NP: Ikaw Lang by NOBITA 🎶🎶
" Teacher Carlo!"
Napa-sshhh ako sa mga bata. Senenyasan ko silang tumahimik at nangingiti silang nagkumpulang umalis na.
Pumasok ako sa isang maliit na classroom at huminga ng malalim.
Hawak ko ang isang boquet ng rosas.
Kinuha ko ang itim na panyo niya na dapat matagal ko ng isinauli sa kanya.
Nakita ko siyang nakatalikod sa akin. Tinatry niyang iponytail ang kanyang makapal at mahabang buhok.
Pero may ilang hibla pa rin na naiwan.
When we were in highschool, whenever she tried to ponytail her hair, I become obsessed on the way her hair flown freely on her nape.
Napatitig ako ng matagal sa seksi niyang batok. Napalunok ako at tumikhim.
Halatang nagulat siya nang mapalingon sa akin.
" What are you doing here?" Medyo iritado niyang tanong sa akin.
" Need someone to help you tie your hair?"
Sabay pakita sa kanya ng hawak ko na panyo.
Napatitig siya sa panyong hawak ko.
" Paano napunta 'yan sayo?"
So she remembers it? She remember this handkerchief.
" Tinapon mo 'to noon. Isusuli ko sana kaya lang naadik ako sa amoy ng buhok mo na naiwan dito."
Lumapit siya sa akin at hinablot ang hawak ko na panyo. Inis siyang napatingin sa akin.
" Anong ginagawa mo rito? Bukas pa schedule ng art class mo ah."
" Hmm. Bawal bang bisitahin ko ang asawa ko?"
Sabay bigay ko sa kanya ng bulaklak.
Napangiti ako ng tanggapin niya 'yun at amuyin. Kaya lang bigla siyang bumahing dahilan para mapakamot siya sa kanyang ilong.
"S-salamat."
" Halika na. Malelate na tayo sa kaarawan ni Bubbles."
" Hayaan mong maghintay ang baklang 'yun. Halika muna rito."
Sabay hila niya sa akin at pulupot sa kanyang mga kamay sa leeg ko.
Napangiti ako at hinalikan siya ng sandali sa labi.
" I love you, sweetheart."
Ngumiti siya sa akin at mapupungay ang mga matang bumulong sa akin.
"I love you too, sweetheart. Punta muna tayo ng café restaurant?"
Pilya siyang ngumiti sa akin at siniil ko naman siya agad ng halik.

BINABASA MO ANG
LET ME LOVE YOU
Romance( CHANGE OF HEARTS: SEASON 4) Cinderella Asuncion Tuazon who is so chic and gorgeous in every single way has it all as they say. Beauty, intelligence, money, fame and even the hottest fiancé in town. But in all the glamorous world she has, no one kn...