20: Cindy Asuncion Tuazon

102 4 0
                                    

" I'm not the one."

Nasa malaking locker room ako ngayon kasama si Mike. Sinamahan ko siya patungo sa gym kung saan magpapractice na siya sa kanyang game. Kasalukuyan siyang naghahanda ngayon. Nagsusuot siya ng kanyang medyas.

" Bakit mo sinabi kay Carlo na may relasyon tayo?!" Nakasandal ako sa mga lockers nila habang inis siyang tinitingnan.

Nakangiti siyang umangat ng tingin sa akin.

" Bakit? Hindi na ba? Nag break na ba tayo?"

Grabe..ngayon ko lang na realize kung gaano ito ka feeling. Kung feeling ang pinsan niya ay mas feeling naman ito! Nakalimutan ko. Isa nga pala sa mga rason kung bakit nawalan ako ng interes sa kanya ay dahil napaka-self entitled nito.

" Naging tayo ba? As far as I remember, you were just fooling around. Seeing a lot of girls while we were still together."

Napahalukipkip na ako at napatuwid ng tayo habang inis siyang tinitingnan pa rin.

" Easy lang babe. Akala ko lang kasi iba ka sa kanila. You are good in this kind of relationship. Hindi ka naghahabol sa akin. Sa lahat ng nakarelasyon ko..ikaw iyong pinakagusto ko ang ugali."

Hindi ko alam kung bakit bigla akong napanganga sa sinabi niya.

Ano raw?!

" Nagbibiro ka ba!?"

" Ano bang ikinapuputok ng butse mo? Bakit big deal sa iyong sabihin ko kay Carlo ang tungkol sa atin?"

Wow. Grabeh. Mabilis akong napapaypay sa sarili. Tila hihimatayin yata ako sa mga pinagsasabi nito! Kanina pa niya ipinagdidiinan sa akin na may relasyon talaga kami.

" P..pwede bang tumahimik ka muna? Mike."

Napakagat ako sa labi at inis na hinawi iyong ponytail ko.

" Wala tayong relasyon! At ni minsan hindi naging tayo! Pwede ba..tigilan mo na ang kakasabi kay Carlo na may tayo dahil hindi naman iyon totoo."

Hindi ko alam kung baliw ba siya o siraulo kasi naman tumawa lang siya sa reaksyon ko. Mas nainis lang ako lalo sa nakita sa kanya. Katulad lang siya ng pinsan niya. Palagi akong iniinis! Ah hindi! Mas malala pa siya kay Carlo!

" May gusto ka ba sa pinsan ko, Cindy?"

Hindi ko alam kung paano niya nahuli ang pagkurap ko at mas lalo lang iyon nagpangiti sa kanya.

Tumayo na siya at kinuha na ang malaki niyang bag, laman ang ilang gagamitin niya sa pagpractice.

" I know Carlo is a bit too soft to women like you, but believe me he's not the kind you're thinking. He's no prince charming to anyone."

Napakunot naman ang noo ko.

" Bakit? Tingin mo naghahanap talaga ako ng isang prince charming? Baliw ka ba? Anong tingin mo sa akin ganun ka hibang?!"

I see him look at me in a serious way. Mukhang na offend ko yata siya sa pagsabi sa kanya ng baliw. Eh ano naman ngayon?!

I hate to admit it. I hate to know that it is obvious to him that I am so into his cousin.

" Cindy, kung nahuhulog ka na sa pinsan ko. Mas mabuting maaga pa lang ay tigilan mo na iyan."

Hindi ko alam kung bakit dinidiscourage niya ako sa pinsan niya. Nagseselos ba siya rito?

" Bakit naman?"

Ngumiti siya ng mapanuya sa akin.

" He's inlove to somebody else. Someone that is not so feminine like you. That is not as gorgeous and stunning like you. Hindi ang mga tulad mo ang type niya, Cindy."

LET ME LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon