7: Cindy Asuncion Tuazon

251 7 0
                                        

" Mr. Sungit"

" Ipakilala mo naman ako sa girlfriend mo Mike."

Natigilan kaming dalawa ni Mike mula sa pagmemake-out dito sa hardin nang mapansin ang lalaking bago lang dumating.

Biglang kumalas sa pagkakayakap sa akin si Mike at nakangiting sinalubong ang lalaking iyon. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya dahil medyo madilim sa hardin na ito. Pero nang makalapit na ito sa amin ay parang pinagsakluban naman ako ng buong mundo sa nakita.

Ano na naman ang ginagawa niya rito?!!

Bakit na naman siya andito sa lugar na ito!? Bakit parati ko nalang siya nakikita kahit saang lugar pa ako lumipat!?

Ngumiti siya sa akin ng nakakaloko at hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan sa mga tingin niya.

" Oh Carlo, I want you to meet Cindy. Cindy si Carlo pinsan ko pala."

" Nice to meet you Cindy."

Inilahad niya ang kanyang isang kamay sa akin. Gusto ko man hindi tanggapin iyon pero nakakahiya kay Mike. Ang dating nun ay parang ako pa itong bastos.

Tsk! Kung minamalas ka nga naman. Magpinsan pa talaga sila ng lalaking gusto ko.

Tinanggap ko ang kanyang kamay. Pilit akong ngumiti sa kanya. Nagkatitigan kami pero kulang nalang may kuryente na mamagitan sa mga tinginan namin. Napakagat naman ako bigla sa labi nang maramdamang ang higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko.

Gusto ko na sana bumitaw pero ang loko mukhang balak yata durugin ang kamay ko!

Napasinghap ako ng kaunti nang bitawan niya iyon. Isang matalim na titig ang binigay ko sa kanya.

" Hindi mo naman sinabi sa akin Mike na ang ganda pala ng girlfriend mo. I'm sure mabait din ito." Hilaw siyang ngumiti sa akin. Kung binabalak niyang sirain ang gabi ko, pwes nagkakamali siya kung akala niya magpapaapekto ako.

" Of course. Mabait rin ako. Di ba babe?"

Parang nagulat pa si Mike sa pagtanong ko sa kanya. Isa pa ito eh. Nakakainis na rin ito. Isang buwan na kaming lumalabas pero ang hilig pa rin tumingin sa ibang babae.

I mean hindi pa kami nakapag DTR (Define the Relationship). Pero I claim na kami na talaga.

" Oo naman, Cindy. Ah Carlo, would you mind if you accompany my guest tonight? Cindy, this party is for him. Lumipat na kasi siya ng school dito. Ikaw muna ang bahala sa kanya. Sege, I'll go ahead muna. May aasikasuhin muna ako."

Sabay pa kaming napa "what" ng Carlo na ito! Hindi ko alam kung bakit makahulugan niyang tiningnan itong Carlo. Kumindat pa siya rito bago umalis.

Naman eh! Bakit iiwan niya ako sa lalaking ito?! Napaawang ang mga labi namin habang tinitingnan si Mike na mabilis na nakaalis at biglang naglaho nalang sa dami ng tao sa gitna.

Inis ko siyang nilingon at nakasimangot ang mukha na aalis na sana kaya lang mabilis siyang nakahawak sa akin.

" Ano ba! Hindi mo talaga ako titigilan nu?!"

Pinaharap niya ako sa kanya at nanunuri ang mga matang tiningnan ako.

" Bakit andito ka sa San Alfonso ha?! Sinusundan mo ba ako?!"

Aba, ang kapal ng mukha. Parang kasalanan ko pa na andito ako.

" Hoy! Para sabihin ko sayo, mas nauna ako sayo rito. Baka ikaw diyan ang sumusunod sa akin!"

I cross my arms and evily smile at him.

" Hindi ka ba makamove on sa ginawa ko sayo? Gusto mo ulitin ko yun?" Bahagya kong inilapit ang mukha sa kanya. Gusto ko naman matawa nang mabilis itong umiwas.

LET ME LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon