"Choice"
Napadilat ako at nakita ang liwanag na nagmumula sa ibabaw. Napalingon ako sa paligid at nakita ang kadiliman.
Sinubukan kong magsalita pero wala akong masabi. Sinubukan kong kumilos pero hindi ako makagalaw.
Para akong kinukulong at kahit anong gawin kong pagpumiglas tanging ang salitang kalayaan lang ang isinisigaw ng aking isipan.
Napadilat ako nang marealize na nalulunod pala ako. Kaya hindi ako makapagsalita, kaya hindi ako makagalaw dahil unti-unti na pala akong hinihila sa ilalim.
Sinubukan kong humingi ng saklolo pero tanging sa isip ko lang nailalabas 'yun. Sinubukan kong lumangoy paitaas pero mas lalo lang akong hinihila sa ilalim.
'Carlo!'
Sinubukan kong sundan ang liwanag pero kahit anong gawin kong langoy ay hindi pa'rin ako makaahon.
'Carlo!'
Umiiyak na ako kahit sa pagkalunod. Isinisigaw ang pangalan niya pero unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa. Pag-asang makaahon at makaligtas.
Isang malakas na pagbagsak mula sa ibabaw ang nagpagulat sa akin. Nakita ko ang isang taong lumalangoy papunta sa akin.
Napangiti ako nang makita ang mukha niya.
'Carlo!'
Buong ngiti siyang lumalangoy papunta sa akin. Nang makalapit siya sa akin ay hinawakan niya ako sa bewang. Itinataas at hinahalikan.
Napapikit ako at huminga ng mabuti. Parang sa ginawa niya ay nagkaroon ulit ako ng panibagong buhay.
Napaiyak ako ng masyado at nagpasalamat. Sa wakas ligtas na kami ng anak ko.
'Ng anak ko...
'..ng anak ko,..'
Teka, nasaan ang anak ko? Kinapa ko ang aking tiyan at napadilat.
Bakit hindi ko maramdaman ngayon ang anak ko? Bakit hindi na ako buntis?
Nasaan ang anak ko? Nasaan si baby Ravo!?
Nasaan!?
Napasinghap ako mula sa malalim na panaginip na 'yun. Napabalikwas ako ng bangon at sinubukang habulin ang aking paghinga. Tila nanggaling ako sa mahabang pagtakbo.
" Cindy? Are you okay?"
Napalingon ako at nakita si Carlo. Puno ng pag-aalala ang mukha niya sa akin.
Napaiyak ako nang marealize ang lahat. Panaginip lang pala.
At ngayon nga nakabalik na ako.
Ngayon nga nasa realidad na ako.
Niyakap niya ako ng mahigpit at umiyak ng todo sa kanyang balikat.
" Cindy.. tama na. Tama na."
Naghihinagpis ang puso ko. Nanghihinayang.
Wala ng mas isasakit pa sa katotohanang wala na ang nag-iisang rason kung bakit ako nabubuhay.
Wala na ang anak ko.
Humagulhol ako at ibinuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman sa aking puso.
" Cindy...
Isang taon na ang nakalilipas mula nang mangyari ang bangungot na 'yun sa buhay namin.
Nakaligtas nga ako sa kamatayang 'yun pero hindi ang anak ko.
BINABASA MO ANG
LET ME LOVE YOU
Romance( CHANGE OF HEARTS: SEASON 4) Cinderella Asuncion Tuazon who is so chic and gorgeous in every single way has it all as they say. Beauty, intelligence, money, fame and even the hottest fiancé in town. But in all the glamorous world she has, no one kn...
