" Sudden Engagement"
" Ma'am andito po ang daddy niyo."
Nagulat ako sa sinabi sa akin ni Darla. Kasalukuyan kami ngayong gumagawa ng mango float dito sa kusina. Nakasanayan ko na palaging kasama si Darla kapag ganitong malungkot ako at walang magawa.
Mabuti na lang at kahit paano may kasama pa rin ako sa malaking bahay na ito ng nasira kong mama. Ang driver kong si manong Berto at si Darla lang ang sumama sa akin nang ipatapon ako ng mommy dito. Hindi ko akalain na kahit ganun kasama ang ugali ko ay may mga tao pa rin namang nanatili at hindi ako iniwan. Malaki ang ipinagpapasalamat ko dun.
" Ha? Kasama ba niya ang mommy?"
" Hindi po. Mag-isa lang siya."
Nagtaka naman ako kasi ngayon lang ito dumalaw sa akin na hindi kasama ang mommy.
Agad ko siyang pinuntahan sa sala. Ipinasok ko muna sa ref namin ang natapos na mango float. Bukas ay pwede na itong kainin naming tatlo.
Matamlay akong lumapit sa kanya na nakatalikod mula sa akin at nang humarap ito ay as usual ganun pa rin ang mga uri ng tingin niya sa akin. Malamig at walang pagmamahal.
" Dad? Ano pong ginagawa niyo rito?"
Kahit paano ay nakigbeso pa rin naman ako sa kanya.
" Magbihis ka. May pupuntahan tayo."
Kumunot ang noo ko. Gusto ko sana itanong kung saan kami pupunta pero alam ko siya iyong tipo ng tao na ayaw ng maraming tanong. Kaya naman mabilis na akong nagbihis.
Isang simple white floral dress lang iyong sinuot ko na pinarisan ng white sneakers. Nag head band na rin ako ng isa sa mga panyong naiwan ng mama na kulay puti rin. Hindi na ako gaanong nag-accessories sa oras na ito kasi ayokong mag effort ng masyado sa pag-aayos.
Tinatamad ako o mas mabuting sabihin na nawalan na talaga ako ng gana magpaganda. Para saan pa ang pagpapaganda ko kung hindi naman ako mahal ng taong mahal ko.
Hayst! Ano ba yan. Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko. Napabuntong hininga ako at naalala ang nasabi kay Carlo noong nakaraang araw. Hindi ko alam na ganito pala kasakit ang mararamdaman ko nang piliing lumayo na sa kanya.
Sabi na nga ba at magsisisi lang ako sa mga nasabi ko sa kanya. Haynako.
Bumaba na ako at nakita kong wala na ang daddy sa sala. Baka nasa sasakyan na siya.
Lumabas ako ng bahay at nakita ang BMW na sasakyan ng daddy. Pumasok ako dun at nakita kong hindi pala niya kasama ang driver niya.
Napakunot na talaga ang noo ko. Saan kaya kami pupunta?
Sana man lang ay kakain kami kasi nagugutom na ako. Hindi pa naman ako nakapaghapunan dahil sa ginawa namin ni Darla.
Ilang sandali pa ay dumating kami sa isang mamahaling restaurant sa lugar na ito. Kahit paano ay biglang sumaya ang puso ko nang marealize ang lahat.
Ngayon lang ako dinala ng papa sa isang restaurant. Kung kumakain kami sa labas noon ay minsan kasi hindi ito nakakasama sa amin dahil abala ito sa trabaho niya na halos out of the country. Ano kaya ang rason bakit niya ako dinala rito?
Nang makapasok na kami sa loob ay umupo kami malapit sa glass windows. Napaka-peaceful ng ambiance ng restaurant which is my favorite. Gusto ko kasing kumain na may jazz music ang pumailanlang.
" Ano gusto mo?"
" Steak na lang po sa akin at carbonarra."
Tumango siya habang hindi iniaalis ang mga tingin sa menu. Habang naghihintay kami ng aming order ay dumating muna iyong complimentary wine.

BINABASA MO ANG
LET ME LOVE YOU
Romansa( CHANGE OF HEARTS: SEASON 4) Cinderella Asuncion Tuazon who is so chic and gorgeous in every single way has it all as they say. Beauty, intelligence, money, fame and even the hottest fiancé in town. But in all the glamorous world she has, no one kn...