Past √

1.6K 26 0
                                    

Warson

5 years ago.

"Woah. She's so hot Pare!" Wika ni Sandrex sa akin. Napatingin ako sa tinitingnan nila. I smiled secretly, their she goes again. Making the whole campus go wild by her simple gestures. She's so sweet and pretty. Binabati niya ang bawat taong makakasalubong niya.

"I think this is what they call love at first sight." Namumulang wika ni Rosas. Nakatitig rin siya sa babaeng iyon. Ibinaba ko ang librong binabasa ko at tumayo. Nagulat naman ang dalawa at nalipat ang atensyon nila sa akin.

Sinalubong ko ang babae at agad niya akong hinalikan sa pisngi. Ang kaisa isang babae na pinapayagan kong humalik sa akin. Nakita ko ang panggugulat ng dalawa sa nakita nila, I smiled bago inakbayan ang katabi ko.

"Guys.." Panimula ko. Natuon naman ang atensyon nila sa akin, ang ibang estudyante ay napatigil at gustong marinig ang sasabihin ko. "Gusto ko lang sabihin sa inyo na si Samantha Elise Concepcion ay girlfriend ko na. Kung sino man ang magbabalak na agawin siya sa akin ay automatically na mapapalayas sa school na ito." Proud kong sinabi. Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Sam, lumingon ako sa kanya at nakita ko ang pamumula ng pisngi niya.

"Woah! Binata ka na bro!" Sigaw ni Rosas. Yayakapin niya sana si Sam pero pinigilan ko ang mukha niya.

"Congrats bro". Bati ni Harold.

Second year highschool palang kami nun ng sinagot ako ni Sam. Masyadong mabilis ang lahat ng pangyayari at gumising nalang ako isang araw na sinagot niya na pala ako. Well, sabihin natin na naging mutual lang ang feelings namin sa isa't isa. Transferee siya sa amin at saktong sa section pa namin siya natuon na maging classmate namin. Section 1 kami at classmate ko ang pinsan kong si Irish. Masasabi ko na mag bestfriend silang dalawa nito. Nakilala ito ni Irish sa province nila, ito ang playmate niya kapag nagbabakasyon sila.

She hugged me tight na nagpabalik ng ulirat ko. I kissed her forehead bago ko siya inakbayan muli at pumasok sa room namin. Ilang buwan rin akong nanligaw sa kanya. Noong unang pasok niya sa room ay nakaramdam agad ako ng spark ng makita siya. Bading man pakinggan pero yun ang totoo.

"Oh. Kayo na ba talaga?" Tanong ni Irish ng makasalubong ako.

"Oo naman." Taas noo at nakangiti kong wika. "Gwapo eh". Dagdag ko pa. Inirapan niya ako bago kunin ang kamay ni Sam at hilahin siya paupo sa assigned seat. Pipigilan ko sana siya pero dumating agad ang teacher namin. Langya talaga.

Buong klase ay nasa kanya lang ang atensyon ko. Halos sa kanya nalang umiikot ang mundo ko. Parang hindi ako mabubuhay kapag hindi ko siya nakikita kahit isang araw lang. Masasabi ko na ganyan talaga ako kaadik sa kanya.

Kumbaga kay Superman, siya yung kryptonite ko. Nung napagawi ang tingin niya sa akin ay bigla siyang ngumiti. Ngiting nagpapatunaw ng puso ko.

"Uyyy Son! Buti nalang hindi naging ice cream yan si Sam." Pangaasar ni Rosas. "Kanina pa sana natunaw yan, matuto ka naman kumurap". Wika niya sabay halakhak.

"Inlove eh. Antayin mo kapag ikaw naman ang natamaan ni kupido. Tingnan lang natin kapag hindi ka nabaliw." Saad ni Harold.

Tinawanan lang siya ni Sandrex at Rosas. Bata pa kasi, di pa talaga nila maiintindihan yun. Imagine, 2nd year highschool palang kami kaya naiintindihan ko.

Tumunog ang bell na hudyat na break time na. Agad akong tumayo at pinuntahan si Sam na kasalukuyang tumatawa kasama ang pinsan ko.

"Baby. Tara na". Yaya ko sa kanya. Agad siyang yumakap sa akin at hinalikan ko sa noo. I respect her a lot that's why.

Mr. Chickboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon