Our Love.

802 13 2
                                    

Warson.

Nakatingin lang ako sa babaeng nasa harapan ko ngayon. Hindi ko maisip na magkikita ulit kami matapos ang mahabang taon na hindi namin pagkikita.

Hindi ako makagalaw at nakatitig lang sa kanya. Hindi pa rin makapaniwala na nakikita ko na ulit siya.

Parang kailan lang..

Flashback.

Hindi ko alam kung bakit simula ng umalis sila Maegan at Harold ay parang nawala rin ang isang parte ng puso ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Ayoko ring tanggapin ang iniisip ng utak ko. Nandito lang ako palagi sa kwarto ko. Ayokong kumausap ng ibang tao.

"Son? Ayoko sanang ibigay at ipabasa sayo pero alam kong kailangan mong malaman ang lahat." Napatingin ako kay Irish. Bakas rin sa mukha nito ang pangungulila kay Harold. Napansin ko ang isang notebook na hawak nito. Maegan's name is written from its cover. Meg.

Kinuha ko ito at inilagay sa bedside table. Iniwan naman niya agad ako ng hindi ako magsalita.

Matapos ang mahabang oras ng pagtatalo kung babasahin ko ito o hindi. Binuklat ko ito at binasa ang nilalaman. It's her journal.

Samantha's Wishes.

It was two months already when we found out about Samantha's condition. Sakitin siyang bata and my parents attention is only in her. I know mas kailangan niya ang lahat ng atensyon na yun pero hindi ko pa rin maiwasan ang magselos. I'm 5 minutes older than her kaya mas nakakatanda ako sa kanya pero bakit ganun? Bakit sa kanya pa napunta ang sakit niya na iyon?

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niya't naisipan niya pang pumasok sa isang relasyon. I've learned that she has a boyfriend from the University she chose to enrolled with. Pinili kong sa ibang school mag enrol kasi ayokong maging anino niya. Ayokong nakikita ang sarili ko sa kanya.

I visited her in the hospital today. Pinapadala na kami nila Mama sa States para sa paggagamot niya. Kahit ayoko ay sumunod nalang ako sa kanila. I know it's for our own good rin naman.

She asked me to break up with her boyfriend. At first, hindi ko tinanggap. Hindi ko naman kasi kilala yun noh. Inaanyayahan daw kasi siya nito na mag dinner at their monthsarry date. Hindi naman siya makakapunta dahil hindi pa siya talagang magaling. Mahal ko rin ang kapatid ko kaya papayag ako. Makikipagbreak lang naman diba?

I'm breaking up with him.

Hindi ko alam pero napaiyak ako. Hindi naman kami pero naapektuhan ang puso ko. Kilala ko ang lalaking yun. I always see him with my classmate's picture. Siya yung pinakasikat na lalaki sa eskwelahan nila. The famous Mr.Chickboy of Lee University. Kahit kalaban ng school namin ang school nila ay kilala rin siya dito. Kahit ako ay crush ko rin siya pero hindi umabot sa punto na nagtatago rin ako ng picture niya. He is my first and only crush that time.

"Baby.." Mahinang bulong ko sa kanya. Ito daw ang tawagan nila ng lalaking ito eh. Naiyak ako ng makita ang magandang pagkakaayos ng lugar na ito. Hindi ko alam na mapapaiyak ako dahil sa nararamdaman ko. Simple ng crush lang naman ang nararamdaman ko para sa kanya. Dapat hindi rin ako umiiyak. Inakay niya ako papunta sa lamesa.

"Nagustuhan mo ba ang surprise ko sayo?" Nakangiti niyang tanong sa akin. Tumango ako habang patuloy pa rin ang pag agos ng luha ko. Lumuhod pa siya para magpantay ang mukha naming dalawa."Baby naman. Tama na nga yang pagiyak mo. Akala mo naman mamamatay na ako eh." Pagbibiro niya sa akin. Napangiti ako kahit naluluha pa rin ako. Hinampas ko pa siya sa braso at napaaray ako ng malamang matigas pala yung muscle niya. Masyado naman kasing pinagpala ang boyfriend ni Sam.

Mr. Chickboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon