" Shit that boy!"
" Grabeh ang bait talaga niya."
Tinapik ko sa balikat ang babaeng nadapa sa may hallway kanina. Tinulungan ko siyang makatayo.
" Maraming salamat talaga Cindy. Hindi ka lang maganda at matalino, sobrang bait mo pa."
Napalabi ako na tila kinikilig sa sinabi niya. Nakita ko halos lahat ng estudyante sa school na ito na humahanga talaga sa ipinakita ko.
Ilang oras nalang ay malalaman na ang resulta ng eleksyon. Isa-isa ng bumubuto ang mga estudyante.
" Nako Cindy mukhang kuhang kuha mo talaga ang loob ng mga estudyante. Congratulations advance."
Inilahad ni Indigo ang kanyang kamay upang makipag shake hands. Grade 10 si Indigo at pang-apat na sana niyang termino ito sa pagiging student council president kaya lang kinalaban ko siya. Nasira tuloy ang kanyang karera.
But I don't feel sorry at all. Ang boring na kasi ng mga programa niya sa school na ito. Like the heck, sino ba naman ang matinong magcoconduct ng Science and STEM activities every event? Ano ito? Science High School lang?
Kapag ako ang mananalo, gagawin kong amusement park ang buong field. Araw-araw may physical games and activities like arts and theater.
Di ba mas masaya yun?
Tsk. Tapos na ang araw kung saan ang mga nerd na mga taong ito ang nagdodomina sa buong school. Ito na ang panahon para sa mga magaganda at totoong matalinong katulad ko.
Tapos na ang araw ng mga killjoy! Hmp!
Inabot ko yung kamay niya at ngumiti ng kaylapad.
" Salamat, pero wala pa naman ang resulta." Nahihiya kumbagang turan ko sa kanya pero ang totoo hindi na ako makapaghintay talaga sa resulta.
I'm pretty sure, mommy and daddy will be proud of me.
Pinisil niya yung kamay ko at binitawan na. Tsk. Kung di ko lang alam sinadya mo talagang magpatalo kasi crush mo ako.
I flip my very long hair and get my water from Clara. Wala si Luna kasi may pinuntahan lang saglit sa library. Hayst. Isa pa ito. Napakabookworm talaga. Kung di'ko lang minsan ito napapakinabangan sa paggawa ng aking mga assignments ay tatanggalin ko na siya sa friends list ko. Ang boring kasi.
Muntikan ko ng maibuga ang iniinom nang makita ko uli siya.
Ilang araw ko siyang iniiwasan at ilang araw na rin akong di matahimik. Nakita kong mariin siyang nakatitig sa akin.
Bakit ba kung makatitig ito ay para itong may yelo sa mga mata na nakakataranta nalang bigla sa akin? Si Elsa ba ito? Naningkit yung mga mata ko sa kanya. But he just smirk at me and go ahead.
Tsk. Madapa ka sana.
Naiirita kong hinablot kay Clara ang bag ko. Aalis muna ako rito. I need to calm down. Nakakabad trip naman makita ang lalaking 'yun. I can't believe I let some people get into my nerves nowadays. Arrgg. Kairita talaga.
Pero habang naglalakad ako sa hallway ng aming school ay napansin kong parang hindi makapaniwala ang mga taong nakatitig sa akin. Lahat sila ay halos nakahawak sa kanilang cellphone.
Kumunot yung noo ko at natigilan.
Hindi ko alam pero bigla yata akong kinabahan sa mga reaksyon nila. May ibang tinitingnan ako na parang na disappoint. Iyong iba naman ay pagkasuklam ang nakikita ko sa mga mata. Nagagalit ba sila sa akin? Bakit ganito ang mga titig nila?
" Cindy..."
Nilingon ko si Clara at katulad ng iba hawak din niya ang kanyang cellphone. Sa sobrang kaba ay hinablot ko iyon sa kanya.
Hindi ko alam kung tama bang sabihin na sana nilamon nalang ako ng lupa sa mga sandaling ito. Muntik ko ng mabitawan ang hawak na cellphone. Napatingin ako sa lahat ng mga estudyante sa paligid ko. May ibang napapailing habang tumitingin sa akin. Ang iba naman ay parang pinag-uusapan na ako.
Mahina kong inabot kay Clara ang kanyang cellphone at hindi ko alam kung paano ko nakita ang sarili na tumatakbo nalang palayo sa lugar na ito.
Habang tumatakbo ay may nakita akong ilang banner na para sa akin na pinupunit ng ibang estudyate. Tinapon din nila ang ilan sa mga cheering props na para sa akin.
No.. no.. no way.
Pinipigilan ko ang sarili na hindi mapahikbi.
Paano nangyari ito? Bakit nangyari ito?
" Napakadissapointing! Sabi na nga ba, mapagpanggap lang ang babaeng yan. Hayynako. Too good to be true naman kasi. Maganda, matalino, mayaman at mabait? The nerve! Now her skeleton in the closet is out. Tsk."
" Napakafeeling naman kasi ng babaeng yan. Akala mo kung sinong perpekto! Napakataas ng tingin sa sarili! Kawawa naman yung inapi niya."
" Eh, ang tingin yata sa sarili ay parang anghel, yun pala demonyita!"
Nakita ko silang humahalakhak. Pinagtatawanan nila ako.
A while ago they're praising me so much. They love me so much. Kulang nalang ay halikan nila ang tinatapakan ko. Pero bakit sa isang iglap lang napalitan yun ng panghuhusga at pagkamuhi sa akin?
Bakit?
Sino bang may gawa nito?
Napahinto ako sa pagtakbo at naalala ang lalaking yun.
'Shit that boy! Magbabayad siya sa ginawa niya!'
![](https://img.wattpad.com/cover/251713819-288-k380273.jpg)
BINABASA MO ANG
LET ME LOVE YOU
Romansa( CHANGE OF HEARTS: SEASON 4) Cinderella Asuncion Tuazon who is so chic and gorgeous in every single way has it all as they say. Beauty, intelligence, money, fame and even the hottest fiancé in town. But in all the glamorous world she has, no one kn...