10: Cindy Asuncion Tuazon

225 7 0
                                        

" Burn "


Inis kong pilit pinatatayo ang tent ko syempre katabi sa tent niya. Arggh. Marunong naman ako nito ah. Bakit ngayon hindi na ito marunong tumayo. Umayos ka tent ha. Umayos ka.

" Need help?"

He is irritatingly annoying me with his smiles. Nang-iinis talaga siya.

" No thanks. I can manage."

Inis akong tumalikod sa kanya. Hinablot ko ang tent kong hindi matayo-tayo.

" Ikaw ang bahala."

Ilang oras pa ang lumipas pero ipinatawag nalang kami ng camp master at heto hindi pa rin maitayo ang punyetang tent na ito! Argghh. Kairita talaga!

May ilan lang instructions para sa activity bukas ang sinabi at pagkatapos nun ay dinistribute na ang hapunan ngayong gabi. Nakita kong kinuha ni Carlo ang rasyon para sa aming dalawa. May mga tubig at ilang sandwiches. May pack of dinner din.

" Kumain ka muna. Ako na ang bahala sa tent mo."

Inis kong hinablot sa kanya ang pagkain at pasalampak na naupo sa maliit na stool sa tabi. May maliit na von fire sa gitna ng aming mga tent. Kahit napakaganda ng view ng lugar lalo pa ang mga nagkikislapang mga bituin sa langit pero heto ako sirang sira pa rin ang araw nang dahil sa lalaking ito.

Habang kumakain ay pinagmamasdan ko siyang itinatayo ang tent ko.

" Ayan ! Tapos na. Ang dali-dali lang naman eh."

I rolled my eyes and stare at him tiredly. Nakakadrain talaga ng energy ang lalaking ito.

" Hindi ka ba magpapasalamat?"

Inubos ko iyong pagkain at walang pakialam na tumayo. Maski ang makipag-usap sa kanya ay nakakainis na rin.

" Oh, saan ka pupunta?"

Agad kong kinuha ang malaki kong bag at pumasok na sa tent ko.

" Would you please fuck off! Nakakairita ka talaga!"

Inis kong sinara ang zipper ng tent at pigil na sumigaw dahil sa sobrang inis. Haay. Wala pa naman signal sa lugar na ito. Gusto ko na tumawag kina Darla at magpasundo kay manong Berto. Ayaw ko naman talaga sumama sa retreat na ito kaya lang plus 5 daw direct to the card eh. Sayang naman.

Hayst. Inis kong inayos yung higaan pati na rin ang mga gamit ko. Sinag lang mula sa von fire ang nagsisilbing ilaw ko rito sa loob ng tent.

Maaga kaming patutulugin ngayong gabi kasi alas singko ng madaling araw kami gigising bukas para raw sa beautiful sunrise ng lugar na ito.

Like who cares? Bahala sila. Matutulog lang talaga ako buong magdamag. Hindi ako gigising ng maaga. Masyado yata akong napagod nang dahil sa mahabang byahe kanina.

Maghuhubad na sana ako ng damit nang biglang pumasok ang magaling na lalaking ito. Mabilis kong ibinaba ang damit ko dahil sa pagkataranta.

" Ano ba!!! "

Natigilan naman ito.

" Oops. Sorry."

Pumasok pa talaga ito sa loob ng tent ko. Maliit lang iyong tent ko kaya nagmistulang nagsiksikan pa kami sa lagay na ito.

" Anong ginagawa mo rito?!"

Kahit gusto ko kabahan sa biglang pagpasok niya pero alam ko namang kahit ano pa ang gawin niyang masama sa akin ay hindi yun mangyayari kasi napakaraming tao sa paligid. Maya-maya ay mag-iinspection na naman ang mga teachers by tent.

" May sasabihin lang ako sa iyo."

" Ano nga iyon?! Bakit dito pa talaga ha? Baka mahuli nila tayo rito sa loob. Alam mo namang bawal yun di ba?!"

Napangiti naman siya sa sinabi ko.

" Bakit sa tingin mo talaga may gagawin ako sayo rito?"

Napaawang yung bibig ko sa kanya. Grabe siya. Highest level na talaga itong pang-iinis niya sa akin.

Tiningnan ko siya ng seryoso at natahimik naman ito bigla.

" Bakit?" Nagtataka na ito sa titig ko.

Hinubad ko iyong makapal ko na jacket. Tiningnan naman niya ako na parang hindi makapaniwala. Hinubad ko rin yung maliit kong fit na t-shirt. Nakaspagetti nalang ako ngayon.

Nakita ko siyang parang nataranta sa ginawa ko. Lalabas na sana siya pero mabilis kong hinarang yung sarili ko.

" What do you think you are doing Cindy?" Matigas niyang tanong sa akin.

I curve a smile and seductively stare at him.

" Pumasok ka di ba rito? Ayaw mo nun, kapag nahuli nila tayong may ginagawa rito na against sa rules ay pareho tayong mapapauwi ng maaga."

Nakita ko siyang parang nasukol sa sinabi ko. Napangiti naman ako lalo. Tsk. Akala mo ha. Ngayon ikaw naman ang iinisin ko.

" Nagpunta lang ako rito para sabihin sa iyo na seryoso akong manalo sa bawat task. I just want to ask your full cooperation. . .

" Ayoko na. Gusto ko na umuwi."

" Ha? Hindi pwede. Kailangan nating manalo." Inis siyang nakatitig sa akin. Ngumiti ako sa kanya at dahan-dahang lumapit rito.

Unti-unti naman siyang napaatras.

" Sinasabi ko sayo Cindy. Tumigil ka na. Hindi na nakakatuwa." I see him panic and I love every detail of it.

" Sana naisip mo yan bago ka pumayag na maging partner ko."

Dahil sa liit ng tent na ito ay wala siyang choice kundi ang mapahiga.

Pumatong ako sa kanya at hinawakan siya sa mukha. Hindi maalis iyong tingin niya sa akin. Tiningnan ko iyong labi niya na sakto lang na nasinagan mula sa malamlam na ilaw sa labas.

Ang lakas ng tibok ng puso niya. Napangiti ako lalo. Tumingin ako sa mga mata niya at natigilan naman ako 'run.

Napalunok ako at hindi alam parang bigla yata ako napaso mula sa mga titig niya.

Mabilis ang ginawa kong pag-alis mula sa kanya at kinuha agad ang jacket ko at isinuot iyon.

Hindi ako makatingin sa kanya ng deretso dahil sa nangyari.

" Lumabas ka na. Bago pa tayo mahuli."

Mahina lang iyong pagkakasabi ko sa kanya. At nagpapasalamat akong sinunod naman niya iyon. Nang makalabas na siya ay napahawak ako sa aking puso.

" Shit. "

LET ME LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon