Dinner √

1.2K 27 0
                                    

Warson

"Sunduin mo ako sa Simsimi Restaurant ngayon". Kumunot ang noo ko ng mabasa ang text ni Ate. Anong nakain nito at nagpapasundo sa akin?

Iniliko ko ang kotse pabalik ng North. Plano ko sana na ayain ang mga barkada ko na gumala pero laking himala na tumanggi sila. Sayang, plano ko pa sana na manlibre.

Tumigil ako sandali para tingnan ang phone ng muli itong tumunog.

"Nakapula ako na dress". Nagsalubong ang kilay ko sa naging text ni Ate. Inis na hinagis ko ito sa likuran ng kotse ko. Kahit hindi niya sabihin ang kulay ng damit niya ay makikilala ko siya agad. Para saan pa't naging kapatid ko siya?

Naiinis pa rin ako sa kanya. She chose to stay here again. Iniisip ko pa lang na magtatagal siya dito ay naiisip ko na ang buhay ko. She's a control freak!

Ng makarating ako sa Restaurant ay pumasok ako. Nagsalubong ang kilay ko ng makita ang nag iisang babae na nakasuot ng pula na damit.

Naiinis na lumapit ako sa kanya at padabog na umupo sa harap niya. I get the menu and choosefor something to eat. Ng mapansin kong hindi siya kumibo ay tumingin ako sa kanya.

"Ate.. Ano ba--"

Nagulat ako ng bigla nalang may nagbuga sa akin ng kape sa mukha.

"Ano ba!" Sigaw ko. Napatayo ako at naagaw ko ang atensyon ng lahat ng tao sa restaurant. Kumuha ako ng panyo at ipinunas sa mukha ko. Badtrip!

"Sorry! Teka? Warson?" Nagtataka na napalingon ako sa kanya.

"Sam?! Anong ginagawa mo dito?"

"Your sister told me to come here." She said then flashed her sweet smile. Ipinilig ko ang ulo ko.

Magsasalita na ako ng biglang mag ring ang phone ko. Kinuha ko ito at sinagot.

"Hello Ate!" Malakas na sigaw ko dahilan para tumingin ulit sa akin ang lahat. Hindi ko sila pinansin at patuloy lang ang pag sigaw kay Ate.

"Big bro! Nakita mo na ba siya?" Excited na tanong nito. I am imagining her jumping in excitement because of this.

"Sinong siya?" Lumingon ako kay Sam at nagpupunas ito ng napkin sa labi. Ngumiti ito sa akin ng mapansin ang pag tingin ko.

"Si Sam! Nakapula siya na damit. Sabi niya nandyan na siya kaya hanapin mo! Treat ko yang dinner date niyo! Bye!" Then she hang up.

"Teka! Ate!" Sigaw ko. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko. Problema talaga ang dala ni Ate sa buhay ko!

Ng tumunog ulit ang phone ko ay sinagot ko agad ito ng hindi tinitingnan king sino ang caller.

"Ate! Ano bang kalokohan 'to!" Sigaw ko.

"Teka! Easy Son! Si Sandrex 'to!" Sagot sa kabilang linya. Inilayo ko ang phone ko at tiningnan ang caller. Si Sandrex nga.

"Rosas here!" Sigaw rin ni Rosas.

Tumikhim ako at inayos ang pag upo. "Ano ba kailangan niyo?" Narinig ko ang halakhakan nila.

"Ang ganda ng damit mo ah! Pulang pula, pareho pa kayo ng date mo." Lumingon lingon ako para hanapin sila pero hindi ko nakita ang mga mukha nila.

"Nasaan kayo?" I asked on them.

Humalakhak ulit ang mga ito. "Secret! Kunwari ka pang ayaw mo dati tapos makikita namin na magkadate na kayo." Nagsalubong ang kilay ko sa pang aasar nila. Kapag nakita ko sila mababasag talaga ang mukha nila!

"Ikaw na ba si Mr. Right?" Pag kanta ni Rosas. Pagtapos ay napuno ng halakhakan ang buong tawag.

"Gago." Narinig ko ang pagsinghap ni Sam kaya napatingin ako sa kanya. Nanlalaki ang mata nito habang nakatingin sa menu. Napangiti ako at nakalimutan na kausap ko pa ang mga unggoy.

Mr. Chickboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon