3: Cindy Asuncion Tuazon

309 7 0
                                        

" Sweet Revenge"

That stupid video cost me everything. As expected I lose in the election. Natalo akong walang sinuman ang nakikisimpatya sa akin. All my life people are drawn towards me with so much fond and favor.

Pero ano na ang nangyari sa akin ngayon? My reputation fluctuated like the price of some bargain clothes.

Nang dahil sa nangyari ipinatawag ako sa principal office. My parents are also there. All of them are bothered with my sudden change of behavior in that video. Na suspend ako ng ilang araw nang dahil doon.

But the most grievious effect of all these is that I can never forget how disappointed my dad to me.

Hinding hindi ko makakalimutan ang tinging ipinukol na naman niya sa akin. Cold and hate.

My stepmom is also disappointed because she can't take it anymore of how her amegas taunt her with that video.

She screamed and threaten me to send in her province in Negros. Ang laki raw kasi ng kahihiyang nagawa ko sa pamilya namin. Both of them never talk to me for how many days.

Napakagat ako sa labi at napasandal ang noo sa aking mga tuhod. Nakaupo ako sa sahig dito sa lab room ng aming school. Nagtatago mula sa mga mapanghusgang titig ng mga estudyante. It's almost one month now since the video released and ruin everything in me.

I cry so hard but it seems like no one would be there to hear me out. No one would be there to understand me. My family and friends hate me so much.

Nagkamali ako oo, pero tama bang tratuhin nila ako ng ganito? Do I deserve this kind of humiliation?

" Sinabi ko naman kasi sayo na magsorry ka lang sa kanya para hindi nila malaman ang totoo mong pagkatao. Tsk. I give you 3 years to do it, but you never even try to do it."

Napaangat ako ng tingin at nakita ko siyang printe lang na nakasandal sa may pader. His golden brown undercut hair is naughty enough to intimidate me. Nakapamulsa siya at tila kinakantyawan ako sa mga titig niya. A small smile curve in his lips.

Damn. Anong ginagawa ng lalaking ito rito? Kung may ayaw man akong makita ngayon ay siya iyon!

Ilang araw ko na pinagpaplanuhan kung paano ipapasalvage ang lalaking ito. Sa isip ko paulit-ulit ko na siyang pinapatay. Arggh. Kairita talaga!

" Masyado bang boring ang buhay mo ngayon kaya nakikialam ka sa buhay ng iba?! Ha?"

Ngumiti siya sa akin at lumapit. Napakunot naman ang noo ko. Tsk. Huwag na huwag siyang lalapit lapit sa akin. Baka ngayon na mangyari ang pagpapasalvage ko sa kanya!

" Hindi naman. Pero I just can't take it that someone like you will win the election. Fooling everyone with your two face mask."

Napasinghap ako sa mga tinuran niya.

" See? Hindi ko kayang tiisin lahat ng kaplastikan mo."

Tumayo na ako at hinarap siya.

" Bakla ka ba?"

Ang kanina na mapangkutyang reaksyon niya ay napalitan ng blankong ekspresyon. Out of the blue kasing lumabas sa bibig ko iyon.

" Sa pagkakaalam ko..mga babae lang ang nakikisawsaw sa issue ng ibang babae. Not unless kung isa kang closeta na walang ibang ginawa kundi ang makiusyoso sa buhay ng iba!"

Mariin ko siyang tinitigan. Ilang sandali pa ay bigla siyang ngumiti sa akin ng kaylapad. Natigilan naman ako sa pagngiti niya.

Bakit ang gwapo?

Huh?

Cindy?

Huminga ako ng malalim at iniwas na lang ang tingin sa kanya. Aalis na sana ako nang bigla niya akong hablutin sa braso at isinandal sa may pader.

Nagulat talaga ako doon at hindi makapaniwalang tiningnan siya.

" Sabihin mo sa akin, yan na ba ang bago mong style ngayon para mapansin kita? Mas bet mo ba yung mga bakla?"

Napaawang yung bibig ko sa kanya. Hindi ko na rin mapigilan ang hindi mapangiti sa kanya hanggang sa natawa na talaga ako. Napatda naman siya sa pagtawa ko. Naguguluhan siyang nakatitig sa akin.

Oo na. Gwapo naman talaga siya. Matangkad at medyo matipuno. Matangos ang ilong at mapula-pula ang pisngi at labi. Little freckles on his nose. Dark brown eyes that are shining because of amusement. Kung tama ako sa aking kutob ay may lahi ito. Mestizo kasi ito at parang kastila ang pinanggalingan ng dugo. Tsk. That's why I feel betrayed and colonized.

But I immediately smirk at him. Ang kapal ng mukha talaga! Siya nga itong nanggulo bigla sa buhay ko at iisipin pa ngayon na ako itong nagpapapansin sa kanya?! Grabe!

" Para sabihin ko sa iyo, 'you're not my type'. To be honest, yang hilatsa ng pagmumukha mo ay parang may tinatagong lambot diyan sa closeta mo. I can see green blood in your skin." Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa at ipinakita sa kanya ang aking pandidiri.

Tinabig ko ng malakas ang kanyang mga kamay pero ano't hindi pa rin niya ako binitawan.

" Ano ba! Bitawan mo nga ako!" Nagpupumiglas ako sa kanya pero ang lakas talaga niya. Gusto ko man humingi ng saklolo pero tapos na ang class hours. Halos lahat ng estudyante ay nakauwi na. Maggagabi na rin pala.

Gusto ko man kabahan na baka may gawin siyang masama sa akin pero pinipigilan ko ang sarili na mag-isip ng kung ano.

Hmp! Subukan lang niya!

" Try harder, Cinderella. Your two face bitch!"

Napadilat ako sa sinabi niya. Grabe, ang tabil ng dila nito. Ang kapal ng mukha na husgahan ako pero siya itong napakabastos! Alam kong naiinis lang siya sa sinabi ko sa kanya pero walang sinuman ang sumigaw sa akin ng ganyan. Ni tumawag sa akin ng bitch ay walang nagkakamali!

" Sa tingin mo talaga gusto kita? Iw."

I saw him flich with my remarks.

" Hindi ko alam, baka totoo pala ako sa mga sinabi tungkol sayo. Bakla ka nga ba?"

Hindi ko na siya hinintay pa na makasagot sa tanong ko. Malakas ko siyang tinulak at isinandal sa pader. Siya naman ngayon ang naguluhan. Hindi pa nga siya makarecover sa pagtataka ay mabilis ko siyang hinawakan sa pisngi.

Bago siya makaangal ay bigla ko kaagad siyang siniil ng halik!

Kahit hindi ko pa ito nagagawa dati pero pikit mata ko iyong ginawa sa kanya. Mga halos limang segundo siguro ang itinagal nun at kumalas na ako. Gulat na gulat ang kanyang reaksyon sa ginawa ko.

May lipstick pa na naiwan sa kanyang labi. Pinahid ko iyon.

" Sa susunod kung makikialam ka sa buhay ng iba, kilalanin mo muna kung sino ang kinakalaban mo. Ha? Bakla?"

Mabilis akong lumakad palayo sa kanya. Bago lumabas ng room ay inis kong kinuha ang aking bag. Tiningnan ko muna siya na gulat na gulat pa rin sa nangyari.

Tsk. Akala mo ha.

Pinahid ko yung labi ko at padabog na binuksan ang pinto. Malakas ko siyang pinagsarhan.

Tsk. At least bago ako magtransfer sa probinsya, nakaganti man lang ako sa kanya. Hmp.

LET ME LOVE YOUMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon