19: Cindy Asuncion Tuazon

199 8 0
                                        

" Dreamy lovestory"

To be friends with your enemy is a miracle that happens once in a lifetime. To be able to start friendship with him is something that no one will understand.

How can I trust the person who once ruin my life? How can I easily make friends with him when in fact it is a total contradictory to what is normal?

But to fall in love with him throughout the friendship is a different kind of delimma that I can refuse to recognize. Being friends with your enemy is a trap.

Iyon ang unang narealize ko nitong nakaraang buwan ng aming pagkakaibign ni Carlo. Habang tumatagal ang panahon ng aming pagiging close sa isa't isa ay hindi ko na rin maintindihan ang sarili kung bakit may kakaiba na akong nararamdaman para rito.

Nalaman ko lang iyon sa tuwing tinititigan ako nito sa oras na mahuli ko itong nakatingin sa akin. Minsan gusto ko na rin siya komprontahin kung bakit tila may nafefeel na akong kakaiba sa mga titig niya sa akin.

Hindi ko akalain na ganito ito ka caring na tao. I love every moment I get to spend with him. The short walk to my home that feels like so long whenever I'm with him. I love every study session we spend together in his VIP room at the café restaurant.

Oh how I love also the moment when he started combing my hair at the big field of our school while giving me again the best ponytail hair.

Shit. How can I feel so dreamy about everything of it? How can I let myself fall for this trap? How can I easily love him throughout our friendship?

Paano nangyari iyon? Paano nangyaring hinayaan ko ang sariling umibig sa isang lalaking hindi ko alam kung bakit ganun nalang kabait sa akin. Kung bakit matapos ng aming pag-iiringan noon ay bigla nalang itong nagbago ng pakikitungo sa akin.

Paano nangyaring minahal ko ito sa ganitong sitwasyon namin?

Shit talaga. Bakit ba kasi iyong unang nafafall sa inyong pagkakaibigan ay ang babae pa?

Bakit naging isa ako sa mga hangal na babaeng iyon?

Anong gagawin ko ngayon?

Paano ko ito sasabihin sa kanya?

Pero teka lang?

Kailangan ko bang sabihin ito sa kanya? Di ba nakakahiya iyon? Baka pagtawanan lang niya ako. Magyayabang lang ito kasi naman napatunayan nga niyang may gusto ako sa kanya.

" Anong iniisip mo?"

Napatingin ako sa kanya. Nakahiga kasi siya dito sa hita ko. Nasa ilalim kami ngayon ng malalaking puno dito sa field ng school. Nagdala kasi siya ng blanket kanina at inilatag niya iyon dito.

Ang sarap ng hangin habang printi akong nakadagan dito sa malaking puno.

Tuwing vacant ay nakaugalian na namin talaga ang pumunta rito. Minsan dito na rin kami nagrereview ng notes. At heto nga nakangiti siyang nakahiga sa mga hita ko.

May nahulog na dahon ng puno sa kanyang mukha dahilan para mapadilat siya. Natutop ko naman ang hininga nang biglang magtama ang aming mga mata.

Shet. Puso tumigil ka nga sa pagkabog. Ano ba. Baka mahalata niyang natetense na ako.

Kinuha ko ang dahon na iyon sa kanyang mukha at nakangising hinaplos ang haba ng kanyang ilong gamit iyon.

Tumawa siya ng kaunti dahil sa ginawa ko.

Natigilan naman ako.

Anong ginagawa mo, Cindy?!

Mabilis kong tinapon ang dahon at tila napaso pa ako nang mabitawan iyon.

LET ME LOVE YOUMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon