13: Carlo Monteverde

148 6 0
                                    

" Trauma"


" Papa! Gumising kayo. Papa!"

Sinubukan ng bata na gisingin ang kanyang ama. Nabunggo kasi ang kotse nila sa poste. Gabi na at walang katao-katao sa lugar na iyon. He was just 8 years old on that time. Maraming dugo ang lumalabas sa ulo ng kanyang ama na noon ang ulo ay nakasalampak sa manibela.

May sugat rin siya sa noo pero hindi ganun ka lalim. Medyo nahihilo na rin siya dahil doon.

Niyuyogyog niya ang walang malay na ama pero hindi talaga ito magising.

" Pa..."

Isang yugyog pero wala pa rin. Nakita niya ang nagkikislapang kuryente sa harap ng kanilang sasakyan. Nagulat nalang siya nang biglang sumabog yun dahilan para mapayakap siya sa ama.

May nakita siyang mga sasakyan na huminto malapit sa kanila.

" Tulong! Tulungan niyo kami!"

Hindi niya maaninag kung sino-sino ang mga bumaba roon. Lumapit ito sa kanila at binuksan ang pinto ng kanilang sasakyan. Ang isang lalaki ay mabilis siyang kinuha.

Mabilis siyang inilayo ng mga ito sa sasakyan ng kanyang papa.

" Ang papa! Kunin niyo rin siya!"

Pero hindi siya pinakinggan ng mga kalalakihan. At saka lang niya na realize ang lahat nang makita sa malapitan ang mga sasakyan nila. Ito pala ang humahabol sa kanila kanina dahilan para mabangga sila ng kanyang papa sa poste.

Nakita niyang mga armado ang mga ito. Nagpupumiglas siya at tatakbo sana palayo sa kanila. Ang isa sa kanila ay tinakpan ang kanyang bibig.

Ilang sandali pa ay nagulat nalang silang lahat sa pagsabog ng sasakyan ng kanyang papa. Ang papa niya!

Napadilat ang bata mula sa nasaksihan. Hindi siya halos makapaniwala sa mga nangyayari. Habang pinagmamasdan ang ama na unti-unting nasusunog sa loob ng sasakyan ay wala siyang magawa kundi ang tingnan lang ito. Kahit anong gawin niyang pagpupumiglas pero hindi siya makagalaw mula sa higpit ng kanilang pagkakayakap.

" Paa!"

Napasinghap ako mula sa bangungot na iyon. Nagising nalang ako bigla habang humihingal dahil sa sobrang takot. Hanggang ngayon hindi pa rin ako tinatantanan ng panaginip na iyon. Hanggang ngayon dala-dala ko pa rin ang alaala ng araw kung saan nawala sa akin ang ama.

" Sorry. Nadisturbo ba kita? Hindi ko napansin ang lubak na daan."

Napapikit ako nang maalala na naman ang lahat. Oo nga pala. Sumama nga pala ako sa baliw na babaeng ito.

Mukhang malalim na ang gabi at hanggang ngayon hindi pa rin namin mahanap ang daan pabalik ng San Alfonso.

Ilang oras na kaming nasa daan. Alam kong pagod na pagod na itong babaeng ito sa kamamaneho pero sorry nalang siya. Hindi talaga ako marunong mag drive. Simula nang mangyari ang insedenteng iyon sa aking buhay ay nagkaroon na ako ng phobia sa mga sasakyan.

Hindi ko maintindihan ang sarili kung bakit mas pinili kong sumama sa kanya at kalimutan nalang lahat ng pinaghirapan ko sa retreat. Nababaliw na rin siguro ako. Natakot kasi ako na baka may mangyari sa kanyang masama kapag hinayaan ko lang siyang mag-isa na umuwi.

Tsk. Ano bang nangyayari sa akin? Bakit nag-aalala na ako ngayon sa babaeng ito?

" Anong oras na?"

" Alas nuebe na ng gabi. Gutom ka ba? Kumain ka muna."

Tiningnan ko naman siya. Napansin kong pagod na pagod na talaga siya.

LET ME LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon