Eternity.

621 15 0
                                    

Warson.

"Warson.." Mahinang bulong ng isang Samantha. Ang Samantha na nakatayo at nakalaglag ng cellphone ng makita ako.

Tila naninikip ang dibdib ko. Hindi pa rin mag sink in sa utak ko ang nakikita ko. Kinusot kusot ko ang mata ko pero hindi pa rin mawala ang nakatayong si Samantha. Sinampal ko ang mukha ko't nasaktan ako. Shit. Totoo ang nakikita ko.

"Son..." Umiwas ako ng akmang hahawakan niya ako sa kamay. Hindi. Hindi maaari 'to. Nahihibang na ba ako? Hindi na naman ako lasing, kanina pa ako nahimasmasan. Nananaginip ba ako? Sana magising na ako dahil masamang panaginip ito. Isang hinding magandang panaginip. F-fvck.

"Samantha! Samantha!" Sigaw ng humihingal na si Harold. Natigilan ito ng makita akong nakatitig sa Samathang nakatayo. "Warson..." Nahihirapang bulong ni Harold. Anong alam ni Harold dito? Nadagdagan pa ang iniisip ko. Ginagago lang ba nila akong lahat?

"P-please.. E-explain to me e-everything". Nahihirapang wika ko. Matagal na katahimikan ang bumalot sa buong kwarto. Tanging tunog lamang ng machine na naka connect kay Samantha na nakahiga ang siyang naririnig naming ingay.

Ramdam ko sa puso ko ang sakit. Hindi lang sa puso pero sa buong katawan ko. Hindi ko alam, naguguluhan ako. Gusto kong marinig ang explanation nila. Lahat lahat.

"Warson.. Siya si Maegan. Kakambal ni Samantha. M-may sakit si S-samantha, Subarachnoid Hemorrhage." Wika ni Harold.

Nanghihinang napaupo ako sa sofa. Napahilamos ang mukha't naaawang nakatingin kay Samantha na nakapikit. M-may sakit siya at ngayon ko lang nalaman. Ang tanga ko.

"S-samantha's now in C-coma." Wika ng Maegan.

Agad na napatulo ang luha ko sa narinig. Kaya pala puro tubo ang nakakabit sa payat na katawan nito ngayon. Life support nalang ang nagpapabuhay sa kanya. Bakit hindi ko nalaman ng maaga 'to? Ang gago ko. Ang bobo ko para hindi malaman iyon. Bakit hindi ko naisip na ito ang maaaring dahilan kung bakit dalawang buwan siya naming hindi nakita?

Bakit hindi ko nalaman na ibang Samantha na pala ang nakakasama at nililigawan ko? Bakit hindi ko manlang na pansin ang kaibahan niya sa tunay na Samantha? Ang tanga ko! Ang bobo ko!

Nanghihinang naglakad ako papunta ng pinto. Nakatulala lang ako't halos hindi na matapos ang pag agos ng luha ko. Hindi ko nakakayanin kapag nanatili pa ako ng matagal sa lugar na ito. Nakayuko ako habang naglalakad. Hindi alintana ang dumadaang tao at nabubungo ko.

"Son? Nasaan na si Sam?" Tanong ng pinsan kong si Irish. Minabuti kong hindi sumagot at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi ko na pinansin ng ilang beses niya akong tinawag.

Gago. Kahit ganito ako ay nasasaktan rin ako. Lalaki ako at tao rin na marunong masaktan. Nakakagago. Paano nilang nagawang ilihim at lokohin ako? Ganun na ba ako kahirap pagkatiwalaan? Kasarap gaguhin?!

Naiinis ako kasi hindi ko manlang nalaman ang tungkol dito. Kung bakit hindi nila sinabi sa akin yung totoo.

"S-samantha's now in C-coma."

Paulit ulit itong bumabalik sa utak ko. Fvck! Nakarating ako sa parking lot ng hospital. Sumakay ako sa kotse ko't nilock ito. Ibinuhos ko ang lahat ng luhang di maubos ubos na pumapatak sa mata ko. Nasasaktan ako. Im fvcking hurt for Pete's sake! Nakakagago yung ginawa nila sa akin.

Sumigaw ako't pinagsusuntok ang manibela. Nasasaktan ako! Gusto kong manuntok! Magpabugbog hanggang mawala ang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko lubos maisip na magagawa nila akong lokohin. Ganito na ba ako kagago tingnan?! Fvck!!!

Agad kong pinaandar ang kotse ko para umalis na sa lugar na ito. Dapat pa ba akong manatili dito? Ang mga taong yun, puro kasinungalingan ang lahat ng pinagsasabi sa akin. Hindi ko alam kung sino ang nagsasabi ng totoo at kung sino ang hindi. Fvck those people! Ang sarap manuntok!

Mr. Chickboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon