"Insecurities"
Sometimes insecurities hide somewhere from the wishes and dreams you wanted to have in this life. When you see all of these are coming true in the lives of other people, you start this strange feeling inside of you called 'HATE'.
Jasmine Ramirez, tsk what a nice name, but I won't let you take my prince away. Carlo is not your Alladin. He's Cinderella's prince and will be hers forever.
Ibinaba ko na ang hawak na magazine at tiningnan ang sarili sa malaking salamin na nasa harap ko. Kasalukuyan akong nasa isang parlor dito sa mall.
" Bagay po sa inyo, ma'am."
Ngumiti ako sa hairstylist at nagsimula nang tumayo. Matapos magbayad ay binigyan ko siya ng malaking tip. Kahit paano satisfied naman ako sa naging resulta ng pagpapakulay at pagpapakulot ko ng buhok.
Bumagay naman iyong blonde sa morena kong mukha.
Nang makalabas ng mall ay nakita ko agad si Carlo na naghihintay sa akin sa parking lot.
Nakangiti ko siyang pinuntahan pero bigla na lang nawala ang ngiti ko nang mapansin na ang sama ng tingin niya sa akin.
Nailang naman ako at biglang napahawak sa buhok ko.
" Bakit?" Kinakabahan kong tanong sa kanya.
" Anong nangyari diyan sa buhok mo?"
Nasira na talaga ang mood ko nang mapansin na aburido siya sa nakikitang pagbabago sa buhok ko ngayon.
" Eh di pinakulayan ko!"
Pumasok na ako ng sasakyan sa may driver seat. Wala si manong Berto kasi kakakuha ko lang noong isang araw ng driver license kaya naman I am free now to drive wherever I want to.
Nasa legal age na ako at kahit paano, my supposed to be debut last time turn out so well and thanks to him.
Sumunod siya sa akin at tumabi.
" Bakit mo pinakulayan?"
Nagtaka na talaga ako sa frustrations nakikita sa kanya.
" Bakit ba? Hindi bagay sa akin?"
" Hindi! It does not match your skin complexion!"
Napakurap ako at mabilis na napalabi. Grabe, kung alam lang niya na siya ang dahilan kung bakit ko binago ang hair color at hair style ko.
" Sabi sa akin ng hairstylist bagay naman ah! Inaasar mo lang yata ako!"
Pinaandar ko na ang sasakyan kong Mercedes. Medyo naiinis na rin ako kasi naman akala ko magugustuhan niya. Di ba mas gusto niya ang mga ganitong buhok?
Napatingin ako sa kutis ko na hindi pa kasing crema katulad ng kay Jasmine. Halos isang buwan na akong umiinom ng mga pampaputing gamot. Mula sa collagen hanggang sa halos laklakin ko na ang iba't ibang klaseng gluta na nereseta ng aking derma.
Ilang botelya na rin ng lotion na pampaputi ang naubos ko pero hanggang ngayon I am still your typical morena girl. Tumingkad lang yata iyong kulay ko pero hindi naging mas maputi katulad ng kay Jasmine.
Gosh. Bakit ang hirap e-achive iyang mestiza look na yan!
Busangot na talaga ang mukha ko.
" Mas bagay sa iyo ang itim na buhok. Iyon ang buhok na bagay sa mga mata mo."
" I can wear contact lenses."
" Ano?! Eh di nagmukha ka ng amerikanang hilaw niyan!"
![](https://img.wattpad.com/cover/251713819-288-k380273.jpg)
BINABASA MO ANG
LET ME LOVE YOU
Romance( CHANGE OF HEARTS: SEASON 4) Cinderella Asuncion Tuazon who is so chic and gorgeous in every single way has it all as they say. Beauty, intelligence, money, fame and even the hottest fiancé in town. But in all the glamorous world she has, no one kn...