35: Cindy Asuncion Tuazon

217 5 0
                                        

" Not yet done"

" Iha, napuntahan mo na ba si Mike?" Nasa kusina kami ngayon ng mommy. Tinutulungan ko siyang magprepare ng hapunan.

Kababalik ko lang galing Canada noong isang linggo. Kahit paano natapos ko naman ang pag-aaral ng walang kahirap-hirap.

Bumalik ako ng Pilipinas kasi nakapasa ako sa screening ng Bb. Pilipinas. Hindi ako nag-audition pero ang magaling ko na mommy ay ipanasa pala ang portfolio ko at siya na mismo ang nag-apply para sa akin.

" Hindi pa po. Siguro one of these days. Natawagan ko naman po siya."

Tinanggal ko na ang apron at dinala ang chicken cordon sa dining table.

As usual wala na naman ang papa. Nasanay na rin kami na hindi ito palaging nakakasabay sa hapunan.

" Darating si Inky ngayon. Umayos ka Cindy, ha." I rolled my eyes from what she said.

Hindi ko maintindihan kung bakit bet na bet nito ang bestfriend ng kuya Jefferson. Kulang na lang ay ampunin nito ang babaeng 'yun.

"Whatever mommy."

Sa totoo lang hindi naman ako galit sa kanya. It is just that; I just don't like her. But I still don't care. Bahala sila sa buhay nila.

Siguro all these years, nasanay na akong hindi magbigay ng pakialam sa lahat ng bagay. As long as I do the things that makes me happy, I don't care at all of what people say to me or what people do in their lives.

Naging dedma na lang ako sa lahat ng bagay. Siguro mas mabuting mag-concentrate na lang ako sa mangyayari sa akin in the future. And that to become Mike's wife.

Kahit paano natutunan ko ng tanggapin ang kapalaran. Hindi na ako kumuntra o sinubukang baguhin ulit ang takbo ng aking buhay.

Kung kapalaran kong maikasal kay Mike, so bet it. I don't care anymore. As long as I never disappoint my parent's decision.

Ilang buwan ang lumipas ay papalapit na ang itinakdang coronation night. Aminado akong kinakabahan sa magiging resulta.

But no matter what happen, I know I did my best and will still give my all on that night.

Sa buhay na ito, minsan kailangan mo talagang sumabay sa agos ng buhay.

Wala na akong pakialam kung ang mga ginagawa ko ngayon sa sarili ay gusto ko ba o hindi. Wala rin namang mangyayari kung ipipilit ko pang kontrahin ang nakatakda sa akin.

Kung nakatakda akong matalo, eh ano naman ngayon. At least sinubukan ko. Kahit mabigo ay at least naranasan ko.

Huminga ako ng malalim at inayos ang buhok sa harap ng malaking salamin dito sa backstage. Katatapos lang kasi ng aming talent portion.

Alam kong lugi na ako sa talent portion pero anong pakialam ko kung isinilang ako sa mundong ito na maganda lang.

At least medyo witty naman ako sa questions and answer portion.

Hindi ko maintindihan ang mommy kung bakit bigla niya akong isinali sa mga beauty contest na ito. Dati pa niya ako gustong sumali sa mga ganito pero nagmatigas lang ako hanggang sa siya na rin ang gumawa ng paraan.

Well, pagbibigyan ko nalang muna siya.

Tsk. Parati naman. Palagi ko nalang silang pinagbibigyan.

" Cindy, can I ask a favor to you?"

Liningon ko si Elena Guanzon. Siya ang representative ng Nueva Ejica habang ako naman ay sa Pasig.

Sa ilang buwan naming magkasama sa iisang camp sa Aces and Queens ay nakasundo ko naman siya agad. Kahit hindi ako ganun ka friendly pero naging magaan naman 'yung loob ko sa kanya.

LET ME LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon