Warson
"Pano na yun?!" Frustrated ko na sigaw. Napahilamos ako ng mukha ko.
"Nasobrahan na ata ang kagwapuhan mo Son. Akalain mo nga naman na sabay sabay pa ang naging time ng date nung tatlo." Tinapik ni Harold ang balikat ko.
Oo. Nagsabay sabay ang date ko. Akala ko ayos na ang lahat. Hanep kasi si Rosas eh. Siya kasi yung nag text sa mga kadate ko ng oras. At ngayong hapon ko lang nalaman ang tungkol doon! Hindi naman ako pwedeng umatras ngayon dahil ako ang naatasan na makipagdate sa tatlong babae na iyon.
It has also been part of our game. It's my turn now to date girls at minalas ako na nagsabay sabay itong lahat.
Kailangan kong makahanap ng girlfriend para ipakilala kay Ate. Irereto na naman kasi ako nun sa mga kapatid na babae ng classmate o officemate niya kapag wala pa akong maipapakilala sa kanya. Kaya nga pumapayag rin ako sa larong ito. Marami naman sana ako na pagpipilian kaso dapat galing sa kilalang pamilya at taglay ang mga qualities na gusto niya para sa akin.
Nagdududa na kasi yun sa kasarian ko. Fvck! Girls will reach heaven in just a matter of five minutes if I just want to! Hindi ako binansagang Mr. Chickboy kung hindi dito no! Pero virgin pa ako.
"Yeah. Right. Great!" Hindi ko maiwasan na mapamura. Mapapagod ang macho kong katawan at gwapo kong mukha mamaya.
"Sorry Son. Pero alam ko kaya mo yan." Tapik balikat na wika ni Sandrex sa akin.
"Oo nga! Sisiw lang yan sa hashtag Chickboy problems ." Wika ni Rosas. Binatukan ko siya. Siya ang may kasalanan nun eh.
"Take this as a challenge to you Son. I know you can do it. Goodluck." Wika ni Harold.
Tumayo ako at tumanaw ng tingin sa paligid. Itinaas ko ang kamay ko at hinugot pababa. Makakaya ko 'to. Walang hindi kayang gawin si Warson Jake Rodriguez, ang Mr. Chickboy ng Lee University.
------
"So how was the food Warson?" Tanong sa akin ni AJ. Siya ang unang kadate ko. Nagulat nga ako ng makita kong may food na agad sa table namin. Tumingin ako sa phone ko na kanina pa vibrate ng vibrate. Nagtitext na ang dalawa. Bakit ba naman kasi nagkasabay sabay pa.
"Warson.." Tawag niya sa akin. Tumingin ako sa kanya at nakita kong nakakunot ang noo niya. I glanced at my wristwatch, 10 minutes na ang naconsume ko sa kanya. I need to transfer in another restaurant now.
"Uhmm.. Aj, may kukunin lang ako sa kotse ko." Paalam ko sa kanya. Maayos naman siyang tumango at pinayagan akong umalis. Well, kahit hindi naman siya pumayag ay aalis pa rin ako.
Lumabas agad ako ng kotse at dumiretso sa restaurant na two blocks ang layo dun kina Aj. Nakita ko si Bethany na nakasuot ng summer dress at nakatingin sa ice tea na hawak niya. I'm 10 minutes late.
"Hi." Nakangiti kong bati sa kanya. Lumiwanag ang mata nito pagkakita sa akin. Tumayo ito at binati ako.
"Oh. I thought you'll never come." Wika niya. Inalalayan ko siyang umupo at tinawag ang waiter para ikuha siya ng order.
"Sorry for being late. Natraffic kasi ako sa daan eh." Palusot na wika ko.
"It's okay. Ang importante naman ay nagawa mong makarating." Nakangiti pa rin na wika niya. Nginitian ko siya at sumilip sa relo ko. 10 minutes na agad yun? Kakaupo ko lang!
Nagpaalam ako sa kanya na pupunta muna sa Cr. Mabuti na lang at nakatalikod ang pwesto niya sa main door ng restaurant. Lumabas ako at dumiretso kay Ems na naghihintay sa katabing restaurant lang nito.
Pumasok ako at hinanap agad ang babae. Nakita ko siya na nakapangalumbaba sa mesa habang nakatingin sa phone niya. Ang gaganda talaga ng mga babaeng kadate ko ngayon. Pa swabe akong lumapit sa kanya at napangiti siya ng makita ako.