"Another Engagement"
" Cinderella! Ano na naman 'to?"
Nakadekwatro akong naupo sa malaking sala namin sa bahay ng nasira kong ina dito sa San Alfonso.
Hindi na ako umuwi sa mansyon ng daddy sa Pasig. Simula nang umalis ako ng Negros noong nakaraang linggo at itawag sa daddy kanina ang nangyari ay madali siya agad napapunta rito.
I can't help to give a sly smile knowing that he is really giving me attention this time. Simula nang ma dethrone ako ay nakikita kong palagi nalang akong napupuna ng daddy.
Hindi ko mapigilan ang sarili na manlumo isiping sa mga ganitong pangyayari lang niya ako napapansin.
" Dad, Mike has a wife now. At magkaka-anak pa sila." I tried to sound disappointed, but I know deep inside I am relieve it happen.
Hindi siya makapaniwalang nakatitig sa akin.
" Cindy, ano bang nangyayari sa'yo? Hindi ka naman ganyan noon ah. Bakit palagi mo nalang ipinapahiya ang pamilya natin?"
Tsk. Pinapahiya? Ganun na ba kalala ang mga pinaggagawa ko sa buhay nitong nakaraang taon?
" Dad, totoo talaga. Bakit hindi mo itanong sa tito Julio."
Actually hindi ko pa nasasabi sa papa ni Mike ang totoo. Kahit paano ay ayoko manggaling sa akin ang masamang balita na 'yun.
Sa totoo lang hinayaan ko nalang si Carlo ang magsumbong sa lahat.
Pagod na ako. Pagod na pagod na ako sa mga issues na ito. Kung gusto niya protektahan si Jasmine. Bahala siya.
Napatingin ako sa hindi pa magaling na sugat sa aking binti. Hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari.
Siguro wake up call ko na 'yun sa lahat. Walang patutunguhan ang hibang na pag-ibig ko sa kanya.
Ilang sandali pa ay nakita ko siyang tinawagan ang tito Julio. Nang makita ko ang ekspresyon niya sa mukha mula sa telepono ay alam kong alam na nga ng tito Julio ang lahat.
Tsk. Gusto ko man makaramdam ng awa kay Mike at maging kay Jasmine dahil paniguradong tututulan talaga ito ng pamilya ni Mike. Knowing Don Julio Santillan.
"Oh naniniwala ka na?"
Napapailing akong napa-scroll sa aking cellphone.
"The wedding will carry on."
Mabilis pa sa pusang naghahabol ng daga ang pag-angat ko ng mukha.
Ano 'yun!?
"Dad! He's already married! Hindi ba kayo naaawa sa asawa niya?"
Sa totoo lang kahit galit ako kay Jasmine, but knowing what will happen to them with their child, I can't help to be worried.
Alam kong hate ko talaga siya pero wala naman kasalanan ang bata sa lahat. Deserve nito ang magkaroon ng kompletong pamilya.
I will make sure that will happen. Walang bata dapat ang madamay sa isyung ito.
" Ayoko! Ayokong magpakasal sa kanya!"
" Cindy!"
Napatayo ako at aalis na sana ng sala.
" Darla! Sabihin mo kay manong Berto na ipahanda ang sasakyan. Aalis tayo."
" Ha? Tayo po senyorita?"
" Oo! Wag ng maraming tanong!"
Siguro magsashopping nalang muna ako. At siguro ipag-sashopping ko na rin si Darla. All this time, siya lang 'yung nanatili sa akin at sinamahan ako sa bawat unos ng aking buhay.
BINABASA MO ANG
LET ME LOVE YOU
Romance( CHANGE OF HEARTS: SEASON 4) Cinderella Asuncion Tuazon who is so chic and gorgeous in every single way has it all as they say. Beauty, intelligence, money, fame and even the hottest fiancé in town. But in all the glamorous world she has, no one kn...
