Warson.
"Warson! Bilisan mo nga maglakad! Malayo pa ang aakyatin natin! Bilis!" Hawak hawak ni Sam ang kamay ko. Tss. Alam mo ba ang mga iniisip ko about date? Yung nasa mamahaling restaurant, may maganda at malamyos na musika at masasarap na pagkain. Kaya nga nag ayos ako ng maayos eh.
Hindi naman ito ang first time na yayain ako ng isang babae na makipagdate pero nakakailang pa rin. Si Sam kasi ang nagyaya sa akin at nakakahiya naman kung pangit ako diba?
Nagsuot ako ng mamahaling damit. Pinabili ko pa 'to kay Ate sa States huh. Nakaalis na kasi siya ulit ng bansa. At mahal ang binayad ko sa kanya para maipadala agad. Tapos pinalabhan at pinalinis ko talaga ang sapatos ko para lang magmukhang kaaya aya tingnan. At pinaplansta ko pa ang pantalon na gamit ko.
Maaga palang ay sinabihan niya akong maghintay sa labas ng subdivision nila. Kahit nagtataka man kung bakit ala sais palang ng umaga ay may date na kami ay hindi na ako nagtanong.
Natawa pa nga siya ng makita ang suot ko. Inasar pa niya ako kung saan daw ba ako aattend ng binyag. Tss. Sinimangutan ko siya at hindi nalang pinansin. Nakapang hiking siya na short na hindi ganun kaikli at may malaking bag pack na dala.
Pinagpalit niya kami ng pwesto. Siya daw ang magda drive kasi siya ang nakakaalam kung saan kami pupunta. Nagtalo pa kami kung sino ang masusunod sa amin pero sa huli ay mas nanalo siya. Tss. Girls.
Nakakahiya mang aminin ay nakatulog ako sa biyahe. Langya naman kasi. Dapat ako magdadrive eh. Nagulat ako ng malaman na aakyat pala kami ng bundok. Napamura ako sa isip ng malaman iyon. With this get up? Seriously? Nakita kong natutuwa si Sam sa nangyayari sa akin, sana naman kasi sinabihan niya rin ako diba? Tss.
"Son! Bilisan mo nga. Para ka namang hindi lalaki eh." Reklamo niya. Nakasimangot pa rin ako sa kanya habang sumusunod. Hindi ko alam na may lahi pala ni Tarzan ang isang 'to. Sumusunod kami sa lalaking tour guide paakyat ng bundok. Hindi ko kilala ang bundok na ito.
Makautos naman siya. Ginawa pa niya akong taga buhat ng mga gamit niya. Ang laki kaya ng bag pack na dala niya. Nilagyan niya pa ata ng bato sa loob to eh.
"Son!" Sigaw niya. Malayo layo na rin kasi sila ng tour guide niya. Masakit pa sa balat ang araw. Leche. Maghuhubad ata ako dito mamaya. Mahaba haba na rin ang nilakad este inakyat namin. Tumutulo na ang pawis ko sa buong katawan kasama na dun ang nananakit kong buong katawan.
Kung ganitong date ang nauso dati sigurado akong hinding hindi na ako makikipagdate kahit kanino.
Matapos ang ilang oras na pagpipinetensya ay tumigil rin sila sa wakas sa palalakad. Hinihingal na napaupo ako sa malaking bato. Isang malawak na lupain ang nakita ko sa tuktok ng bundok. May bahay kubo at sobrang taas. Pakiramdam ko ay kitang kita mo ang buong syudad dito.
"Paalam manong!" Wika niya sa lalaking tour guide. Nagulat ako ng makitang may motor siyang kinuha sa likod ng malaking kubo. Leche! Pwede naman palang gumamit ng motor paakyat sa bundok na ito tapos naglakad lang kami?! Nasaan ang katarungan doon?!
Nakapeace sign sa akin si Sam ng mapadako ang tingin ko sa kanya. Leche! Anong kalokohan ang pinaggagawa ng babaeng to sa akin?
"Sorry. Haha! Sabi ko naman kasi sayo ako ang bahala sa date na ito diba? Tara, ipagluluto kita sa loob ng bahay." Wika niya sabay pasok agad sa loob ng bahay.
Tss! Sumunod ako sa kanya at humiga agad sa upuang kahoy na nakita ko. Iidlip muna ako! Nakakapagod pero masaya.
------
Nagising ako ng maramdamang may nakatitig sa akin. Agad akong napamulat at nakita ko ang nakangiting mukha sa akin ni Sam.
"Hey Baby.. Kakain na tayo." Kinuha niya ang kamay ko at hinila ako patayo. Tss. Mukhang nasisiyahan pa siyang nakikita akong nahihirapan. Pakiramdam ko tuloy ang baho baho ko dahil sa pawis kanina.