43: Carlo Monteverde

236 8 0
                                        

"Let Me Be the One"

Nasa attic ako ng mansion namin dito sa Negros. May lead na kasi ang private investigator ko tungkol sa nangyari noong nakaraang aksidente ng papa.

As much as possible I tried to keep the investigation as secret as possible. Hindi ko alam. Tingin ko parang sinasabi ng aking intuition na huwag itong sabihin sa Tito.

Kahit na nangangamba pa rin ako sa maaring mangyari kina Mike at Jasmine kapag nakapunta na rito ang tito, pero mas inuna ko pa rin ang pag-iimbestiga sa nangyari sa papa lalo at nalaman ko na ngayon ang koneksyon ng mama sa nangyari.

I was so shocked that all the evidences lead to her.

Mula sa pagkakaputol ng brake ng sasakyan, sa mga taong kumidnap sa akin na ngayon ay nakakulong na pala. One of them testified that my mom planned out everything.

Pero bakit parang may mali? Bakit ngayon lang ito nilabas ng kapulisan? Bakit hindi nila sinampahan ng kaso ang mama noon?

Sinong nagpatahimik sa kanila? At bakit tila isinarado na agad ang kaso na hindi man lang napaparusahan ang totoong may sala?

But knowing that my mom is the suspect, I can't process everything in my mind. I can't accept na magagawa niya 'yun sa amin. Kami na mag-ama niya.

Ano ang motibo niya? Bakit niya 'yun ginawa?

Hindi ko alam kung bakit mas lalong gumulo lang yata rito sa isip ko. I think I need to see my mom right now. I need to to talk to her as soon as possible. Tingin ko may dapat akong malaman sa kung ano talaga ang totoong nangyari noon.

Siya ba talaga ang may sala? Oh 'yun lang ang pinalabas?

Or did someone framed her up? And why is she still free until now? Bakit walang nasasabi ang tito Julio nito sa akin?

Tingin ko may mas malalim pa talaga na pinag-ugatan ang lahat ng nangyari. Kahit sinasabi ng isip ko na dapat akong magalit sa mama at pagbayarin siya sa lahat pero sa likod ng aking isipan ay hindi ko pa rin talaga kayang gawin 'yun.

She is my mother! For Pete's sake!

What was her motive then to do such crime?

Kahit napaka-imposebleng paniwalaan ang lahat pero malakas pa rin ang kutob ko na parang may mali talaga.

Naghalungkat ako sa mga baol na nandito. Mabuti at wala masyadong alikabok. Mukhang maayos ang pagkakalinis nila manang Julie sa mansyon dahil maging dito sa attic ay napansin kong organize ang bawat gamit.

Nakita ko na puro luma lang na gamit ang andito. May mga old photo albums akong nakita. Kinuha ko 'yun at sinimulang buksan.

Mga litrato pala ito ng pamilya namin. Mula sa side nila papa at sa mga Santillan.

Pero napatda naman ako nang may nalaglag na isang lumang litrato mula sa album. Kinuha ko 'yun at nakita ang isang larawan. Kuha ito ng isang babae at lalaki na magkatabi sa ilalim ng puno. Magkahawak ang kanilang mga kamay.

Napakunot naman ang noo ko nang mapansin na parang kamukha ko 'yung lalaki at kamukha naman ni Mika ang babae. Iyon nga lang mas mahaba ang buhok nito kumpara sa maikling buhok ni Mika.

Hindi ko alam kung bakit matinding pagkakaba ang bigla kong naramdaman nang mapagtantong ang papa at tita Myrna pala ito.

Ha? Bakit sila magkahawak ng kamay?

Tiningnan ko ang nasa likod nito at may nakita akong nakasulat.

" Myrna, mahal ko. Magkita tayo sa pantalan patungong Maynila. Maghihintay ako sa'yo. Sana napag-isipan mo na ang sinabi ko sa'yo noong nakaraan. Alang-alang sa magiging anak natin. Sana dumating ka. Pakiusap, dumating ka."- Luisito

LET ME LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon