" Miss Nobody "
Bata pa lang ay sa pagkakaalam ko namatay na ang aking totoong ina. Namatay daw sa panganganak sa akin. Lumaki akong ang stepmom na ang kinagisnang ina. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman kung magiging masaya ba ako kasi sa kabila ng lahat ay may nag-alaga pa rin sa akin.
Pero minsan gusto ko isipin kung mahal nga ba ako ng papa. Ni minsan hindi siya naging proud sa mga achievements ko. Ni tingnan ako ng puno ng pagmamahal sa mga mata ay hindi niya nagawa yun. Instead he look at me the way like I did some terrible sin his eyes. He actually hates me.
Reading fairytales about Cinderella gives me a different vibe. Actually it always made me think that I am really that Cinderella in the story. Kaibahan lang sa storya mahal naman ng tatay dun yung anak niya. Tapos hindi naman evil stepmother yung stepmom ko at higit sa lahat kahit inaasar ako ng aking stepbrother pero alam ko mahal nila ako.
But what made me become like this? Bakit ako humantong sa puntong maging masama?
Am I?
Masama nga ba ako?
Paano mo masasabing masama talaga ang isang tao kung alam mo lahat naman tayo ay may itinatagong kulo sa sarili. All of us has skeletons in our closet. Lahat tayo may itinatagong sama. Minsan kasi masyadong perpecto ang mga tao sa lipunang ito kaya gusto nalang ay ang magagandang asal ang parating makikita.
All my life I tried so hard to become one. But one faithful day ruin all my hardworks. From being miss popular, I become a nobody here.
Isang taon na halos ang nakakaraan simula nang mangyari yun sa akin. Totoong ipinatapon ako ng mommy sa probinsya. Akala ko sa Negros pero mukhang mas malala pa ang ginawa niya sa akin. Ipinatapon niya ako sa probinsya kung saan nanggaling ang totoo kong ina. Dito sa probinsya ng San Alfonso, Rizal ng Nueva Ejica.
In short halos ilang oras din ang layo patungong Manila pero eksaktong lugar kung saan wala masyadong malalaking establishemiento. Maliliit lang ang mga mall, hindi masyadong kilala ang mga schools at higit sa lahat, I don't like the people here! Arrgh. I hate it. My city life is ruin because of that damn video!
I started my first year in my seniors here in Love Hurts University. Like..iww. Gross. What kind of school is this? What put in the mind of those people who were behind of creating the name of this school? Bakit sa dinamidami ng pwedeng ipangalan sa eskwelahan na ito, bakit yun pa talaga?
Ang jojologs ha. Grabe, sumpa talaga ang pagkakatapon ko rito! Hindi ko nga alam kung paano ko nagawang makatapos ng Junior High sa eskwelahang ito. Kapag nag-apply ako sa mga schools sa State kung ako ay magkacollege, tatatak talaga sa records ko ang jologs na eskwelahan na ito. Like.. arggh. Kairita talaga.
I flip my very long hair and rolled my eyes. I take a deep breath and exasperatedly look in the sky.
This day is like the usual boring days in my life. As usual pagkatapos ko mag-aral sa library ay maglalakad ako rito sa malaking field ng school. Pero in fairness, kahit na ang jologs ng pangalan nito pero tatapat naman ang ganda ng building at field rito sa mga sikat na International Schools sa Manila.
Mukhang maganda naman ang accreditation ng school kaya nga naging University. Kung hindi lang siguro ito nasa tagong probinsya at kung hindi lang napakajologs ng pangalan nito ay aakalain kong nag-aaral talaga ako sa isang sikat at magandang eskwelahan.
Kaya lang, the thrill and trend in the schools in Manila are not here. The students here though I know came from the high elite family in this province, but I still find this school as simple and boring.
To be honest I find it hard to have friends in this school. Simula nang ipatapon ako sa lugar na ito nawalan na rin ako ng ganang mag effort. I mean I lost interest in the competition, maintaining my reputation and most pleasing my parents.
No matter what I do, I am just this extra baggage of their perfect family. My father obviously doesn't want a reminder from his past. Casting me away is the best thing that happen to him.
So sad girl na ba ako nito? Huh?
But no matter what it is. I just leave it here. I don't wanna dwell on that lonely feelings of mine. I think there is more to life than being sad.
Well, at least in this place I let my true self out. No one actually cares if sometimes I become a mad woman uhm.. I mean a cruel person. Mukhang nawalan na rin kasi ng interes ang mama na ipagmayabang ako sa kanyang mga amega.
I once become her pride and suddenly turn out to be her weak spot that those good nothing amegas of her will use to attack. Tsk. Those leeching rich mommas who always socialite just to prove and compare of their so called perfect life.
If there is one good thing that happen to me being here is that I learn to become independent in my own way.
Nasa ganoon akong pag-iisip nang bigla akong natumba.
" Pasensya ka na miss."
Hinawi ko yung mahaba kong buhok na nagkalat sa mukha ko dahil nasagi ako ng taong ito! Inis ko siyang tiningnan pero sa di inaasahan ay natigilan ako.
Nakatitig lang siya sa akin habang kumikinang ang mga mata sa sobrang ganda. Hindi ko alam pero parang nagslow-motion ang mga nangyari. For the first time, ngayon lang ako natameme sa isang tao.
" Miss? Okay ka lang ba?"
Hindi ako makasagot. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Parang hinihila kasi ako ng mga mata niya. Hazel brown eyes at shet.. ang gwapo niya. Hindi ako mahilig sa mga anime pero parang nakahanap ako ng isa sa mga bida ng mga gwapong lalaki don.
Tinapik niya ako sa pisngi at nako naman. Parang gusto ko iyon hawakan at panatilihin ng matagal sa aking pisngi.
" Mike mylabbbbsss!!!"
Taranta siyang napalingon.
" Miss..sorry talaga ha."
Nakita ko siyang napatakbo papalayo sa akin habang ako heto pa rin mukhang nadala niya yata ang puso ko.
" Doon ka sa kaliwa Bubbles! Jasmine sa court ka naman mag-abang! Dalian niyo baka hindi natin siya maabutan!"
May nakita akong tatlong estudyante na sa tingin ko yung dalawa ay mga bakla at ang isa naman ay babae. Mukhang hinahabol nila ang lalaking yun.
Napakunot naman ang noo ko. Tumayo ako at hindi napigilan ang sarili na makihabol na rin.
BINABASA MO ANG
LET ME LOVE YOU
Romansa( CHANGE OF HEARTS: SEASON 4) Cinderella Asuncion Tuazon who is so chic and gorgeous in every single way has it all as they say. Beauty, intelligence, money, fame and even the hottest fiancé in town. But in all the glamorous world she has, no one kn...