Christmas Break √

953 21 3
                                    

Warson

Christmas is my favorite holiday. Why? Because aside from the gifts I may receive from my fans and relatives, I will no longer be oblige to wake up early. Ibig sabihin kahit gabi na ako matulog dahil wala akong po-problemahin na pasok kinabukasan!

Hindi na rin ako maoobliga na samahan si Sam kasi wala naman kaming tao na dapat na lokohin. Timing rin ang pagsagot niya sa akin last week. Napangiti ako. This is going to be a fun Christmas break of my life!

Masaya akong bumaba sa dining area. Naabutan ko silang nagsisimula ng kumain ng breakfast. Lumapit ako sa kanila at isa isang binigyan ng halik sa pisngi.

"Ano ba Kuya! Nagmumog ka ba?" Reklamo ni Mai. Ngumuso ako at kunwaring nasaktan sa sinabi niya.

"Oo naman! Yung galing sa inodoro na tubig pa nga ang pinangmumog ko. Ang bango diba?" Nandidiring pinunasan nilang lahat ang pisngi nila. Mas lalo akong napanguso. Akala mo kung sinong kagandahan.

"Ewww! Kuya, umayos ka nga! Kababuyan mo talaga!" Sigaw ni Mai at dali daling pumunta sa banyo. Hindi ko mapigilan mapahalakhak. Pero natigil 'yun ng dumating ang pinsan ko.

"Good morning Tita. Good morning Ladies."

"Goodmorning Pan!" Bati ko sa kanya para iparamdam ang presensiya ko. Gwapo ako pero hindi niya 'yun nakikita. Aba! Do I need to set an appointment for our family doctor? Pero iwinaksi ko 'yun ng tumingin na ito sa akin. Mas lumawak ang pagkakangiti ko sa labi.

"Pan?" Pagu-ulit niya. Napahagalpak ako ng tawa ng makita ang pagkunot ng noo niya.

"Short for pandak!" Imbes na sagutin ako ay inirapan niya lang ako. Kumunot ang noo ko sa ginawa niya. Badtrip si pandak?

"Anak? Ibaba mo nga yang paa mo. Matuto kang igalang ang pagkain na nasa harap mo." Sinunod ko ang sinabi ni Mama at iniyos ang pagkaka upo.

Hindi maalis alis ang ngiti sa labi ko. Wala na talagang ikaka ganda ang araw ko! Ano bang magandang gawin this summer break? Dota? Roadtrip? Hindi ko mapigilan na makaramdam ng excitement.

Ng matapos ang breakfast namin na napuno ng kwentuhan ng girls about sa fashion etc. Minabuti kong pumunta sa sala para tawagan sila Harold sa landline. I also wanted to ask them about the treat they are referring knowing that I won the pageant.

Pero ng makarating ako sa sala ay may kausap pa si Mai. I frowned. Kapag hihintayin ko siyang matapos ay baka sumabog na ang earth sa sobrang tagal niya. Inilibot ko ang tingin at nahagip ng mata ko ang socket ng landline. I grinned on the evil plan that pop up in my mind.

Dahan dahan akong naglakad palapit sa socket. Luminga linga ako para tingnan kung may makakakita sa gagawin ko. Ng makitang wala ng tao ay mabilis kong binunot ang electric cord. Lumayo ako rito at pasipol sipol habang kinakalikot kunwari ang kuko ko.

"Ha? Bakit naputol yun!" She dialed again the number but it wasn't even functioning. Knowing Mai, madaling mainis 'to kaya hindi magtatagal ay aalis agad ito. At hindi nga ako nagkamali dahil padabog 'tong tumakbo papunta sa itaas.

I took this opportunity to sit down in the sofa and dialed Harold's number. Ilang ring ang lumipas bago nito nasagot ang tawag.

"Hello Irish?" Inilayo ko ang telepono sa tenga ko at pinitik pitik ito. Sigurado akong si Harold ang na dial ko. Nagsalubong ang kilay ko ng maalala ang sinabi niyang pangalan. Ibig bang sabihin 'nun ay nagkakausap sila ng pinsan ko?

"Tangna Harold. Pinapatos mo ba ang pinsan ko?" Galit ko na tanong.

Narinig ko ang pagbangon niya. "Warson? Akala ko si- Never mind. Anong kailangan mo?" Imbes na sagutin ang tanong ko ay nagtanong pa ulit ito. Aba't! Gago 'to ah!

Mr. Chickboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon