Warson.
Graduation Day namin ngayon. At hulaan niyo kung ano ang award ko? Tentenenen.. Cumlaude! Akalain mo yun? Kasama ko rin sila Sandrex at Rosas. Expected naman na gagraduate si Harold as Magna. Hayuf yung utak nun eh.
Nakangiti ako at taas noo akong naglakad paakyat ng stage. Syempre, aakyat na ang pinakagwapong lalaki sa Lee University. Nakangiti si Tita sa akin habang sinasabit ang award ko. Nasa side ko si Mama at kinukuhaan naman kami ni Mai sa DSLR niya.
Nakita ko ang kinikilig na tingin ng mga babae at naiinsecure na tingin ng mga lalaki sa akin. Ikaw ba naman biyayaan ng ganitong kagwapong mukha hindi mo maipagmamalaki?
"Ilang minuto ka na dito sa stage anak. Bumaba kana. Nakakahiya kana." Bulong sa akin ni Mama. Masama ang tingin ni Tita ng lumingon ako sa kanya. Hehe. Ganyan talaga si Tita, nagagwapuhan lang sa akin kaya ako sinusungitan.
Kinamayan ako nila Rosas at Sandrex ng makabalik ako sa upuan ko. Inaasar nila ako dahil sa sobrang exposure ko daw sa taas ng stage. Tss. Parang sila naman, hindi ginawa yun kanina. Aaminin ko mas mahaba yung akin. Kung hindi nga lang bawal mag si selfie rin ako kasama lahat nung tao dun eh. Hehe. Nahihiya rin kasi kaming mga gwapo.
Inilabas ko ang phone ko kahit binawalan kaming magdala nito. Tss. Graduation to at last day na naming magpapasaway sa kanila. Hehe.
Nakita ko ang message mula sa unknown number. Walang hiya. Ang daming congratulations message galing sa mga admirer ko. Witwew. Iba na talaga kapag gwapo.
I scrolled down the message para tingnan kung may iba pa bang nag text maliban sa mga admirer ko. Their I saw Samantha's number.
Congrats :)
I dialled her number at boses niya yung sumagot.
"Samantha..." Wika ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya bago nagsalita.
"It's Meagan Son..." Wika niya. Napabuntong hininga ako. Bakit ko ba iniisip na pwedeng mabuhay ang isang patay?
"What's up?" I asked.
"Uhmm.. Congrats pala. Sorry. Nakita ko kasi yung simcard ni Samantha. I just tried it kung gumagana pa. And.. Uhmm.. That's it." Wika niya. I smiled. Naiimagine ko na kasing nagba blush siya habang sinasabi niya iyon.
We're already friends. Matapos kasi niyang magkasakit sa bahay ay naging magkaibigan na kami. I dont know how it happened pero na gising nalang akong bigla na nakikipagbiruan sa kanya.
"Hehe. Punta ka sa bahay. May kaunting celebration lang worth family and friends. You know. Graduation kasi." I said.
"Yeah. I'll go." She said bago ko pinatay ang phone. Pinanglalakihan kasi ako ng mata ng staff sa school. Kahit kilala nila ako bilang pamangkin ng President ay wala naman kaming special treatment. Gusto ko rin kasi ang may mga rules and I love how to break it. Hehe.
Umakyat na si Harold para ibigay ang speech niya. Magna eh. After 12335819 years natapos rin ang speech niya. Pambihira, sinabihan ko na yan na paikliin pero pinahaba pa ata. Tss.
Ng matapos ang ceremony ay dumiretso kami sa bahay. Pinagpasyahan kasi ng grupo na isang celebration nalang para sa aming lahat. True friends forever eh. Haha!
"Yuhooo! Kakain na tayo!" Sigaw ni Rosas ng makita ang buffet table. Marami na rin kasing tao pagdating namin. Ganito ang tinatawag na kaunting celebration. Maraming bisita.
"Diretso daw tayo sa sala guys." Wika ko. Tinext kasi ako ni Ate. Ewan ko kung ano na naman ang sasabihin nun.Tss. Tumango naman sila at sumunod sa akin.