Harold.
Nagising ako ng may marinig akong umiiyak sa tabi ko. Nakatulog ata ako.
"HAROLDDDDD! Waaaaaaaah!" Napatakip ako sa tenga ng marinig ko ang sigaw niya. Dumilat ako at nakita kong umiiyak sa tabi ko si Irish. Teka? Bakit?
"Irish?" Wika ko. Tumingin siya sa akin at tumigil sa pag iyak. Agad niya akong niyakap ng mahigpit. Kahit naguguluhan ay niyakap ko na rin siya. Minsan lang atang manyakap ang isang 'to kaya susulitin ko na.
"Harold? Okay ka na? Sorry! Sorry! Sorry talaga. Wag mo ng ulit gagawin yun huh! Nakakainis ka! Bakit ka ba kasi magpapakamatay! Gago ka ba! Pinapakita ko lang talaga kung gaano mo ako kamahal! Sorry na. Sorry talaga. Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nawala ka. Kaya patawarin mo na ako! Waaaah! Mahal na mahal kita Harold! Huhu!" Sunod sunod na wika nito habang iyak pa rin ng iyak. Ang higpit pa ng yakap nito sa katawan ko. Hinagod hagod ko ang likod niya para matigil sa pag iyak. Wala akong ideya kung anong nangyayari. Pero.. Teka?
"Magpapakamatay?" Tanong ko sa kanya. Tumigil siya sa pagyakap sa akin at hinawakan ang kamay kong may .. Bandage?!
"Oo! Gago ka kasi. Bakit ka ba maglalaslas? Feeling ko tuloy ang ganda ganda ko kasi nagagawa mong magpakamatay para sa akin. Wag mo ng gagawin ulit yun huh! Malilintikan ka sa akin talaga!" Sigaw niya at pinaghahampas ako sa braso ko. Tss. Amasona talaga.
Kinuha ko ang bandage na nakakabit sa kamay ko. Naglaslas daw ako? Bakit wala naman akong nararadaman na sakit?
"Teka? Harold! Wag mo munang tanggalin! Buti nga marunong si Rosas at Sandrex na magkabit niyan. Kung hindi, baka dinala ka pa namin sa hospital!" Pagpipigil niya. Pero ipinagpatuloy ko pa rin ang pagtanggal. At nakita kong may marka ng dugo dito. Saan naman galing 'to? Wala naman akong sugat.
"Teka.. Bakit ganyan ang kulay ng dugo mo?" Nagtatakang tanong niya. Hinawakan niya ang kamay ko at tiningnan ng mabuti ang kamay ko.
"Walanghiya! Hindi ka naman naglaslas ah! ROSAS! SANDREX!" sigaw niya at pinagkakalampag ang pinto. Narinig ko ang paglock ng pinto at ang pagtawa ng dalawa sa likod.
Tss. Pambihira. Pinagtripan nila si Irish. Tuloy tuloy pa rin ito sa pagsigaw. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan sila. Iiyak na 'to mamaya eh.
"Hello Harold! Wag kayong lalabas hangga't hindi kayo nagkakabati diyan. Good luck! Chance mo na yan 'bro! Tawagan mo nalang kami mamaya! Chao!" Natatawang wika ni Rosas at bago pa ako makapagsalita ay tinapos niya na agad ang paguusap namin. Tss.
"Irish.." Tawag ko sa kanya. Parang nanigas ang likod nito pagtawag ko ng pangalan niya. Lumapit ako sa kanya at pinaharap siya sa akin.
"Gago! Manloloko! Tangna talaga! Nakakabwisit kayo!" Paulit ulit na sigaw niya habang pinaghahampas ako sa dibdib. Tinatanggap ko nalang ang pananakit niya sa akin. Mas masakit isipin na umiiyak siya dahil sa akin. Mas nasasaktan ako kapag nakikita kong nasasaktan siya dahil sa akin.
Ng mapagod siya kakasuntok sa akin ay niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi naman siya pumalag at yumakap rin sa akin pabalik. Mahal na mahal ko talaga ang amasonang 'to.
"Sorry.. Sorry." Paulit ulit na wika ko. Naramdaman ko rin ang paghigpit ng yakap niya sa akin.
"Pinapatawad na kita. Pinapatawad na kita Harold. Hindi ko pala kaya kapag wala ka sa akin. Sorry." Wika niya. Napangiti ako. May maganda rin palang pakinabang ang mga kalokohan ng dalawang yun. Kung hindi dahil sa kanila ay hindi kami magkakabati ni Irish.
Simula nun ay lagi na rin kaming magkasama. Araw araw ay sinasamahan niya ako sa pagbantay kay Sam. Nalaman niya na rin ang totoo ng ibinigay ni Sam sa kanya ang journal ng Ate Maegan niya. Umiiyak si Irish nun ng malaman ang totoo. Masakit rin sa part niya yun. Best friend niya rin kasi yun.