Special Chapter 1.2

746 23 2
                                    

Harold.

"Tol? May gusto ka ba kay Irish?" Diretsong tanong sa akin ni Rosas. Nandito kami sa bahay ng mga Rodriguez. Dito namin napiling mag celebrate ng New Year. Lumingon ako sa gawi ni Irish. Kausap niya sila Mai at kay ganda ng ngiti niya. Napansin niya ata na may nakatingin sa kanya kaya lumingon rin siya sa gawi ko at ngumiti ng pagkatamis tamis.

Ibinaling ko ang tingin ko kay Rosas na naghihintay ng sagot ko. Gusto kong maging tapat sa kanya. Kaibigan ko pa rin siya kahit papaano.

"Oo Rosas." Sagot ko na nagpalaglag ng balikat niya. "Alam ko may gusto ka sa kanya Rosas. Pero lalaki rin ako at kahit noon pa man ay gusto ko na rin siya. Iginagalang ko naman yun at balak ko naman sabihin sa iyo yun pero nauunahan ako ng hiya. Kaibigan kita pero sa iisang babae pa tayo nagmahal." Dagdag ko. Napansin ko ang pagrehistro ng sakit sa mukha niya ng ininom niya ng diretso ang wine na hawak niya.

Matagal rin ang hinintay ko na sandali bago siya muling nagsalita. Maski ako ay masasaktan rin sa nalaman ko. Mahirap magkaroon ng kaagaw lalo na't alam mong kaibigan mo pa ang kaagaw mo.

"Kung ganun, kailangan nalang ata nating magpaunahan sa pagkuha ng puso ni Irish?" Tanong niya. Ngumiti ako at nakipag kamay sa kanya.

"Yeah, may the best pogi win". Biro ko. Tumawa ako at nakipagkamay naman siya.

Mabuti at hindi namin nagawang pag awayan ito. Isa kasi ito sa mga hindi ko gustong mangyari. Natatakot ako na baka ito pa ang pagmulan ng away at hindi namin pagkakaintindihan.

Lihim akong naaasar kapag naririnig kong tinatawag ni Rosas si Irish na My Loves. Nakakairita pero hindi ko nalang pinapansin. Nakapagusap na rin naman kasi kami kaya okay lang sa akin.

Masaya ako at napapansin rin ako ni Irish. Palagi siyang nasa tabi ko at lagi akong pinapansin. Nagkaroon kami ng pagkakataon na makapagusap noong nasa Boracay kami. Lahat kasi ay halos nasa Bar at kami lang ang pumiling manatili sa hotel namin.

Pinili naming umupo sa paanan ng pool bitbit ang tig isang bote ng light beer. Hindi naman kasi pwede na magpakalasing kami. Marami pa kaming babantayang mga lasing pagdating ng mga ugok.

"Sorry." Panimula niyang wika. Nakatingin lang siya ng diretso sa pool. Ako naman ay nanatiling nakatitig lang sa mukha niyang kay ganda pagmasdan.

"Sinasabi lang ang sorry kapag nakagawa ka ng kasalanang hindi mo sinasadya sa isang tao. May ginawa ka bang kasalanang hindi sinasadya?" Sagot ko sa kanya. Literal na napanganga siya sa sinabi ko. Umurong ang dila at hindi na makapagsalita ng maayos. Biro lang.

"Tss. Alam mo ba kung hindi lang kita kilala iisipin kong seryoso ka ngayon." Wika niya sabay inom ng beer niya. Tama, kilalang kilala na nga daw niya ako ngayon. Ewan ko kung ano ang naging basehan niya sa sinabi niyang iyon pero hindi ko nalang siya kinontra.

"Ano ba ang alam mo sa akin?" Lumingon ako sa kanya at nahuli kong titig na titig siya sa akin. Umiwas siya agad ng tingin matapos ang ilang minuto.

"Marami rin. Ikaw si Harold Cruz, 18 at uhmmm.. Kumukuha ng kursong Computer Engineering. Best friend ng pinsan kong dinaig pa ang hanging habagat sa sobrang lakas." Wika niya sabay tawa. Nakakaaliw talaga ang paraan ng pagtawa niya. Parang musika na kay sarap pakinggan ng paulit ulit.

"Yun lang?" Dagdag na tanong ko. Kaunti lang iyan ng mga nalalaman ko tungkol sayo Irish. Sigaw ng isipan ko. Tama, walang wala ata ito kumpara sa mga nalalaman ko tungkol sa kanya.

"Marami rin naman pero sasabihin ko ng paunti unti sayo." Ngumiti siya at sumimsim agad ng beer niya. Pansin ko ang pamumula ng maputi niyang mukha. Gayundin ang pagkapungay ng mga mata niya.

Mr. Chickboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon