Signs

566 13 0
                                    

Warson.

"Teka? Saan ba kasi tayo pupunta? May exam pa ako by tommorow and I need to review." Reklamo nito. Nakapiring kasi ang mata niya habang nakaakay ako sa kanya. It's Sunday afternoon today and last day ng sinasabi niyang hinihingi niyang signs kay God.

"Here we are." I said bago tinanggal ang piring sa mata niya.

"First sign, a butterfly house." Wika ko. Nanlalaki pa rin ang mata nito habang inililibot ang paningin sa butterfly house na inupahan ko for whole day.

"And their is the rainbow colored butterfly." Mahinang wika nito. Nagtataka akong napatingin sa tinuturo niya. Tama, rainbow ang color ng pakpak niya. Teka? Wala naman sa sign na naibigay niya yun sa akin ah?! Sasabihan ko dapat tungkol dun pero ng makita kong ngumiti siya sa akin ay nawala lahat ng reklamo ko. Hayss.

Mabuti nalang pala at may kilalang may taga pag alaga si Irish ng butterfly. At least hindi na ako nahirapan na maghanap pa ng ganitong bahay.

Tumingin ako sa relo ko at hinila na siya paalis dun. Marami pa kaming pupuntahan ngayon. Sumakay ako sa kotse ko at nag drive papunta sa tindera ng fishball sa may kanto.

"Second sign, a girl who sell fishball." Nakangiti kong wika. Lumapit naman ito sa tindera at tumikim ng fish ball na tinitinda nito.

"Paano nagka heart shape na fish ball dito?" Nagtataka niyang tanong sa tindera bago palipat lipat na tumingin sa akin. Yan ba ang isa sa mga hidden signs niya? I shrug my shoulder at ipinagpatuloy ang pagkain. Masaya ako kasi ako ang reason ng pagtawa niya ngayon.

Itong babaeng tindera na ito ay kilala ni Sandrex. Dito kasi sila nagdidate ng girlfriend niya. Tinawanan nga siya namin ng malaman yun. Ang kuripot eh.

"Done?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti ito at tumango sa akin. Oh god. It's heaven.

Minabuti kong maglakad nalang kami tutal malapit na namang lumubog ang araw. That was her 3rd sign daw. Ang makita ng live ang paglubog ng araw.

"Gosh. May lumilipad nga na mga ibon." Namamangha niyang wika ng makita ang sunset. Namangha rin ako ng makita ito. Totoo nga ang sinabi ni Harold na maganda dito. Dito kasi nagsisenti ang adik na yun kung minsan. Dito daw kasi nakakarelax. Tama nga siya sa sinabi niya.

After naming patapusin na lumubog ang araw ay pinapunta ko ang driver ko para ihatid ang kotse ko. We will go na sa nireserve kong hotel for our dinner.

"Fourth sign, a dinner in a restaurant who has a girl waitress". Pero hindi na niya pinansin ang sinabi ko dahil naman ang namamanghang nakatingin siya sa palibot.

"Wow! They're wearing the flight attendant uniform I wished to wear before. And the place! It's too romantic! Ang ganda!" She exclaimed. Ngumiti ako sa kanya at inalalayan siyang umupo.

This place is owned by Rosas. Family niya pa ang namamalakad. This place is full of different colors of rose. Mahilig kasi ang Mama niya sa Rose at ang Papa nito ay businessman kaya naisip nilang gawing ganito ang concept ng restaurant nila. Good thing Rosas was available to help me in fixing this thing.

"Thank you". Sincere na wika ni Sam. Putik. Nagiinit ang pisngi ko. Ito na ba ang tinatawag nilang pagba-blush? Yieeeh. Naramdaman ko na rin pala.

Nagsimula na kaming kumain at hinihintay ko ang pagdating ng fifth sign niya.

I waited for the time. Ninenerbyos na ako dahil hindi pa rin umuulan. Alam ko uulan ngayon eh, kinontact ni Tita yung kilala niya sa PAGASA. Dapat 7pm daw uulan dito eh.

Raining at the middle of the night ang Fifth sign ni Sam. I already consulted it to my Tita. Pero bakit wala pa rin ang ulan na dapat ay dumating na?

"Warson? Are you okay?" Tanong nito habang nakatitig sa akin.

Umiling ako at taimtim na nagdasal.

Sana umulan..

Sana umulan..

Sana umulan..

Sana umulan..

"Warson? Can you send me home now. Gabi na rin kasi eh." Napadilat ako sa request ni Sam. Tumigin ulit ako sa langit at bagsak balikat na tumayo.

Tahimik naming binagtas ang daan pababa. We used the elevator at ang awkward ng katahimikan. Maybe, Sam is also expecting to rain now. I failed her expectations.

"Son? Magpapaiwan ka ba sa loob ng elevator?" Tanong niya na nagpabalik sa akin ng ulirat. Hayss.

Hindi nga umulan.. Bulong ko sa sarili ko ng makalabas kami ng hotel. Pinagbuksan ko siya ng pinto at agad naman siyang pumasok. Dahan dahan akong umikot papunta sa kabilang side ng kotse.

I was about to insert the key when I heard the noise that comes outside. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at lumabas dito.

"Yesssssss! Umulannnnn!" Sigaw ko. Nakita ko kung paano magtakbuhan ang mga tao dahil sa pagulan. Fvck! Ako na ata ang pinakamasayang tao dahil naulanan.

Agad kong tiningnan si Sam sa loob at nakatulala lang itong nakatitig sa akin. Ng pumitik ako sa harapan niya ay saka lang siya natauhan. She immediately went outside to know the truth.

Tumingin siya ng diretso at napaluha ng makita ang nasa langit. "Their still a star." Halos bulong na wika niya. Lumapit ako sa harap niya para sana punasan ang luha niya. Pero nagulat ako ng humagulgol itong yumakap sa akin.

"May star. May star." Paulit ulit niyang wika. I hugged her more tightly para maibsan ang pagiyak niya kahit papano.

Magtataka ang mga tao kung bakit kami magkayakap sa ilalim ng ulan pero hindi ko nalang inisip yun. Ang mahalaga, she will try to give our relationship a chance to work out. That's what important and really matters to me right now.

--------------

Mr. Chickboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon