28: Cindy Asuncion Tuazon

241 10 0
                                        

" Evil plan"

" Ang ganda rito."

Napalingon ako sa kanya na noon ay marami ng naiinom na alak na binili ko kanina sa convenience store.

Nasa toktok kami ng bundok ngayon. I mean paano kami nakarating dito gamit ang sasakyan ko?

I discover this place the time that I was so desperate enough to vent out. Medyo patag ang lugar na ito kaya dito ko na ipinark ang kotse ko.

Kumuha kami ng kumot at inilatag iyon malapit sa bangin.

Hindi naman masyadong madilim kasi maliwanag ang buwan at nakakalula sa ganda ang mga bituin sa langit.

Kumuha rin kami ng dalawang maliit na chairs. Tanaw sa pwesto namin ang city lights sa baba.

Napaka-refreshing sa pakiramdam makita ang ganitong view dito sa taas.

" May dala ka bang tent?"

" Bakit?"

" Gusto mo mag camping tayo ngayong gabi rito?"

Natigilan ako sa sinabi niya. Lasing na ba siya? Tiningnan ko ang ilang bote ng mojito na naubos namin. Napailing akong napangiti sa kanya.

" Meron ako sa likod ng sasakyan."

" Kunin mo at itatayo ko."

Sinunod ko naman ang sinabi niya. Nang maibigay sa kanya iyong tent ay sinimulan na niya itong itayo. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako marunong magtayo ng tent.

" Naalala mo ba noong retreat natin last year, di ba ang sungit mo sa pagtayo ng tent?"

" Oo, kasi nang-iinis ka."

Nang matapos niyang matayo ang tent ay inilatag niya doon ang kumot. Wala akong dalang unan pero okay na siguro itong makapal na jacket ko.

" Sana sinabi mong magcacamping tayo nang nakapagdala ako ng mga maliit na unan.

" Alam mo kapag pinlano natin ay kalimitang hindi matutuloy. Mabuti na itong random lang. Oh di ba? Mas masaya?"

Umupo ulit siya sa tabi ko at sabay namin pinagmasdan ang nagkikislapang ilaw sa bayan. Tanaw rin sa aming pwesto ang magandang dagat sa malayo.

" Nice view, huh? Paano mo pala na discover ang lugar na ito?"

" Wala lang. Just a random ride."

" Pumunta na ba kayo ni Mike rito?"

Maganda na sana iyong moment eh. Perfect setting, perfect conversation at perfect emotion. To be drunk and inlove na sana iyong mood kaya lang bakit kailangan pa niyang banggitin si Mike?

" Hindi pa."

" So plano mo siyang dalhin dito balang araw?"

Naguluhan pa ako kung bakit may nahihimigan akong iritasyon sa boses niya.

" Bakit? Ayaw mo?"

Lumingon siya sa akin at tinangay ng hangin ang kanyang buhok. His blushing cheeks and starring eyes are making me catch my breath.

" Paano kung sabihin ko sa iyong ayaw kong gawin mo yun? Ako lang dapat ang makakaalam sa lugar na ito. Tayong dalawa lang dapat. This place is ours."

Napalunok ako sa sinabi niya.

Alam kong napaka-pa fall niya na tao. At heto naman ako. Fall na fall na talaga sa kanya.

LET ME LOVE YOUMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon