Status : In Relationship √

1K 26 0
                                    

Warson

Tinatamad akong pumasok ngayon. Nakakahiya kasi ang inakto ko ng magtapat ako kay Sam. Feeling ko napahiya ako dahil hindi niya ako nasagot. Feeling ko nabasted ako.

Ipinilig ko ang ulo ko at binatukan ang sarili ko. Bakit ba iniisip ko pa rin si Sam?!

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto.

"Warson! Wala ka bang balak pumasok?" Tanong ng pinsan ko ng makapasok. Agad nitong inikot ang mata ng makita ang hubad kong katawan. "Ewww.. Puro ribs." Sumimangot ako at itinaas ang muscles ko.

Ngumisi ako. "Mabuti nga may buto. Ikaw boneless." Sumimangot ito at binato ako ng tsinelas. Babae talaga, mang aasar tapos kapag gumanti ako ng asar magagalit. Nasaan ang hustisya dun?

"Nakakainis ka talaga. Pumasok ka kasi hinihintay ka ni Sam! Hindi na kita hihintayin, may kotse ka. Bye!" Wika nito bago umalis ng tuluyan.

Napatingin ako sa kalendaryo. Monday ngayon at dalawang araw kaming hindi nagkita ni Sam. Inis na binatukan ko ang sarili ko. Bakit ba siya lagi ang iniisip ko?

Ngumuso ako at nagpose sa harap ng salamin para kumuha ng selfie ko.

Pinost ko ito sa Instagram ko at nilagyan ng caption na "Ang totoong gwapo, kahit bagong gising, gwapo pa rin." Napangiti ako ng biglang bumuhos ang likes sa picture ko. Iba na talaga kapag pinanganak na gwapo.

Naligo ako at nagbihis agad. Nagtataka na naisip ko ang sinabi ni Irish. Bakit ako hihintayin ni Sam?

"Ma! Alis na po ako!" Sigaw ko kay Mama. Itinaas nito ang kamay tanda ng pag alis. Ngumiti ako ng makita si Papa sa monitor. Manang mana talaga ako sa kanya. Gwapo at matipuno.

Nakangiti akong pumasok sa kotse. Hindi ko mapigilan ang pagkanta at pag ngiti sa bawat tao na nakakasalubong ko. I feel so alive!

Ng makapasok sa gate ay sumaludo ako sa Guard. Sumaludo ito at natatawang napa iling.

"Kyaa! Ayan nasi Warson"

"NakitamobayungpostniyasaIG! Anghot!"

"Kyaaa! Oo nga!"

Binati ko ang mga fans ko ng isang magandang ngiti. Nag twinkle ang mga mata nito at kamuntikan na silang mahimatay sa sobrang init. Sobrang hot ko daw kasi. Maliit na bagay!

Ng makarating sa room ay nginitian ako ng isang magandang binibini. Kinuha ko anh kamay niya at hinalikan ito dito.

Napahawak ito sa dibdib niya na may ngiti sa labi. Kumindat ako sa kanya na naging dahilan ng pagkamatay niya.

News Flash! Isang binibini namatay ng kumindat ang poging si Warson!

Napangisi ako at napahawak sa baba. Bakit kaya ang pogi ko?

"Son! Nagkakagulo sa gymnasium ngayon. Tara puntahan natin!" Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Rosas. Pakihanap ng pake ko sa pagkakagulo?

"Ano yun? Tinatamad akong maglakad eh." Di gawain ng gwapo ang pakikipag usyoso.

"Nandun si Sam!" Napantig ang tenga ko. Gawain rin pala ng pogi ang makipag chismisan. Agad kaming tumakbo ni Rosas para puntahan si Sam at napataas ang kilay ko ng makita ang malaking balloon na nagpadilim sa buong gymnasium.

I was about to walk away when I saw Sam running while holding a gun. Nanlaki ang mata ko sa gulat.

"Warson!" Pagtawag nito sa akin. Naitaas ko ang dalawa kong palad ng itutok niya ito sa akin. I didn't do anything wrong! Kung pagiging kriminal ang pagiging pogi ay pipiliin ko pa rin na maging gwapo! Mahirap maging pangit.

Mr. Chickboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon