasalita. Isusulat ko na." Pero hindi lang siya umimik. Tahimik lang siyang nakatitig sa mga ulap.
Nako, mukhang mang-iinis na naman ito.
" Kung ayaw mo, eh di wag!"
Lumipas ang ilang minuto na ganoon lang kami. Tahimik lang. Walang may gustong umimik. Grabe, kung torture ang mga sandaling ito ay hindi ko alam paano ito tapusin ng madali. Buong maghapon pa naman ang activity na ito.
Arrgh. Kairita talaga.
I flipped my very long hair and exasperatedly stare at the clouds. Tumingin ako sa relo ko at alas nuebe pa pala ng umaga. Gosh. May ilang oras pa akong titiisin na walang humpay na katahimikan kasama siya.
Arrghh. Tsk. Ayoko na. Ayoko na talaga. Uuwi na ako.
Tiningnan ko iyong guide at mukhang wala ito sa focus kasi kausap nito ang isang guro namin na dalaga pa lang.
Bahala na. Uuwi na talaga ako. Total nakapagparticipate na naman ako ng dalawang araw siguro enough na iyon para umuwi ako. Doon ko nalang gagawin sa bahay ang journal ek-ek na ito. Instruction sa amin na ibigay iyong journal namin sa ka partner namin. Mukhang imposebleng mangyari yun. Pareho naman kaming walang maisusulat sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
LET ME LOVE YOU
Romance( CHANGE OF HEARTS: SEASON 4) Cinderella Asuncion Tuazon who is so chic and gorgeous in every single way has it all as they say. Beauty, intelligence, money, fame and even the hottest fiancé in town. But in all the glamorous world she has, no one kn...