" Her smile makes me wonder"
" . . . Jasmine Ramirez of GAS department! Congratulations Cinderella Asuncion Tuazon! You are our new Miss Senior High 2012!"
Napangiti ako nang marinig iyon. Buong pageant akong tutok na tutok kay Jasmine at ngayon ko lang napansin na oo nga pala kasali rin siya.
Napailing akong hindi makapaniwala na natalo niya ang babaeng gusto ko.
Akala ko wala ng tatalo sa ganda at galing ni Jasmine sa buong gabing ito. Pero there she is, standing on the stage. Stealing the spotlight and catching my breath away.
Ngayon ko lang nakita kung gaano siya kaganda with her red night gown while her all black hair is ponytailed so beautifully.
Natutuwa akong binalik na niya sa wakas ang kulay ng kanyang buhok. I like her better in black hair. She looks stunning, and perhaps she really deserves the crown.
Nang ipatong na sa kanyang ulo ang korona ay mas napangiti ako. Bumagay kasi iyon sa kanyang magandang mukha. Pero bakit hindi yata siya mukhang masaya? Bakit ang lungkot ng kanyang mga ngiti?
Her smile makes me wonder why she seems sad than happy. Hindi ba siya masaya na siya ang nanalo?
Kinuha ko sa aking upuan ang inihandang bulaklak. Ibibigay ko sana ito sa kanya kanina sa back stage noong hindi pa nagsisimula ang event kaya lang natagalan ako sa pagkuha nitong neon lights banner na pinagawa ko para kay Jasmine. Hindi na rin ako nag-abala na maghanda ng banner para sa kanya kasi sabi ni Mike siya nalang daw.
Well, kahit gusto ko sana siya pagawan ng banner kaya lang mapilit si Mike na siya na lang daw. Hindi na ako nagmatigas pa at naisip kong si Jasmine na lang ang pagawan.
Kahit medyo nahihiya ako na maghanda ng ganito kay Jasmine ay tinuloy ko pa rin kasi sayang naman at nasabihan ko na ang printing shop.
Pero mukhang tama lang na hindi ko naibigay ang bulaklak sa kanya kanina kasi saktong nanalo siya at personal ko na siyang mababati ngayon.
Pagharap ko ay natigilan ako sa nakita. I saw Mike with his big banner. He runs toward the stage and kiss her in the cheeks.
Hindi ko alam pero bahagya akong napakurap sa nakangiti niyang reaksyon dahil sa ginawa ni Mike.
Huminga ako ng malalim at napatingin sa hawak na bulaklak.
Probably she won't need it anymore. I saw the flowers in her dressing room. I am sure Mike already give her flowers.
Umakyat na ako sa stage. Gusto ko sana siya puntahan kaya lang ang daming tao na nakapaligid sa kanya.
Nakita ko si Jasmine na binabati rin ng mga estudyante. Nakita niya ako at napangiti siya sa akin. Lumapit ako sa kanya at binigay ang hawak na bulaklak.
" Congratulations." Nahihiya ko pang saad sa kanya. Baka kung ano isipin niya dahil sa mga bulaklak na ito. Nakakahiyang malaman niyang crush ko siya.
" Salamat."
Nakita kong maraming kinilig sa ginawa ko lalo na ang dalawang bakla.
" Salamat, Charms."
Napawi naman ang ngiti ko sa tinawag sa akin ni Jasmine.
" Ha?"
Makahulugan siyang ngumiti sa akin.
Nagulat pa ako nang biglang lumapit sa akin ang dalawang bakla. Inakbayan nila ako at ngumiti sa akin na hindi ko alam anong ibig sabihin.
" Okay lang yan, Charms." Tinapik pa nila ang likod ko.
BINABASA MO ANG
LET ME LOVE YOU
Lãng mạn( CHANGE OF HEARTS: SEASON 4) Cinderella Asuncion Tuazon who is so chic and gorgeous in every single way has it all as they say. Beauty, intelligence, money, fame and even the hottest fiancé in town. But in all the glamorous world she has, no one kn...
