Warson.
"Totoo ba yung balita na wala na kayo ni Sam?" Tumango ako sa kanila at inakbayan ang kung sinong babaeng hinila ko kanina. Buti nga di umangal eh. Sino ba naman kasi ang aangal kung ang gwapong katulad ni Warson ang hahawak sa kanila? Swerte kaya nila.
"Paano? Kaya pala hindi ko na kayo nakikita ni Sam na magkasama ngayon." Dagdag ni Sandrex.
"Akala pa naman namin maiinlove ka na ulit sa ex mo. Bato na ba yang puso mo?" Tinawanan ko lang ang tanong ni Rosas. Nandito kaming apat sa canteen ngayon. Dito ko piniling tumambay para makita ko si Sam. Ilang linggo na kasi ng nagbreak kami at ni anino niya ay hindi ko manlang nakita. Nagtatago ba siya sa akin?
"Nahulog yan kaso nga lang tumayo agad at nagpagpag kaya walang nakapansin." Napatingin kaming lahat kay Harold. Diretso lang ang tingin nito sa Spaghetti na akala mo ay ini-experimentuhang bagay. Masyado niyang pinapagulo ang utak namin sa mga matatalinhagang salitang palagi niyang sinasabi sa amin. Tss.
"Anong ibig mong sabihin diyan Harold?" Tanong ko. Pinaalis ko ang babae at humarap sa kanya.
Bago pa man kami makasagot ay nakarinig kami ng malakas na tawanan na umagaw sa atensyon naming lahat. May binully na naman ata ang mean girls. Yun ang tawag namin sa mga fan girls naming lahat.
"Haha! Pathetic girl! Haha!" Sigaw pa nila. Hindi na sana namin papansinin ang gulong iyon ng tumayo si Harold. Sinilip niya ang gulo kaya tumayo rin kami para makiusisa.
Nagulat ako ng makitang punong puno ng mansta ang kulay puti na uniporme ni Sam. Nakaalalay dito si Drew at hawak nito ng mahigpit ang kamay ng isa. Naikuyom ko ang kamay ko. Yan pala ang sinasabi niyang mahal ako? May ka holding hands na agad na iba? Fvck.
"Look at your ex Warson. Niloloko ka lang niya. Nakita mo naman kung paano sila kahigpit mag holding hands ng bago niyang lalaki. Bitch kasi. Ang landi. Tss." Wika ng leader ng mean girls.
"Yeah right. Malandi na manloloko pa." Sang ayon naman ng isa.
Hindi ako kumibo at pinagmasdan ang umiiyak na si Sam. Gusto ko siyang yakapin at patahanin pero hindi ko ginawa. Napakaiyakin talaga niya kahit kailan. Tss. Pinatayo ito ni Drew at inalalayan para lumabas ng canteen. Hinarangan naman ito nila Sandrex at Rosas.
"Saan mo siya dadalhin Drew?" Tanong ko. Humarap ito at nakaalalay pa rin sa kamay ni Sam. Namumutla ito at parang nanghihina.
"Pakialam mo ba? Iuuwi ko na siya." Sagot naman nito.
"Hindi mo siya pwedeng iuwi." Ngumiti ito ng nanguuyam.
"Alam ko. Pero sino ang pwedeng maghatid? Ikaw? Eh hindi ka naman niya boyfriend? Kalokohan." Wika niya. Iniangat ko ang kamay ko at agad siyang binigyan ng uppercut. Mabilis lahat ng pangyayari at nakita ko nalang ang sarili ko na hawak hawak nila Rosas at Sandrex at nakaharang si Sam sa harap ni Drew. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng selos. Dapat ako ang ipinapagtanggol niya diba? Tss.
"Tama na Warson! Ano ba ang ginawa ng tao sayo?!" Sumisigaw na wika ni Sam. Natigilan ako. Bakit ba ako nagpadalos dalos sa kilos ko? Tss.
"Papayag ka bang ihatid ng labanos na yan!" Halos pasigaw ko ring ganti sa kanya.
"Oo! Ano bang mali dun? Wala kang karapatan na magalit dahil hiwalay na naman tayo!" Wika niya na nagpatigil sa akin. Tama. Ano nga ba ang karapatan kong magalit sa kanya? Ang karapatan para pigilan siya? Fvck this life.
Nagpumiglas ako sa hawak nila Rosas at Sandrex. Tumalikod ako sa kanila at naglakad palayo. Ngunit, bago tuluyang makalayo ay narinig ko pa ang hiyawan nila. Lumingon ako at nakita kong nakabulagta sa sahig si Sam. Gusto ko sanang lumapit pero ano nga ba ang karapatan ko diba? Makakaya naman niya na wala ako dun. Ako rin naman ang unang umayaw sa kanya kaya dapat hindi ako magpaapekto.