Birthday.

591 14 0
                                    

Warson.

"Waaaaaaaaaah!" sigaw ko habang nakabaon ang mukha ko sa ilalim ng unan. Putik. Napapasigaw ako sa kilig. Naaalala ko pa ang sinabi ni Sam sa akin kagabi.

"Son.. I'll give you another chance."

"Waaaaaaah!" sigaw ko ulit. Kinuha ko ang ipod ko at isinaksak sa speaker. Pinatugtog ko ng pagkalakas lakas ang Uptown Funk ni Bruno Mars. Nilinis ko ang buong kwarto ko habang sumasayaw sa indak ng musika. Feeling ko ang productive ko ngayon. Eyseee!

"Kuya.. maaawa ka sa mga kapitbahay. Nagagambala na sa sobrang kilig na nararamdaman mo." Napatalon ako sa gulat ng makita si Mai na nakasandal sa pinto ng kwarto ko. Sheyt! Kanina pa kaya siya diyan?

"K-kanina k-ka pa ba diyan?" Tanong ko. She smirked and waved her phone.

"Enough para makuhanan kita ng video. Good luck." Matapos ay tumakbo na agad siya pababa. Hinabol ko siya pababa at nakita ko si Alexia na nagseselfie.

"Kuya! Post muna! Pang IG ko!" Wika niya. Inayos ko ang buhok ko at nag pogi sign sa harap niya. She giggled when she saw the picture. Hindi ko na ito tiningnan pa dahil alam kong gwapo na agad ako dun kaya tumakbo ako pababa.

"Son! Ano ba yang suot mo! Magpalit ka nga ng damit mo!" Sigaw ni Mama ng makita ako sa kusina. Hindi ko siya pinansin at hinabol pa si Mai papuntang sala.

"Malalagot ka talaga sa akin kapag nahuli kita!" Banta ko sa kanya. Bumelat lang siya sa akin at tuluyang tumakbo. Where did she get the guts to bully me today?

"Kung mahuhuli mo ako!" She said. I heard the door bell rang and ignored it kasi nandyan naman sila Yaya para magbukas. Lecheng Mai yun. Ayaw talagang ibigay sa akin.

"Mai!" Sigaw ko. Nagpalibot libot kami sa sala. Maaabutan ko na siya ng may biglang bumati sa akin.

"Yow bro!" Nagulat ako ng makita sila Harold, Irish, Sandrex at Rosas na nakangiti sa akin. May hawak silang camera at pinicturan ako. Nakaboxer lang ako at sanay naman silang makita akong ganito. Pero ng makita kong nasa likod si Samantha ay tinamaan ako ng hiya. Nakita ko pa kung paano siya magblush. Sheyte.

"Hahahahahahahahahahhahaha!" Narinig kong tawanan nilang lahat. At nanlaki ang mata ko ng makitang ako yung nasa TV habang baliw na sumasayaw at kumakanta. Plinano ni Mai ang lahat ng 'to! Lintik lang ang walang ganti kapag nagkataon!

"Happy Birthday to you. Happy Birthday to you. Happy Birthday. Happy Birthday. Happy Birthday to you." Kanta nilang lahat na ikinagulat ko. Birthday ko ba ngayon? And then naalala ko, yeah. It's July 6 today.

"Hi Big bro! Happy Birthday! Sorry if Papa and I can't make it up today to celebrate your 20th birthday. We already give our present to Mama. God bless Big Bro! We love you! Mwa!" Napangiwi ako sa pagkiss ni Ate. Akala mo ikinaganda niya yung pagkiss sa laptop. Pero napangiti ako dahil maski papano ay naalala nila ang birthday ko.

Nag play pa ang video at ipinakita ang mga picture ko noong bata pa ako at noon. Puro tawanan at kantiyawan lang ang inabot ko sa kanila. Tss. Ang pogi ko kaya nung bata ako. Natatawa sila kasi hindi sila naging kasing palad katulad ko. Tss.

Binati nila ako at nagpicture picture. Ewan ko ba't kahit tapos na ang video eh tawa pa rin ng tawa ang mga kolokoy.

"Anak? Sigurado ka bang magpapicture ka ng ganyan ang itsura mo?" Tanong ni Mama. At dito ko napagtanto na nakaboxer lang pala ako. Kaya pala hindi makatingin ng diretso sa akin si Sam. Nagandahan siguro sa katawan ko.

"Tss. Di na nahiya sa puro ribs niyang katawan." Asik ni Mai na ikinatawa ng lahat. Tss. May araw rin sa akin ang babaeng 'to.

Umakyat ako sa itaas at nagpalit ng mas gwapong damit. Araw ko pa naman 'to. Kaya dapat ako lang ang pinakagwapo sa lahat.

Mr. Chickboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon