"Mad Love"
Inis akong napakapit ng mahigpit sa seradura ng pintuan ng kwarto ni Mike dito sa taas ng mansyon.
Paano ko na ngayon maisasakatuparan ang planong landiin I mean paibigin siya sa akin kung hindi naman kami nagtatabi nito ng higaan?
Kahit natutuwa akong sa maid quarters na ngayon natutulog ang Jasmine na 'yun pero ang akala ko na magtatabi kami ni Mike sa kwarto niya ay hindi nangyari.
Nasa tabi akong kwarto kung saan may napakaraming paintings na nakasabit sa dingding.
" Mike." Sabay katok ko ng mahina sa kanyang pintuan. Alas dose na ng gabi at paniguradong tulog na ang mga tao sa buong kabahayan.
" Mike." Nagtitimpi kong tawag sa kanya. Pero hindi talaga siya tumalima.
Inis akong napahalukipkip at napabuntong hininga.
Isang buwan na akong ganito na parang dedma lang sa kanya. Ano bang nangyayari sa kanya? Akala ko ba fuckboy siya? I mean playboy.
Bakit tila umiiwas na siya sa akin ngayon? Hindi na ba niya ako gusto? Ni hindi na nga kami nagme-make out katulad ng ginagawa namin noon.
Gusto ko man na magsumbong sa papa niya tungkol sa mga nangyayari sa amin ngayon lalo na ang pakikitungo niya sa akin pero nagtimpi pa rin ako.
Kinabukasan niyan ay sinundan ko siya sa may tubuhan kung saan naroon ang maraming tapasero ng hachienda. Mukhang sahod ngayon kaya abala ang lahat.
Nakaupo lang ako rito sa may maliit na kubo habang pinagmamasdan si Mike na masayang nakikihalubilo sa mga trabahante.
Kung magiging asawa ko na siya at itutuloy niya ang pamamalakad sa hachienda. Siguro hindi maging mahirap sa kanya na magtagumpay kasi naman ang bait-bait nito sa mga ombreros.
Hindi ba siya magtetake ng board? Sa pagkakaalam ko ay civil engineering ang tinapos niya.
Hindi ko alam kung bakit mas tinutukan niya ang pamamahala rito kung may hacienda rin naman sila sa San Alfonso.
Bakit nagpabase talaga siya rito sa Negros?
At bakit hanggang ngayon hindi ko pa nakikita si Carlo?
Napalunok naman ako nang maisip siya.
Halos ilang buwan ko rin siyang hindi nakikita. Akala ko ba dito siya naka-base? Bakit wala siya rito?
Pero napailing naman ako sa mga iniisip. Ano ba Cindy! Ikakasal ka na. Huwag mo na siyang isipin pa.
Pero paano kung totoo pala ang lahat ng pagdududa ko sa kanya? Na siya ang ama ng ipinagbubuntis ni Jasmine.
Huminga ako ng malalim at napatayo. Sumasakit na kasi ang pwet ko mula sa kawayang bangko na inuupuan. Inayos ko ang suot na boonie hat at inalis ang ilang tumigas na lupa sa aking suot na boots.
Naka white spaghetti ako ngayon habang nakainsert ito sa aking black leggings. Hinubad ko muna ang brown leather jacket at isinandal ito sa likod ng inuupuan ko kanina.
Matagal pa ba siya? Hapon na ah. Mag-aalas-singko na. Kanina pa ako nagugutom. Aburido akong napatingin sa kanya na noon ay tumatawang nag-aabot ng sahod sa mga trabahante.
" Senyorita, kaon ta." Napalingon ako kung sino ang nagsalita. Nakita ko ang isang batang lalaki na tingin ko nasa limang taong gulang lang.
May iniabot siya sa aking saging saba. Ngumiti siya sa akin at nakita ko ang mga bulok niyang ngipin.
" Nami ni sa senyorita." Sabay alok pa rin niya sa akin ng hawak na saging.
BINABASA MO ANG
LET ME LOVE YOU
Romance( CHANGE OF HEARTS: SEASON 4) Cinderella Asuncion Tuazon who is so chic and gorgeous in every single way has it all as they say. Beauty, intelligence, money, fame and even the hottest fiancé in town. But in all the glamorous world she has, no one kn...
