" Pikon, Talo"
" Hoy Cindy! Gumising ka nga!"
Naalimpungatan ako mula sa malakas na pagkalabit sa akin ni Carlo. Actually alas singko pa lang ng madaling araw ay ginising na kami. Gustuhin ko man na mag pass na muna sa first activity ay walang ibang ginawa ang lalaking ito kundi bulabugin ako. Niyuyugyog niya ang tent ko dahilan kaya inis akong napabangon.
Unti-unti nang nagpapakita ang araw. Kahit na ang ganda-ganda ng paligid lalo na ang tanawin pero hindi ko gusto ang mga nangyayari ngayon.
We were instructed to have a meditation early at this morning. As for me, we were force to have this yoga routine that I don't even know how to do. Each pair must face each other. Holding hands and try to connect with each other daw inorder to connect with the nature.
Tsk! Bullshit.
" Alam mo kaya ang sama-sama ng ugali mo kasi ang tigas ng ulo mo. Would you please try to relax. Tanggalin mo muna sandali ang inis diyan sa puso mo."
Napadilat na ako. Kahit antok na antok yung tingin ko sa kanya pero hindi ko pa rin mapigilan ang sarili na hindi magpanting ang tenga mula sa mga sinabi niya.
" Ikaw na pala ang yoga master ngayon?"
Kahit na gusto ko lang siyang asarin pero mukhang pikon na rin ito dahil sa pagmamatigas ko. Nagulat nalang ako nang bigla niyang higpitan ang pagkakahawak sa akin. To the point na nasasaktan na ako. Napakagat ako sa labi dahil sa pinipigilan ko ang sarili na mapasigaw dahil sa sobrang sakit.
Shit! Nang-iinis talaga ang lalaking ito. Nawala yata ang antok ko sa ginawa niya. Inis kong pilit binabawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya sa akin pero ang loko ayaw bitawan!
" Ano ba! Nasasaktan na ako."
Nakita niya siguro na masakit na talaga kaya niluwagan niya yung pagkakahawak sa akin. Inis kong binawi agad sa kanya ang kamay ko. Tiningnan ko siya ng masama.
" Alam mo, ang aga-aga pero busangot na yang pagmumukha mo. Kumalma ka nga."
I rolled my eyes and flipped my very long hair.
"Paano ako kakalma eh ang aga-aga ginising mo na ako. Tsaka. Kung competitive ka na tao lalo na sa grades mo. Wag kang mandamay ng iba. I'm good already with the 5 plus direct to the card. I don't intend to win in all the task."
He look at me tiredly. A slight smile curve into my lips. I just realize that pissing him off is quite that satisfying.
" Kung sana hindi mo hinayaan ang sarili na maging partner ko, eh di sana madali ang lahat sayo ngayon."
Tinitigan niya ako ng mariin na tila nagegets na niya ang mga punto ko.
" You really think I will let you ruin everything? Tsk. Ikaw yata ang dahilan kaya hindi na boring para sa akin ang retreat na ito. " He smile at me evily and for once at that short moment I lost my guard.
What the f*ck?! So plano pala niya lahat ng ito una palang?
Pwes! Kung akala niya siya ang mananalo sa pang-iinis sa akin ay nagkakamali siya. Sisiguraduhin kong siya itong makokonsumisyon sa mga mangyayari. Ang mapikon lang ang talo at wala akong planong magpatalo sa kanya! Hmp!
Ilang sandali pa ay isa-isa na kaming pinatawag ng aming retreat master. We are instructed to walk in the trail of this place. Hinati kami sa tatlong grupo. Each group has these 3 guides.
Dahil body-body system nga, ayun may ipinasuot sa amin na pusas para masigurong hindi maghiwalay daw.
Like? Duhhh!! Saan ka nakakakita ng retreat na pinupusasan ang mga estudyante nila sa kasama para lang hindi mawala?!
Loko talaga ang eskwelahan na ito pati na ang mga guro.
" Ano ka ba. Makakabawas sa points yang pagkabusangot mo ng mukha."
Yeah right, I was having my worst time here. With my worst partner and with this worst activity that I don't even know why it has to be done.
Wala ako halos marinig sa mga pinagsasabi ng guide. Kahit ang iba ay abala na sa pagseselfie dahil sa ganda ng view pero ako heto mukhang sasabog na sa sobrang inis.
" Do not forget to take selfie here. Gagamitin yan para sa next activity natin."
Halos excited ang iba na kumuha ng larawan para sa mga sarili nila. I rolled my eyes and wish to end this activity so soon.
" May dala ka bang cellphone? Ikaw na ang kumuha."
Tiningnan ko siya na halos hindi makapaniwala.
" Wala akong dalang cellphone." Pero ang totoo naman niyan dala ko talaga. Ayoko lang na madungisan yung gallery ko sa mukha niya.
" Hayynako. Wala na akong ibang choice nito kundi dungisan ang gallery ko sa pagmumukha mo."
Bago pa ako makaangal ay mabilis niyang kinuha ang cellphone niya at nakipagselfie sa akin. Nakita kong nakanganga ako sa picture.
" E-delete mo yan! Ang panget ko diyan!"
Pero tumawa lang siya sa akin at mabilis na ibinalik ang cellphone sa kanyang bulsa.
Natapos ang activity na iyon na as usual hindi matiwasay sa akin. Mukhang iinisin pa ako lalo ng lalaking ito! Hmm. Ano siya? Magpapatalo ba ako? No way!
Matapos kaming mag-almusal ay sinimulan na ang next activity namin. As usual pairing activity na naman kaya wala akong choice kundi ang tiisin ang lalaking ito!
Di ba dapat kapag retreat ay design to promote interaction with different people. Ngayon lang yata ako na inform na binago na pala at one person na ang interaction. Ang malas ko lang kasi ang lalaking ito ang kapartner ko!
At ano pa itong kabaduyan na activity? We were intstructed to write a short letter to our partner? Kailangan nakasaad doon kung ano ang mga gusto at hindi namin gusto sa isa't isa. Like? Seriously? Arggg. Kairita talaga!
" Dear Cindy, ang panget ng ugali mo."
Kinuyumos ko bigla ang papel. I stare at him and immediately throw this to him. Sinalo naman niya iyon na puno ng galak ang mukha. Natutuwa talaga siyang inisin ako. At nakakainis naman talaga siya!
" Kailan pa naging letter ang isang pangungusap?"
Nakita ko siyang binuksan ang sulat ko sa kanya. Ako naman ngayon ang napangiti sa reaksyon niya.
" Bakit walang laman?"
Humalukipkip ako at mataray siyang tiningnan.
" Ganyan ka kasi sa akin. Wala ka lang kasi sa akin. Bakit? Sino ka ba para pag-aksayahan ko pa ng isa man lang na salita?"
Inirapan ko siya at mabilis na tumayo. Agad akong pumasok sa loob ng tent ko. Wala akong pakialam kung hindi pa tapos ang activity namin. Kung pauuwiin nila ako ng maaga dahil sa ginawa ko ay mas mainam na iyon.
I am just so tired with all of these.
Natulog akong muli. At bago pumikit ay napangiti ako mula sa nakitang reaksyon sa mukha niya. Alam kong naapektuhan siya sa mga sinabi ko kanina. Tsk. Ngayon sino sa amin ang panalo? Hmp.
BINABASA MO ANG
LET ME LOVE YOU
Romansa( CHANGE OF HEARTS: SEASON 4) Cinderella Asuncion Tuazon who is so chic and gorgeous in every single way has it all as they say. Beauty, intelligence, money, fame and even the hottest fiancé in town. But in all the glamorous world she has, no one kn...