Summer.

734 17 2
                                    

Warson.

Good news. Wala na kaming pasok. Tapos na ang sophomore year namin at summer break na. Meaning magiging Juniors na kami next semester.

Bad news. Hanggang ngayon ay hindi pa rin namin nakikita si Samantha. I know, it's been a month since we started to locate Samantha's whereabouts and yet, we hadn't still find her.

"Hey. What are you writing their Son.?" Tanong sa akin ni Sandrex ng makalapit ito. We're currently here at Kalibo Airport. Our source told us na may nakita daw silang kamukha ni Samantha dito. Babyahe kami ngayon papunta ng Boracay kasi dun usually pumupunta ang mga bakasyonista.

"Nothing. I am just editing those pictures I've taken." Sagot ko. Nahilig na ata ako sa pagkuha ng mga pictures. Madami kasi kaming napupuntahan na magagandang lugar at hindi ko pinapalampas ang isang lugar without capturing those beautiful sceneries that our country have.

"Okay. Bibili lang kami sa 7/11. May ipapabili ka ba?" Tanong nito. Dumukot ako sa bulsa ko ng pera.

"Isang Big bite at slurpee lang." Wika ko. Napailing na naglakad ito papalayo sa akin. I scanned the pictures at nag edit na rin. Pang post rin to sa IG account ko. Ng mapagod ang mata ko sa kakaedit ay pinatay ko ang laptop at pumikit ng ilang sandali. Ng iminulat ko ang mata ko'y nagulat ako ng makita si Sam. Teka? Namamalikmata ba ako?

Tumayo ako't sinundan ang babae. Nakatalikod ito kaya hindi ko makita kung siya nga talaga si Sam. Tss. Binilisan ko ang lakad ko para maabutan ko siya. Lumiko ito at hindi ko alam kung saan siyang daan dumaan. Kaliwa o kanan? Bakit ang bilis ata maglakad ng isang iyon?

Kumanan ako at tumakbo na ako para mahabol siya. Ng maaabot ko na ang balikat niya ay saka naman ito lumingon.

"Uhmm? Bakit po?" Tanong ng babae.

Tila bumagsak ang balikat ko ng malaman na hindi pala si Sam yun. Kamukha lang nito kapag nakatalikod. Pero parang nakita ko siya kanina eh. Nanlulumong bumalik ako sa inuupuan ko't nakita ko ang nagaalalang mukha ni Sandrex.

"Saan ka ba galing bro? Nagulat kami ng bigla ka nalang tumakbo paalis dito. Buti dumating agad sila Irish at sila ang nagbantay ng gamit natin." Wika niya.

Umiling lang ako't tumingin uli sa lugar kung saan ko nakita si Sam. Guni guni ko lang ba yun?

"Kainin mo na yan oh. Namumutla ka na eh." Wika niya. Siguro nga gutom lang 'to. Umupo ulit ako at kinain nalang ang big bite ko.

-------

"Wow! I wanna go back to the island called Boracay! Lalala!" Kanta ni Rosas ng makatapak na kami sa buhangin. Inalalayan ko si Irish pababa ng bangka at sinunod ang pagbuhat ng bag niya. Adik eh, ayaw ipabuhat kay Harold Ewan ko kung ano ng problema nung dalawang yun. Ako tuloy ang kawawa.

"Sir? Ito na po ba lahat ng gamit niyo?" Tanong ng bellboy na sumundo sa amin. Tumango ako at dumiretso sa hotel. Magpapahinga lang kami tapos aalis na agad.

"Son! Magkasama na naman tayo sa room! Haha! Bar tayo mamaya!" Sigaw ni Rosas ng umagapay sa akin paakyat ng room. I just tsk-ed and ignore him. Nandito kami para hanapin si Sam hindi magliwaliw.

Agad kong ibinagsak ang katawan ko sa kama at hindi namalayan ang pagtulog ko.

Nagising ako kinahapunan. Kinuha ko ang phone ko't nabasa ang text ng mga ugok. Pambihira, hindi manlang ako ginising. Bumaba agad ako ng hotel at habang pababa ay nahagip ng mata ko ang damit na nakita kong suot nung babaeng napagkamalan kong si Sam. Hindi ko nalang pinansin dahil alam kong hindi naman si Sam yun.

Ng makababa ako ay naabutan kong nagaasaran si Harold at Rosas. Nakakabigla dahil hindi naman talaga nakikipagasaran yan si Harold kay Rosas ng ganyan kalakas. Laging si Mr. Prim and Proper yan kung kumilos.

Mr. Chickboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon