Representative √

1K 26 0
                                    

Warson

Naiinis na tumayo ako. "Wag niyo nga akong isali sa trip niyong yan". Alam ko gwapo ako pero hindi ko na kailangang sumali pa sa modelling na yan para mas sumikat pa ako.

"Pero pumayag na si Sam bilang partner mo. Wag ka ngang feeling Warson, pinili ka lang namin kasi no choice at saka maganda ang chemistry niyo kapag magkasama kayo." Mariing sagot ni Irish. Hindi ko siya pinansin at tiningnan ang nakayukong si Sam.

Bakit hindi niya sinabi na pumayag siya na maging babaeng santa claus? Gawain ba yan ng mabuting girlfriend? Ang maglihim sa boyfriend niya?

"Bakit hindi mo sinabi na pumayag ka sa alok nila na maging model?" tanong ko sa kanya. Pero hindi ito sumagot at nanatiling nakayuko.

"Kailangan na agad ng pasya mo Warson, para kung hindi ka papayag maghahanap agad kami ng kapalit mo". Wika ni Harold.

Nakita ko ang pagtingin nila sa aking lahat. May meeting kami ngayon dito sa office kasama ang mga officer ng Nursing Student. Naiinis ako na di mawari, bakit kasi ako pa yung pinili nila diba?

"Ayoko and that's final." Sagot ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga ng lahat. Ayokong rumampa, hindi ako marunong maglakad sa stage. Kailangan rin ng mga gwapo minsan na mahiya.

"Alam ko na mangyayari ito kaya nagisip na ako kung sino ang ipapalit sayo. Pakitawag si Drew sa labas." Napalingon kaming lahat kay Irish ng magsalita ito. Maya maya ay pumasok ang maputing lalaki na nakaputi ring damit.

"Guys, meet Andrew Reid. Nursing student at classmate namin nila Sam. Since ayaw ni Warson, siya nalang ang papalit." Pagpapakilala ni Irish. Nagpalakpakan ang lahat at ngiting ngiti. Ngumiti ang Andrew at kumaway kaway sa lahat. Feeling gwapo looking gago.

"Papayag ba si Sam na maging kapartner niya?" Tanong ko. Nalipat ang tingin nila sa katabi kong nakayuko pa rin. Alam ko hindi siya papayag.

"Oo." Muntikan na akong malaglag sa upuan ko sa sinagot niya. Leche! Bakit pumayag siya? Tiningnan ko siya ng masama pero tinawanan niya lang ako.

"See? So dahil kumpleto na ang representative natin for the event at tapos na rin natin mapagusapan ang tungkol sa iba pang kailangan pwede na kayong mag  proceed sa next class niyo. Thank you guys." Wika ni Irish. Naiinis akong tumayo at humiga sa sofa. Naiinis ako. Nagsialisan ang iba. Napag desisyunan ko na hindi nalang pumasok. Nakakabanas.

"Sam, tara na?" narinig kong tanong ng labanos na si Drew. Sumimangot ako.

"Sige, Warson mauuna na ako." Pumikit ako at nagkunwaring nakatulog na at hindi na sumagot. Bahala siya sa buhay niya. Gusto niyang makasama si Drew edi samahan niya! Wala akong pake!.

Nainis ako lalo ng marinig ko ang pag alis niya kasama ni Drew. Tangna! Sumama nga siya?!

"Hoy Son! Anong Arte yun kanina?" Napamulat ako ng winisikan niya ako ng tubig sa mukha.

"Manahimik ka nga. Leche." Sagot ko kay Rosas. Pumikit ako ulit at humiga sa sofa.

"Hahayaan mo nalang ba na si Sam at Drew ang magiging magkapartner?" Tanong ni Sandrex.

"Oo nga, sa tingin ko nga may gusto kay Sam yun. Iba yung tingin eh." Dagdag ni Rosas.

"May pa akbay akbay pa nga na nalalaman."
Akbay? Agad akong napabangon! Tumingin ako sa kanila at nakita ko kung paano sila magtawanan. Napagalaman ko na binibiro lamg nila ako.

"Hindi malayong mahulog si Sam dun. Gwapo na, mabait pa, macho pa!" Wika ni Rosas. Nag init ang ulo ko sa sinabi niya.

"Gago! Girlfriend ko pinag uusapan niyo dito!" Sigaw ko. Nagtawanan agad ito.

Mr. Chickboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon