26: Cindy Asuncion Tuazon

206 4 0
                                        

" Selfishness"

Nasa dressing room kami lahat ng candidates at ilang minuto na lang ay magsisimula na ang beauty pageant. Kinakabahan talaga ako. Parang gusto ko ng panghinaan ng loob.

Halos lahat kasi ng contestant ay ang gaganda.

Kasalukuyan kaming minimake-upan ng aming mga kinuha na make up artist.

Hindi ko akalain na nasa katabi ko pa si Jasmine. Si Bubbles ang nagmemake-up sa kanya habang iyong isang bakla na kasama nila ay panay ayos sa kanyang mga damit.

" Oh, namemorize mo na ba iyong steps na tinuro ko sayo? Ikembot mo ng mabuti ha! Lakasan mo nang matuon ang atensyon ng judges sa iyo!"

" Oo memorize na po!"

" Jasmine! Iyong talent mo ready na ba?"

" Ano ka ba Jun, syempre ang galing ng tutor ko eh!"

Nakita ko sa salamin na sinabunutan ng konti ni Bubbles sa buhok si Jasmine.

" Ikaw ha! Ang landi mo! Magaling ka naman mag drawing bakit nagpapaturo ka pa don sa gwapong lalaki?"

Napahawak naman ako ng mahigpit sa aking damit sa hita. Inis akong napatingin kay Jasmine dito sa aking salamin.

" Ano ka ba! Nagpapaturo talaga ako sa kanya. Hindi kasi ako masyadong magaling sa sketching. Puro color painting lang iyong kabisado ko pa."

" Bakit hindi ka na lang kay Jun magpaturo?"

Tsk. Oo nga naman! Ang sabihin mo malandi ka talagang babae ka!

" Nako mababawasan lang iyong time niya sa Mike niya."

" Ito naman! Masyadong bitter sa lovelife ko."

Nagkatawanan silang tatlo. Naningkit naman ang mata ko. Ang feeling ng mga baklang ito.

Ilang sandali pa ay natahimik na ako nang mapagmasdan si Jasmine. Tsk. Maganda nga ang gaga. Hindi ko alam kung bakit maputi pa ito gayong may maganda na naman itong mukha.

Masyado ba siyang pinagpala?

" Oh, hindi ka mananalo niyan kung palagi kang nakasimangot. Dapat smile ka lang diyan."

Nakangiti akong napalingon sa nagsalita.

Pero bigla na lang napawi iyong ngiti ko nang makita si Mike. Teka, nasaan na ba si Carlo? Kanina pa ako text ng text sa kanya na puntahan muna ako dito sa backstage pero magsisimula na ang program ay hindi pa rin siya dumadating.

May dala siyang bulaklak at ibinigay niya iyon sa akin.

Nakita ko mula sa salamin na umismid ang mga baklang nasa likod ko lalo na ang Jun na iyon.

Tsk. Mainggit kayong mga bruha kayo!

" Salamat."

" Nasaan si Carlo?"

" Ito naman hindi pa ba sapat sa iyo na ako ang andito? Bakit iba pa rin ang hinahanap mo?" Nag-akto pa talaga ito na tila nasasaktan.

" Tumigil ka nga! Di bagay sa iyo!"

Natawa ito sa pag-irap ko.

Ilang sandali pang paghihintay at pagpeprepare ay nagsimula na sa wakas ang pageant.

Isa-isa na kaming tinawag. Nang matapos ang production number ay mabilis kaming nagbihis para sa susunod na segment.

Pero natigilan ako nang makita si Carlo na kinakausap si Jasmine.

LET ME LOVE YOUMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon