Comeback √

1.8K 29 1
                                    

Warson

"Son! Gising! Yung Ate mo! Nasa baba!" Natatarantang wika ni Rosas. Dito kasi kami nakatulog sa bahay nila matapos ang date ko kagabi. Napalingon ako sa orasan, 10 am palang ng umaga.

"Ano bang kalokohan yang pinagsasabi mo? Sa susunod na linggo pa uwi nun. Adik ka ba? Patulugin mo nga muna ako". Reklamo ko. Madaling araw na kasi kami nakatulog, nanood kami ng movie kagabi. Ipinatong ko ang braso ko sa likod ng ulo ko at ipinikit muli ang mata.

"Leche! Di ako nagbibiro!" Sigaw niya. Ng hindi ako sumagot ay padabog na lumabas ito. Idinilat ko ang isang mata ko para silipin siya at nakita kong nakalabas na nga talaga siya.

Naka boxer lang ako at walang suot na pang itaas. Condo ito ni Rosas at siya lang ang magisang nakatira dito.

Nakarinig ako ng malakas na pagbukas ng pinto. Hindi ako nagmulat ng mata ko dahil alam kong sila Sandrex na ulit yan.

"Warsooooon!" Nanlaki ang mata ko pagka dilat. Fvck! Alam na alam ko ang boses na yan!

Dahan dahan kong iminulat ang mata ko at nakita ko ang nakangiti pero galit na mukha ni Ate. Shit! Tumayo ako at kinuha ang damit ko at dali daling nagbihis. Alam ko na  ang susunod na gagawin niya at hindi ako nagkamali ng hilain niya ako sa tenga palabas ng condo.

"Bakit dito ka natulog? Wala ka bang bahay para makitulog sa bahay ng iba huh!" Pangangaral niya sa akin.

"Aw! Aray naman Ate! Ang sakit kaya!" Reklamo ko. Buti at walang masyadong nakakita sa akin dito. Masisira ang pagiging cool ko pag nagkataon.

"Sakay ng kotse!" Sigaw niya. Padabog akong pumasok sa Van na dala niya at napahilamos ako ng mukha ng makita ang buo kong pamilya na maingay at nagkakagulo sa loob nito.

"Kuyaaaaa!" Yakap sa akin ni bunso. Ngunit agad itong humiwalay ng yakap sa akin hawak hawak ang ilong.

"Bakit?" Nagtataka kong tanong.

"You stink Kuya." Pinisil pa nito ang ilong at umarte na tila bahong baho.

"Tabi nga!" Asar na wika ko. "Aray! Leche!" Sigaw ko ng may tumama sa likod ko. Bakit ba nagkaroon ako ng kapatid na pagkabrutal brutal! Binato ako ng magaling kong Ate ng tsinelas niya! Fvck! Nakakabadtrip ng araw. Kaya ayoko na nandito siya eh!

"Ayusin mo nga ang pagsasalita mo." Nakakabawas ng kagwapuhan ko ang presence niya. Nakakainis.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko. Napansin ko ang pagtahimik ng lahat. Maya maya ay nagsigawan sila at nagkanya kanyang kwentuhan na tila hindi ako narinig na nagtanong. D'fvck! Hindi ba nila nakikita ang kagwapuhan ko?

"Hoy Alexia! Saan ang punta natin?" Pero imbes na sagutin ako ay ipinasak niya ang headset niya sa tenga at nagkunwaring hindi ako narinig. Ibinaling ko ang tingin ko sa harapan. Tinanggal ko ang headset ni Mai at tinanong siya.

"Hoy Mai! Saan punta natin?" Tanong ko.

"Kasi naman, wala lagi sa bahay. Isi celebrate natin ng maaga yung birthday ni Papa." Inirapan niya ako pagkatapos akong sagutin.

"What! Bakit naman?" Tanong ko ulit. Pero hindi na niua ako sinagot. Iba na talaga kapag masyadong gwapo. Hindi na ako masyadong kinakausap dahil na I intimidate.

Teka? Pero kung party. Meaning formal yung isusuot namin. Tiningnan ko ang suot ko. Naka sando lang ako at nakaboxer. Fvck! Wala akong dalang damit dahil hinila lang ako bigla ni Ate palabas ng bahay nila Rosas. Ni hindi ko nga nagawang makapag paalam dun. Bwisit talaga!

"Oh? Bakit nakasimangot ka diyan?" Tanong ni Ate ng hinarap ako sa likod.

"Wala. Leche". Mahinang sagot ko at umiwas ng tingin.

Mr. Chickboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon