" Study Buddies"
" Malapit na finals natin, Cindy. Tulungan mo naman ako magreview."
Nasa VIP room kami ngayon ng café restaurant nila. Simula nang maging magkaibigan ay palagi na kaming naghahang-outs sa isa't isa.
Minsan kapag hindi pa ako tapos sa klase ay hinihintay niya ako sa labas ng room namin at sabay kaming umuuwi. Inihahatid niya ako sa amin habang naglalakad. Malapit lang naman iyong tinutuluyan ko kaya kahit paano kaya namang lakarin.
Hanggang ngayon hindi pa rin siya marunong mag drive. Kahit na may sundo ako ay dahil sa kanya hindi ko na ito pinapupunta ng skul tuwing uwian.
Ilang buwan na rin na ganito kami palagi at aminin ko man o hindi ay malaki talaga ang nagbago sa buhay ko nang dahil sa kanya.
For the first time in my life may isang tao na rin ang dumating sa buhay ko na kaya kong pagsabihan sa lahat ng nararamdaman ko. May isang tao na rin na handang makinig sa lahat ng sasabihin ko maging interesting man iyon o hindi.
Sa wakas may isang tao na rin ang dumating sa buhay ko na natutunan kong pagkatiwalaan. Isang taong una kong binuksan ang totoong sarili para sa kanya.
" Oo naman! Saang subject ka ba nahihirapan?"
" Sa research eh."
Pareho kaming HUMMSS pero nagkataon lang na hindi kami magkaklase. Late na kasi ito nag-enrol kaya hindi na nangyaring maging kaklase ko siya.
" Ang dali lang naman nun. Saang banda ka ba mas nahihirapan?"
" Statistics?"
Natawa naman ako sa tinuran niya.
" Pinagloloko mo ba ako? Ang talino mo kaya sa Math! Sa akin ka pa magpapatulong eh alam mo naman na mahina ako dun."
Umiwas ako ng tingin sa kanya at sinimulan ng kunin iyong mga notes namin.
" Oo nga nu! I remember one time noong nasa International School of Manila pa tayo. Nangopya ka nga sa akin sa Geometry!"
Inis akong napalingon sa kanya. Hindi ako makapaniwalang binanggit pa talaga niya iyon at ipinaalala sa akin.
" So ngayon nagyayabang ka na? Tsk."
Kunwari nagtatampo ako sa kanya.
" Ito naman! Di na mabiro!"
Sa gulat ko ay sinundot niya ang tagiliran ko sa hawak na ballpen. Kaya hindi sinasadya na napaigking ako at napasigaw.
Loko to ah! Alam kaya niyang may kiliti ako diyan?
" Ano ba! Tama na!"
Pinipigilan ko talaga ang sarili na huwag matawa sa pinaggagawa niya. Pero ganun talaga ang buhay eh. Hindi mo alam kailan mo pipigilan ang sayang nadarama kasi minsan lang maging malayang ngumiti ng ganito.
" Ayan! Mas bagay sa iyong nakangiti lang palagi."
Ang sakit pa rin ng tiyan ko. Hindi yata ako makarecover sa ginawa niya.
" Please lang! Tama na!" Natatawa ko pa ring sabi sa kanya. Hindi na rin maawat ang ngiti niya dahil sa nakikita sa akin.
Pinapahid ko ang luhang tumulo dito sa aking mata. Ano ba. Ngayon lang talaga ako humalakhak ng ganito kalakas. Hindi ko akalain na napakasaya sa pakiramdam pala ang pakawalan ang saya dito sa puso ko.
" Tama na please."
" Okay. Sorry na." Kahit paano nagpapasalamat naman akong tumigil na siya sa ginagawa.
Ilang sandali pa ay inihatid na iyong order namin.
" Sigurado ka bang hindi mo pababayaran sa akin itong mga inorder ko?"
Umiling lang siya habang nagsisimula nang buksan iyong libro namin sa research.
" Baka malugi kayo nito."
Napalingon siya sa akin at nakangiting pinisil iyong pisngi ko.
Mabilis ko naman iyong tinabig.
" Aray! Ano ba! Ang sakit ha."
Hinaplos ko ang pisngi kong namula hindi dahil sa pagpisil niya kundi dahil nagulat ako sa biglang ginawa niya. Ang init ng kanyang kamay at tila nakuryente pa ako nang dumapo iyon sa mukha ko.
" Alam mo! Kahit mayaman ka at kaya mong ubusin lahat ng pagkain sa restaurant na ito, ay okay lang. Treat ko na ito sa iyo."
" Sigurado ka? Ang takaw ko pa naman."
Nakangiting nagpatuloy lang siya sa pagbabasa.
" Gusto mong turuan kitang mag drive para naman makabawi ako sa iyo?"
Natigilan naman ako sa nakikitang pagtigas ng kanyang panga nang sabihin ko iyon sa kanya. Seryoso siyang napatingin sa akin.
Nagsisi na yata akong nabanggit ko pa iyon sa kanya kasi naman biglang may umihip na malamig na hangin sa pagitan namin at hindi ko alam bigla nalang naging awkward ang lahat.
Nakita niya sigurong bigla akong kinabahan sa reaksyon ng mukha niya kaya bigla siyang kumalma at napabuntong hininga.
" Pasensiya ka na, Cindy. Wag ka ng mag-abala pa. Hindi ko talaga kaya."
Ilang sandali pa ay kinuha na niya iyong frappe at ininom. Nagpatuloy na rin siya sa pagrereview.
" Sorry...
Napalingon siya sa akin at malungkot akong nginitian.
" Ano ka ba. Okay lang iyon. It is just that..ayaw ko lang talaga. Sege na! Turuan mo na ako dito sa research!"
Kahit paano pinilit ko nalang ang sarili na kalimutan ang minsang awkwardness na namagitan sa amin kanina.
Sa aming pagkakaibigan, we never reach in that stage where we're comfortable enough to tell our personal stories in our lives.
We just contented ourselves laughing like this. Talking silly things not including our personal lives. Silently walking towards my home while staring at the night sky.
And me here in his private room is enough for me to know a little glimpse of him.
Anyway hindi lang naman siya ang maraming hindi sinasabi tungkol sa mga personal na buhay namin ah. Ako rin naman ayaw ko rin ikwento sa kanya iyong storya ng buhay ko.
Alam ko medyo mababaw na basehan ng pagkakaibigan ang ganitong sitwasyon namin. Pero may dapat bang depinisyon sa pagiging magkaibigan? May dapat bang ipasa na requirements para sabihing totoo ang pagkakaibigan niyong dalawa?
Siguro sa amin ni Carlo medyo kakaiba nga iyong uri ng aming friendship. Pero hindi ko na rin siya kinulit pa kung bakit ayaw niyang matutong mag-drive.
Kung ayaw niyang pag-usapan ay hindi ko ipipilit sa kanya na sabihin iyon. Ang importante masaya pa rin kami kung ano ang meron kami ngayon. Kung anong uri ng pagkakaibigan meron kami ngayon.
![](https://img.wattpad.com/cover/251713819-288-k380273.jpg)
BINABASA MO ANG
LET ME LOVE YOU
Romance( CHANGE OF HEARTS: SEASON 4) Cinderella Asuncion Tuazon who is so chic and gorgeous in every single way has it all as they say. Beauty, intelligence, money, fame and even the hottest fiancé in town. But in all the glamorous world she has, no one kn...